"Galit? Hmm..." Sumingkit ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kanyang baba, na tila malalim ang iniisip. "Bakit kaya?"

"Hoy!" Dinuro-duro ko siya. "Wag ka ngang mag-assume. Paki ko ba kung mga lalaki pala trip mo. Eh di do'n ka kina Trev-"

Bigla siyang naglaho at naramdaman ko nalang ang isang kamay sa balikat ko. "Ria?" bulong niya habang nakatayo sa likuran ko. "Ano nga ba yung ina-assume ko? Wala naman akong sinabi ah."

Sobrang lapit niya lang sa'kin kaya malakas ko siyang siniko sa sikmura. Umikot ako saka sinipa ang likod ng tuhod niya at tinulak siya pababa sa sahig. Narinig ko ang halakhak niya kahit nang napatumba ko siya dahilan na mas mainis pa ako sa kanya.

Inirapan ko siya bago umalis.

Tinawag ko ang nurse na napadaan sa harap ko. "Excuse me but can you check on Chase? The son of Hermes?"

"Why?" Nag-abot ang kanyang kilay. "We already gave him a couple of medicines. Did he faint? Or?"

"Worse." sambit ko sabay tingin sa malayo. "That demigod is still breathing."

Tinitigan lang ako nung nurse. Hindi siya nagsalita at unti-unting lumayo nang hindi tinatanggal ang kanyang mga mata sa'kin.

Napailing ako at bumalik sa cubicle kung saan naroon si Cesia. Pagpasok ko, nakita ko si Kara na nakatayo, nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib at pinagmamasdan ang pasyente. Kapansin-pansin ang sunod-sunod niyang buntong-hininga.

"Magigising din naman siya mamaya, ayon kay Doc."

"Trev was in no way in control of those lightnings." She chuckled lightly with a hint of sarcasm. "Does this mean it was Zeus who sent them?"

Natawa rin ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo, ano na naman kaya ang atraso natin?"

Narinig namin ang pagbukas ng pinto. Hindi na namin kailangang lumingon para malaman kung sino ang pumasok dahil sa hikbi na kasunod naming narinig.

Malumbay na umupo si Art sa mahabang leather chair na nasa dakong dingding ng silid. Suot niya pa rin ang kakaibang pajama niya at nakatalukbong ang hood nito sa kanyang ulo. Kitang-kita ko ang bakas ng mga luha sa namumula niyang pisngi.

"I have to go." paalam ni Kara bago lumabas ng kwarto.

"Art?" Tumabi ako kay Art. "What's wrong?"

Pinunasan niya ang kanyang pisngi at humugot siya ng malalim na hininga. "Ih kasi, kukunin ko sana sina Blossom pero hindi nila ako pinapasok sa dorm Ria..." hibik niya. "Baka na-suffocate sila du'n sa kwarto ko."

Napaubo ako dahil pilit kong kinikimkim ang isang ngiti na nagbabantang mamuo sa labi ko. Umayos ako sa pagkakaupo at hinagod ang likod niya. "Don't worry, I'm sure okay lang sila."

"Paano?" Ibinaba niya ang hood na tumatakip sa ulo niya.

"May powers din naman sila, diba?"

Bahagyang bumukas ang kanyang bibig. Kinisap-kisap niya ang kanyang mga mata na para bang naliwanagan siya sa sinabi ko. "Oh my Greeks! Oo nga ano?!"

I felt relieved nang bumalik ulit yung ngiti niya.

That's right Art... continue smiling even when everything feels wrong as of this moment. It's what we need the most right now. Your light.

"See? You have nothing to worry about." Tinapik ko ang balikat niya at tumayo. "Bantayan mo muna si Cesia, okay? May pupuntahan lang ako."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now