siguro lang desperada na talaga akong makapag-higanti dun.kaya walang takot na tumayo ako at hinablot ko yung baril na hawak nang isang armadong lalaki at tinutok sa Ama ko na halata mong nagulat sakin

"hindi pa tayo tapos."

"papatayin mo'ko?baka mag-sisi ka!"may isang lalaki din na nakatutok ang baril sakin pero hindi ako nagpatinag

"bakit ako mag-sisisi kung mapapatay naman kita,kita kits nalang tayo sa impyerno Daddy."kahit nanginginig ang kamay ko tinutok ko padin  dito yung baril

"pag pinatay mo ako,magiging masaya kaba?"

"bakit hindi!ikaw ang taong sumira nang buhay namin.isang karangalan na mapatay kita."unti-unti naman itong lumapit sakin at binuka yung mga kamay na tipong yayakapin ako

"papayag lang akong patayin mo kung.."binitin nito yung sasabihin at nakakalokong tumingin kay Harley

"kung ano?"

"kung buburahin mo ang lahat nang ala-ala nang mga taong nandito."

"ganyan kana ba talaga kalala at kung ano-ano nang pinagsasabi mo?"sigaw ko na hindi parin inaalis ang pagkakatutok nang baril dito

"ok ganito nalang!tutal at malaki na ang nasakripisyo sayo ni Agent Escueta bakit hindi nalang siya ang tanggalan mo nang ala-ala.pangako!lahat sila mabubuhay at wala akong papatayin kahit isa."

"huwag mong gagawin yan Odin."sigaw ni Mama

"bakit kaya hindi ikaw ang mag try nun sa sarili mo."gitil kong turan dito

tumawa naman ito pero yung tawang nauubusan nang pasensya.sinenyasan nito yung isang lalaki na naka all white na tipong parang doctor sa ayos.may hawak itong medicine kit na ewan kung medicine nga ang laman.

"hindi naman ako masamang tao.bilang isang taong tumutupad sa usapan nang kanyang nag-iisang anak na buhayin si Agent Escueta na kanyang mahal,gagawin ko,yun nga lang ito lang ang kaya kong gawin para mabuhay siya.ang burahin ang ala-ala niya"

"anong gagawin mo?"nangangatal na tanong ko dito

nagpapalag naman si Harley sa mga armadong humahawak dito.lumapit si Daddy kay Harley.inabutan naman ito nang isang malaking injection nung lalaking parang doctor sa ayos.ngumiti ito nang nakakaloko sakin at bago ko pa makalabit yung baril ko para iputok eh,bigla nalang may humawak sakin para pigilan ako.

"paalam sa masamang bangungot nang buhay mo Agent Escueta!mag hello ka ngayon sa bago mong mundo,sa ginawa kong ito siguradong pasasalamatan mo ako!"

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now