Chapter 26

138 5 0
                                    


Sa huli ay kami nga ang napili ni Grae sa audition na gaganap na Mary and Joseph sa play. Aaminin kong napahanga ako ni Grae, may angking talento nga siya sa pag-akto. Pero ako? Ako na palaging walang ekspresyon ang mukha at hindi pa magaling mag-express ng nararamdaman niya ang napili sa lahat ng mga sumubok.

Hindi na muna kami nagpupunta ni Rain sa kindergarden dahil sobrang busy daw doon ngayon at christmas season. Samantalang nalalapit na nga ang christmas party sa school namin kaya mas napagtutuunan namin ng oras ang pagpapractice sa nalalapit na programa. Gaya ngayon, ginabi kami parehas ni Prieto sa pagbabasa lang ng mga script. Kaya naman hanggang sa pag-uwi namin ay dala-dala namin ang pagrerecite ng mga 'to.

"Mukhang sa pagdadala lang ng emosyon ka mahihirapan." aniya.

"At yun ang pinakamahirap na parte." tugon ko.

Umiling siya, "Sa totoo lang ay ang pagsasaulo ng mga script ang pinakamahirap. Pwede mo naman kasing madala ng emosyon ang mga 'to kapag kabisado mo na."

"Ganon ba. Mukhang mahihirapan pa lang talaga ako." napabuntong hininga ako. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa ulo ko. Ngumiti siya nang magtama ang mga tingin namin.

"Wag kang mag-alala. Tutulungan naman kita. Yun nga lang kailangan ko ng matinding kooperasyon mo. Magtitiwala ka ba sakin?"

Bahagya naman akong natawa, "Sa tingin mo sa lahat ng mga nahusgahan ko, may dahilan pa akong magduda sayo? Kahanga hangang lahat ng mga bagay ay mahusay mong nagagampanan. Hindi na nakakapagtaka na marami talagang mga babaeng nagugustuhan ka."

Nahinto naman siya sa paglalakad dahilan para lingunin ko siya. Nakapanaklob ng kamay niya ang kanya bibig. At base sa nakikita ko, mukhang napahiya ko siya.

"Namumula ka ba?" usal ko na akma pang lalapitan siya.

Agad niyang naayos ang itsura, "Hindi ko inaasahan na sayo pa mismo manggagaling ang mga salitang yun." muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.

"Wag mong sabihing hindi mo batid ang mga yun?" tiningnan ko siya ng nagdududa. Painosente naman siyang ngumiti akin. Bahagya akong napabuntong hininga, "Siguro nga'y ganon talaga kapag commited ka na sa isang tao. Siya lang ang napapansin mo. Sa kanya lang dapat nakatuon ang pagtingin mo."

"Naiinggit ako paminsan sayo dahil napakamatured mong tao, Grae." dagdag ko pa.

"Naniniwala ka na ang pagkakaroon ng malalim na relasyon sa isang tao ay maituturing na matured?" aniya.

Umiling ako, nanatiling nakatingin sa dibadaanan, "Matured ka kasi handa kang harapin ang mga magiging kapalit ng mga aksyon mo oras na makipagcommit ka sa taong sobra ng naging mahalaga sayo."

"Peij.."

"Magpapaalam na ako sayo, Grae. Bukas na lang ulit. Goodnight." sabi ko saka nagpamaunang pumasok sa bahay ng mga Patricio.

Madalas ay kami na nga lang dalwa ni Grae ang magkasama, sa break time, sa lunch, at lalo na sa uwian. Kadalasan kasi ay hindi na kami nakakaattend ng klase at nagpapractice na lang. Bukod sa tumutulong pa rin kami sa student council dahil sa mga darating na activity ay pinipilit pa rin namin ni Grae na humabol sa klase. Sa tuwing dismissal ay pumupunta kami sa faculty at pinapahiram samin ang mga notes ng ibang mga estudyante na pwede naming mapag-aralan. Hindi naman kami pinapabayaan ng homeroom teacher namin.

Ilang araw na lang ay magki-christmas party na. Christmas vacation na. Kabisado na rin namin ni Grae ang lahat ng mga script. Kinakabisado na lang namin at sinasanay ang mga sarili sa ibang mga natitirang scene. Konti na lang at halos mapeperfect na namin ang pagpapractice na namin. Hanggang sa dumating nga ang araw na magsusukat kami ng mga costumes namin.

Just YouWhere stories live. Discover now