Chapter 31

123 5 1
                                    

Muling napag-usapan ang tungkol kay Shans. Pilit pa rin siyang kinukulit ng mga first year. Nang bumalik pa si Shans sa classroom ay bakas sa mukha nito ang pagod. Paulit ulit siyang pinayuhan ng pabiro ng mga kaibigan na wag na lang pumasok ng school. Dahil kapansin-pansin talaga ang walang tigil na pangungulit ng taga first year sa kanya. Hindi siya tinitigilan, palaging nakabuntot at dikit ng dikit sa kanya. Kung di naman siya lalabas ng classroom ay pinupuntahan naman siya dito.

Buong klase ay napapansin siya. Sa kabilang banda kahit pinagtatawanan ang kalagayan niya ay naaawa na rin sa kanya. Doon ko lang napagtanto na madami na talaga siyang kaclose at marami na rin ang tumawag sa kanyang 'Shans'.

"Wala e. Hearthrob talaga mga tropa ko." biro ni Gian.

"Mukhang hindi ka titigilan nung mga first year hangga't di ka nagkakagirlfriend Shans."

Nagkataon naman na nagkatinginan kami ni Shans.

"Kung ligawan mo na kasi si Colby!" napansin naman nila ang katabi ko. Na sa mga nagdaang araw ay kapansin-pansin din ang pananahimik. Kahit hindi halata kay Coco ay batid kong inis na rin siya sa kalagayan ni Shans.

Napayuko na lang si Coco. Kunwari ay walang pakealam sa nangyari pero bakas ang pamumula ng mga pisngi niya.

"Yan pa rin ba ang topic ninyo?" narinig ko naman ang boses ni Grae. Pasimple akong sumulyap sa kanila at nakitang paparating ito, "Sobrang sikat mo talaga kaibigan." sarkastiko nitong sabi. Hindi ko maiwasan na matuwa sa tuwing makikita ang mga nagpipikunan nilang mga mukha ni Shans.

"Inggit ka? Gusto mo iyo na!?"

"Di na. Mas gusto kong mapansin ako ng taong totoong gusto ko talaga," narinig kong tugon ni Grae. Kinantsawan naman siya ng mga kaklase naming babae. Pati si Coco ay nakisabay na rin.

Dahil nga abala si Shans ay hindi na sila madalas na nagkakasama. Madalas siyang sumasama samin ni Grae sa pagrereview. Abala din kasi si Roxy dahil kay Glenn. Mabilis na bumalik ang pakikitungo ni Coco kay Grae dahil ramdam naman niyang sincere yung tao. Sa kabilang banda ay pakiramdam ko ay sakin niya ibinubuhos ang inis, tampo, at selos sa nararamdaman niya sa kalagayan nila ni Shans.

Nakita ko naman na bumalik na si Shans sa table niya. Magkasalubong ang mga kilay na nakatingin kay Grae, "Bakit may nagugustuhan ka ba ngayon?"

Naramdaman ko naman ang mga tingin ni Coco. Muli kong binalik ang pansin sa ginagawa. Vacant kasi kami kaya kung anu-ano lang ang ginagawa namin ngayon.

"Eeh liligawan mo na ba Grae si Ms. President?"

"Si Peij--!?"

"Alam ko na Shans! Magpanggap na lang kayo ni Coco na magjowa para tigilan ka na nung Allysa!" narinig kong usal ni Jonas. Napatingin ako kay Coco at pulang pula talaga ang mukha niya.

Kinulit nila Jonas si Coco tungkol sa plano. Pinilit nilang mapapayag si Coco dahil yun lang ang sa tingin nilang paraan para tigilan na siya ng nagngangalang Allysa. Kaya naman sa huli ay pumayag na rin si Coco.

Nung dismissal, gaya ng plano ay sabay silang umuwi ni Shans.

Pagkatapos ng mga inasikaso sa council ay dumiretso din ako sa kindergarden. Nagkapaalaman kami ni Grae. Napansin ko na naman ang nanghihinayang na reaction na yun sa kanyang mukha. Noon ay nagpiprisinta si Grae na ihatid ako dahil sabay rin naman kami na umuuwi pero tumatanggi ako. Tumatanggi ako kapag nililibre niya ako ng pagkain. Kapag ginagawan niya ako ng mga favor. Napag-usapan na namin ang tungkol saming dalwa. At ayokong isipin na sinusubukan niyang kunin ang loob ko. Sa madaling salita ay ligawan ako. Pumayag ako na maging maayos ang lahat sa amin. Hindi ko siya pipigilan sa nararamdaman niya. Pero hindi ko yun matatanggap. Hindi ko talaga masusuklian ang nararamdaman niya para sakin.

Just YouΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα