Chapter 30

670K 23K 16.9K
                                    




"May taping tayo ng ten," sambit ni Rave habang nag-uusap kami sa telepono. "Gusto mo bang sunduin kita o may susunod na sayo?" Tumaas ang kilay ko. May ibing ba siyang sabihin sa mga huli niyang sinabi.

"Kaya ko naman pumunta duon mag isa. Isa pa, may nakuha na akong sariling assistant."

"Ah, akala ko kasi susunduin ka na naman ni Papa Dwayne," sa tono ng boses niya parang kinikilig pa siya. "Nanliligaw ba siya sayo? Sasagutin mo ba siya?"

Bigla akong natawa sakanya. "What you see is what you get." Tipig kong sagot.

"Ang showbiz naman masyado ng sagot mo," pagtataray niya. "Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko."

Oo nga pero bakit nahihirapan akong sagutin 'yon? Oo nanliligaw sakin si Dwayne pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya. Siguro hindi pa ngayon. "Mabuti pa mag ready na ako at baka ma late pa ako."

Binabaan ko agad siya ng phone baka kasi ano pa ang itanong niya sakin. Bago ako mag ready tinawagan ko na muna si Aly para makapag ready na din siya.

Si Dwayne naman may pasok kaya hindi siya makakasama sa amin. Sa totoo lang, ayoko maging burden sakanya. May sarili din naman siyang trabaho at hindi pwedeng iikot lang ang mundo niya sakin.

Maagang nakadating si Aly sa bahay kaya maaga din kaming nakaalis at nakadating sa taping.

"Rave, si Aly nga pala. Siya 'yong bago kong assistant."

"Hi Aly, ako pala 'yong manager ni Dana at manager na din ni Keila." Kakaiba 'yong ngiti ni Rave kay Aly. Kung hindi ko lang alam na bading si Rave, iisipin ko na may gusto siya kay Aly. "Halika ka na, mag make-up ka na para makapag start na tayo."

Tumingin tingin ako sa paligid pero hindi ko makita si Kean o kahit na si Carla.

"Sinong hinahanap mo, si Kean ba?" tanong ni Aly. "Sabihin mo nga sakin friend, may feelings ba na bumalik?" kung tignan niya ako para siyang imbestigador. Pareho lang silang dalawa ni Rave.

"Wala at wala nang babalik," sambit ko. "Aly, alam mo naman na nakapag move-on na ako kay Kean."

"Sana nga, alam mo naman kung gaano ka-komplikado ang sitwasyon ni Kean. Boyfriend na siya ng kapatid mo at isa pa baka awayin ka na naman ng mga immature fans nila kapag napalapit ka na naman sakanya." Umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. "Alam mo minsan nasa tabi mo lang ang taong para sayo pero hindi mo siya makita kasi sa iba ka nakatingin."

Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pag-aayos sakin. Ang lalim ng mga sinabi ni Aly na hindi na ako nakasagot pa. Kahit hindi niya sabihin alam kong si Dwayne ang tinutukoy niya.

Nakatingin pa nga din ba ako sa iba?

"Hindi ba nga sa mga computer games, bago ka makapunta sa next level kailangan mission complete ka muna. Parang sa pag mu-move on, kailangan wala ka nang unfinished business bago ka totally makapag move-on."

Ito na naman si Aly at ang mga hugot niya pero kung tutuusin lahat naman 'yon may kwenta.

"Ikaw lang ang may shoot ngayon Keila," sambit ni Direk Toni. "Hindi kasi makakapunta si Kean, may problema daw siya." Alam kong sinusubukan niyang itago ang inis niya. "Let's start so we can finish early."

Maaga naman kami natapos dahi ilang scenes lang din ang ginawa namin pero inabot na din kami ng hapon dahil kumain pa kaming buong team para daw i-celebrate 'yong magandang rating ng show.

"Keila, hindi ba pupunta dito si Papa Dwayne?" bulong sakin ni Rave. "Miss ko na siya, eh." Tinignan ko siya ng masama at agad siyang nag peace sign sakin. "Biro lang ito naman, mamaya isumbong mo ako sakanya. Baka bukas may black eye na ako."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon