"akalain mo nga naman sarili mong Ama ang tinraydor mo,"sabi nito nang makapasok na ito sa kulungan namin ni Kaden

parehas na nakakadena ang paa namin ni Kaden.kaya wala ring saysay kung tatangkain naming kalabanin yung armadong kasama ni Near.wala kaming susi para makaalis ang paa namin doon.aasa nalang kami sa plano ni Near

"i thought kaibigan kita!pero hindi ko akalain na kasabwat ka nang Daddy ko."kailangan kong gawin ito para hindi kami mahalata

"friends?we are not!hindi ko gugustuhin maging kaibigan ka."

"oh yeah!because you're fucking asshole.."sigaw ko dito

Nagkunwari naman itong nagalit sakin at hinatak ako palapit dito.magwawala na nga sana si Kaden nang pigilan ito nang dalawang armadong lalaki.hinila naman ako ni Near palapit sa katawan niya.

nakahawak ang isang kamay nito sa bewang ko at yung isa inihawak nito sa batok ko.hindi ko alam kung ano yung bagay na naramdaman kong nahulog sa likod ko.sinadya yata ni Near na ihulog iyon sa loob nang damit ko,para magamit namin ni Kaden kung ano man iyon.

"kung ako sayo,patinuin mo yang utak mo!para hindi ka nadadamay sa katangahan nang boyfriend mo,"pagkatapos nito iyon sabihin sinenyasan na nito yung mga armadong lalaki na lumabas sa kulungan namin

bago pa nga ito tuluyang umalis eh,binigyan pa ako nito nang tinging kami nalang yung nagkakaintindihan.nang mawala na ito at masigurong walang magmamasid samin na armadong lalaki.kinuha ko yung kapirasong papel na umipit sa gilid nang bra ko na siyang nilagay ni Near.binasa ko kung ano ang laman nang kapirasong sulat na iyon.

"mamayang alas nuebe nang gabi subukan niyong makatakas na dalawa,tinago ko yung spare key nang padlock nang kadena na nakakabit sa inyo,at pati narin ang susi nang kulungan niyo.tumingin ka sa gilid mo at makikita mo yung kapirasong tela sa sulok nang pader,nandun ang mga susi.mag-ingat kayo Odin,ako nang bahala sa iba.nakausap kona din si Throwie kaya huwag kang mag-alala.kailangan niyong makatakas para mapigilan natin ang masamang gagawin nila kay Harley.yan lang ang oras na meron kayo para makatakas kaya sana gawin niyong lahat nang magagawa niyo."

agad ko namang tinago sa bulsa yung sulat na binigay ni Near.nakamasid lang naman sakin si Kaden.mabuti nalang at malapit kami sa may pader na pinaglagyan ni Near.dahil kung hindi tiyak na mahihirapan kami ni Kaden na kuwanin iyon lalo pa at nakakadena ang mga paa namin.

sinabi ko din naman kay Kaden yung tungkol sa sulat na ginawa ni Near.nanatili nalang kaming nakaupo sa sulok habang naghihintay nang takdang oras.alas otso na nang gabi sa relo ko,isang oras pa at kinakabahan na'ko.naramdaman naman ni kaden na ninenerbyos ako.kaya,hinawakan nito nang mahigpit ang kamay ko

"kaya natin to'."

"uhm!salamat sa lahat kaden."pinahiran naman nito yung luhang naglandas sa pisngi ko

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now