Habang nasa kusina pareho sila Roxy at Coco, naiwan naman ako kasama ng mga lalaki para idiscuss kung anong pag-aaralan namin. Pinagdedesiyunan namin ni Grae ang maaaring makasama sa exam.

"Sabihin ninyo samin ni Grae kung saan bang mga topic kayo nahihirapan?" nag-angat ako ng tingin kila Gian. Hindi ko maintindihan kung anong mga pinagkakaabalahan nila sa kanilang mga cellphone.

"Uy ano ba!?" bigla na lang sumigaw si Shans ng pagalit at mabilis na naagaw ang phone na hawak ni Yno.

"Ano ba Shans! Sandali—"

"Anong ginagawa nila?" nasambit ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong pinanood na rin ni Grae ang mga kaibigan.

"Siguradong pinagtitripan nila tayong dalwa."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang umeksena sa kanila si Tita Hilary. Pasimpleng nakuha ni Tita ang phone na pinag-aagawan nila. Wala silang nagawang apat. Habang pinagmamasdan yun ni Tita. Pare-parehas kaming hindi malaman ang gagawin. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang meron dun. Pero hindi naging maganda ang kutob ko kung gayong tungkol pala samin ni Grae.

"Si Grae at Peij?" nagtatakang tanong ni Tita na nagpalipat-lipat ang tingin samin. Ngumiti siya ng ipakita ang phone na nakadisplay naman ang picture namin ni Grae. Napangiwi naman ako, "Anong meron?"

"May gusto po kasi si Grae kay Peij—" agad na natakpan ni Shans ang bibig ni Gian. Nanlaki ang mga mata ko. Pulang pula ang mukha niya. At nang lingunin ko ang katabi ko ay parehas ng reaction namin ni Shans ang mababakas sa mukha nito. Sumulpot naman kung saan sila Coco at Roxy.

Muling pinagmasdan ni Tita ang phone, "b-Bakit, magagalit po ba si Mrs. Romero?" anas pa ni Yno.

Agad na lumapad ang ngiti ni Tita nang muli siyang nag-angat ng tingin, "Hindi ko alam. Pero nakakatuwa namang madaming nagkakacrush kay Peij ko. Hindi ko naman masisisi ang magbestfriend na parehas sila ng tipo. Pero syempre mas boto ako sa anak ko. Hihihi." Nasapo ko ang aking noo at agad na napayuko. Hindi ko tiningnan pa ang mga naging reaction sa kani-kanilang mukha. Pero napagtanto kong lahat sila ay hindi makapaniwala sa narinig, "Paluto na ang mga cookies, magsimula na kayong magreview." pahabol pa niya.

Sobrang naging awkward ng sandaling yun. Hindi naging madali na makapagsimula kami para mag-aral. Tila naging bato naman ang magkakaibigan na sila Gian, Yno, at Jonas. Napagtanto na siguro nila ang mga bagay bagay hanggang ngayon. Maraming katanungan sa mukha ni Roxy. Hiyang hiya naman sila Grae at Coco. Sa sitwasyong ito, kaming dalwa ni Shan sang pinakanaiipit.

Inabot na kami ng gabi. Inihatid sila pag-uwi nila Tita at Shans. Naiwan naman kami ni mommy sa bahay.


Dumating ang araw ng linggo. Nabanggit ko na kay mommy ang tungkol sa pagrereview ko kila Rain kaya pinayagan din niya ako. Dahil malelate si Rain ay naisip kong dumiretso na lang sa bahay nila. Nadaanan ko pa ang bahay nila Brits. Saglit pa muna akong sumilip sa bahay nila, inaasahan na makikita ang bata.

"Peij?" narinig kong may tumawag sakin. Bahagya pa akong kinabahan nang makita si Erah.

Pinatuloy ako ni Erah sa bahay nila. Alam niya na magkikita kami ngayon ni Rain. Wala dun ang mga magulang ni Rain pati na ang kambal. Sabi ni Erah ay kasama ng mga ito si Rain habang ang kambal ay na kila Mrs. Choi. Habang naghihintay ay dinala niya ako sa kwarto ni Rain.

"Dun na lang ako sa salas maghihintay, Erah. Sabi naman kasi ni Rain—" hindi ko natuloy ang sasabihin na darating rin naman si Rain agad.

"Aliwin mo na muna ang sarili mo dito. Madami kang mga librong mababasa." Itinuro niya sakin ang isang malaking cabinet kung saan punong puno ng iba't ibang mga libro. Napangiti ako sa ideya, "Alam kong matutuwa ka kung makikita mo ito. Lahat ata ng mga gusti mo ay gusto rin ni Rain. You two make a great couple." Napakunot ako ng noo nang lingunin ko si Erah. Nagmartsa naman siya paalis. Susundan ko pa sana siya pero masyado akong naguluhan sa sinabi niya.

Just YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon