"Mmm!" Tinanguan niya ako, suot ang kanyang matamis na ngiti.

• • •

Naglibot-libot ako sa dorm. Nauna nilang nilinis ang sahig kaya wala na ang mga nakakalat na mga piraso ng nasirang furnitures. Lumapit ako kina Sir Rio at Kara na sinusuri ang mesa sa kusina.

"That attack wasn't meant to kill us, was it?" tugon ko. "I should know dahil gawain ko ang manakot, ang mambanta ng buhay ng iba." My hand touched what's left of the lightning on the table, a huge burn mark.

May it be a god or another creature, ang kapal ng mukha ng may kagagawan nito. To threaten the lives of the Olympians' descendants like that. How inconvenient. Whoever sent this must be asking for a life spent in Tartarus, the deepest abyss of the Underworld.

Agad kong kinuyom ang aking palad at inilayo ito sa mesa nang biglang sumakit yung ulo ko. It was as if someone hit my forehead with something sharp. Bago pa lumala ang pakiramdam ko, inalala ko ang sitwasyon namin ngayon. Paano ako makakatulong sa kanila kung magpapadala ako sa galit ko? I might even make things worse.

"Ria? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Kara.

My eyes were throbbing in pain when I looked at her. "Don't mind me. I'm fine."

Tinitigan niya ako. Saka lamang niya tinanggal ang kanyang tingin mula sa'kin nang tumigil na ang pananakit ng mga mata ko. "Of course you are." malamig niyang sabi at muling binalingan ng atensyon ang marka sa mesa.

Iniba ko ang landas ng aking paningin dahil sa hiya. Gods. How stupid of me. To lie in front of a daughter of Athena. Sana pala'y nanahimik nalang ako imbes na sagutin siya.

Mayamaya pa'y pumasok si Sir Glen. Sumunod sa kanya si Trev na naka-bandage ang mga braso. Hindi naging hadlang ang kanyang injuries sa kaugalian niyang pagsilid ng dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya. Wala ring ipinagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Blangko pa rin ito.

Tumungo silang dalawa sa kinaroroonan namin.

"The lightnings were artificial." pagbibigay-alam ni Sir Glen. "In other words, the lightnings aren't made of the elements they should be made of."

"No electromagnetic radiation was produced nor any electric charge." dugtong ni Trev. "It was only light and heat used at the same time to mimic that of electricity."

"Eh yung location ng source nito?" tanong ko. Gusto ko lang bawiin yung sinabi ko na makapal ang mukha ng may gawa nito. That was an understatement, dahil isang violation against the gods ang hindi pagsunod sa mga batas ng kalikasan. Kasali na rito ang paggamit ng artificial abilities.

The audacity to mimic such power. Ang mas malala, yung ginaya pang kapangyarihan ay ang kapangyarihang taglay ng God na naghahari ngayon sa Mount Olympus.

"We couldn't trace it." sagot ni Sir Glen. "However, these types of abilities can only extend to short distances. It's a possibility that the source was close during the attack."

We spent the next few minutes under heavy silence. The tension didn't collapse, kahit nung nagpaalam na sina Sir Glen at Sir Rio sa'min pagka't pinatawag daw sila sa office ng principal.

"So..." Binasag ko ang katahimikan na namamagitan sa'ming tatlo nina Kara at Trev. "Sinabi sa'kin ni Art na hindi daw siya pinapasok dito."

Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa aking labi dahil wala akong natamong response mula sa dalawa. "I'm sure papunta na rin dito sina Dio at Cal." sabi ko sa kanila. "Babalik nalang muna ako sa clinic."

Binalewala ko ang binabatong tingin ng mga estudyanteng nakasalubong ko sa corridors. They may be curious, kung anong nangyari sa dorm namin... o sadyang kapansin-pansin lang talaga ang bigat ng bawat hakbang ko.

Dumiretso ako sa cubicle ni Cesia, kung saan nadatnan ko si Kaye na nakatayo sa paanan ng higaan. Nilingon niya ako, her face pale and eyes, as dark as Cal's.

Come to think of it, she doesn't look like an oracle of a light deity, does she? She'd be fitting as an oracle or a keeper of a deity from the Underworld instead.

"Anong ginagawa mo dito?" And I thought I left Art here? Sa'n na naman kaya 'yon nagpunta?

"I had a vision again." Yumuko siya. "But it's too late now. I-I'm sorry. I should've told you earlier. Nadala kasi ako ng takot ko..."

"It's not your fault." I said bitterly because to be honest, wala ako sa mood ngayon makipag-argue sa kanya. If I know, the next thing she would do is blame herself. And the gods know how I'm not fond of people who take the blame all by themselves.

"Pero dapat kasi binalaan ko kayo habang maaga pa... kaso natakot ako. Kasalanan ko 'to eh-"

"Please don't." walang kagana-gana kong saad. "Ayokong maging emosyonal sa panahong 'to. There are a lot of things that are bothering me right now and the last thing I would want is to be in a dramatic dialogue."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Call me rude or whatever, but what's the point of her sharing what she feels kung hindi rin naman ako makikinig sa kanya? It's not like I'm invalidating her feelings and I won't listen to her. I will, pero wag lang ngayon. Dahil marami pang bumabagabag sa isipan ko. Kilala ko na ang sarili ko. I can't stand being in a heart-to-heart conversation when my thoughts are all over the place.

Unless it's Art. Iba kasi ang kahulugan ng deep talks kasama siya. Ewan ko nga kung uso ba yung meaningful conversations sa kanya.

"P-Pero..."

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, Kaye. Wag mong akuin lahat." I gave her a bored look. "'Yan lang ang masasabi ko sa'yo."

"Then, what can I do? Para matulungan ko kayo?" aniya.

"Good question." Nginitian ko siya. "Sabihan mo lang kami kung magkakaroon ka na naman ng vision. Don't hesitate to approach us."

Tumango siya. "I will." Sinulyapan niya si Cesia. "Pakisabi nalang na napadaan ako. May klase pa kasi kami. Una na'ko." Nag-bow siya at dali-daling lumabas ng kwarto.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. Kasabay nito ay ang paggalaw ng isang kamay ni Cesia. Kumunot ang kanyang noo at dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata. Napasingkit pa siya nung una bago tuluyang naka-adjust ang kanyang paningin sa liwanag.

"Cesia? You can hear me right?"

Tumango siya, which means she's already responsive. "Good. Wag ka munang gumalaw. Tatawagin ko lang si Doc."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora