"ikaw ang walang isang salita.akala moba purkit anak kita mamamana mo ang kautakan ko.nagkakamali ka Codilyn!anak nga kita pero hindi mo'ko kaya!"

"anong ginawa mo sa kanya?sabihin mo anong ginawa mo sa kanya?"naiiyak kong sigaw dito

"malalaman mo din,huwag kang mainip!"bigla itong sumenyas sa mga lalaking may hawak samin

Halos mapasigaw kami ni Mama nang buhatin kami nang mga ito at piliting isakay sa kotse.nilagyan din kami nang mga ito nang piring sa mata at bago pa ulit ako makapalag.naramdaman kong unti-unti na akong nilalamon nang dilim sa kung anong pinaamoy nang mga ito sakin.

Nagising naman ako nang maramdaman kong may tumatapik-tapik sa pisngi ko.medyo masakit pa yung ulo ko nun at malabo padin yung aninag ko sa kung sino mang taong nakatunghay at tumatapik sa pisngi ko.unti-unti narin naman luminaw yung paningin ko at nakita ko ang mukhang nag-aalalang si Kaden

"anong nangyari?"may pasa kasi ang mukha nito at halos dumudugo pa yung gilid nang labi nito

"nalaman nila yung plano natin."halos mapaiyak naman ako sa sinabi nito

Pag-tingin ko nga sa paligid nasa lumang building na kami.nakakulong kami sa isang kwarto na mistulang kulungan dahil sa rehas na pintuan nito.kaming dalawa lang ni Kaden ang nandun,puno din nang galos ang katawan nito na mistula talagang pinahirapan.

"pano nila tayo natunugan?"napapahawak sa ulong tanong ko dito

"hindi ko din alam kung pano,nagulat nalang ako nang biglang may mga armadong lalaking humarang sakin at pinilit akong dalhin dito.ang Daddy ko nandito siya kanina at galit na galit siya sakin,wala narin daw siyang pakialam kung mamatay pa ako dito."naawa naman ako sa sinabi nito

"ano nang gagawin natin?si Harley..si Harley baka.."tuluyan na akong napahagulgol nang iyak at niyakap naman ako nito

"narinig kong balak nilang burahin ang memorya ni Harley,hindi ko nga lang alam kung nagawa na nila yun."

"OH,GOD!"halos manginig ako sa nalaman ko

"i'm sorry Odin,kung hindi ako nag-ingat."umiling lang naman ako dito at tumayo

"si Near..nakita moba si Near?"

"hindi ko siya nakita pero nakita ko si Throwie kanina na umaaligid-aligid dito."nabuhayan naman ako nang loob sa sinabi nito

"mabuti naman at nandito na sila,si Near kailangan din natin siya."

sakto namang nag-uusap kami sa bagay na yun nang dumating si Near kasama ang tatlong armadong lalaki.tumingin ito sakin na parang ipinahihiwatig na magpanggap kami para hindi ito sumabit.

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now