"anak mo siya,kadugo mo!bakit kailangan mo siyang pahirapan?"

"anak ko nga siya pero hindi ibig sabihin nun tuturuan ko na siyang maging suwail sakin.ako ang ama niya,ako lang ang dapat na may sungay saming dalawa.at kung ang pahirapan siya at patayin ang kailangan kong gawin para sa ikagaganda nang business ko,hindi ako mag-aatubiling patayin siya sa harapan mo!"halos mag-wala naman si Mama at harley sa sinabi nito

Ako naman eh,halos mapaupo sa sahig sa pag-iyak sa mga nangyayari.pumantay naman nang upo yung Daddy ko sakin at hinawakan ang mukha ko para magkatitigan kami.

"last choice,ibibigay mo oh papatayin ko silang lahat sa harapan mo?"kahit anong pilit nitong ibigay ko wala din akong maibibigay dito kasi nasa lolo iyon ni harley na ngayon ay wala nang malay

"ang sama-sama mo!ikaw ang Ama ako,ikaw ang dapat na kakampi ko sa lahat nang paghihirap na nararamdaman ko.pero bakit?bakit kailangan pahirapan mo kami?"halos lamutakin naman nito yung mukha ko sa inis

"huwag mo akong dramahan,dahil hindi ako nadadala sa drama!ibigay mo sakin ang copy nang documento at tatapusin ko na ito."tumawa naman ako at tinitigan ito

"matalino ka nga,pero hindi ibig sabihin nun mauuto muna ako,alam ko naman eh,pagkatapos mong makuha ang lahat nang documento papatayin mo din kami,kaya para saan pa kung ibibigay ko sayo yung copy kung sa huli ako din naman ang dehado."mas lalo naman itong nag-wala sa sinabi ko at sinenyasahan yung lalaking may hawak kay Mama

"siguro naman ibibigay mo kung siya ang una kong tatapusin sa harapan mo."umiling lang si Mama sakin nang umiiyak

"gawin mo ang tama Odin,huwag mo akong intindihin ayos lang sakin na patayin niya ako.basta ang mahalaga naitama mo ang mga maling nagawa namin."

"tumahimik ka!"sinampal ito nang malakas nang Daddy ko sa mukha

"huwag kayong mag-alala MA!hinding-hindi ako papayag sa kanya."tumawa naman ito na parang masisiraan nang bait

"anak nga kita,well,wala na akong magagawa,wala rin naman saysay kung tatapusin ko ang buhay niyo,mukhang tapos narin naman talaga ang drama."naguguluhang napatingin ako dito at sa isang lalaking nagtatakbo papunta dito

"nakuha na po namin bossing,wala na pong problema"sabi nito sa Ama ko

Ngumiti naman ito at tinignan ako nang maluwang habang winawagayway sa mukha ko yung Cd na siyang pinatago ko sa lolo ni Harley.wala na,mukhang katapusan na nga naming lahat.unti-unti namang nag-angat nang ulo yung Lolo ni harley na buhay pa pala

Malungkot itong napatingin sakin na ikinaiyak ko nang sobra.napabaling din naman ako nang tingin kay Kaden na ngayon ay malungkot din na nakatingin sakin,pati si Near at Throwie.si Harley naman eh,napatungo nalang na parang naiiyak narin.si Mama ang lakas-lakas nang iyak niya

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now