Chapter 33: Renz

2.8K 57 5
                                    

A/N: ErickaLazo and JeonKatrina_97, I dedicate this chapter for you two. Thanks a lot for your support. :)

--------------------------------------------------------

Renz' POV

Tanging kirot sa aking dibdib ang naramdaman ko nang masilayan ko kung paano yakapin ng pinsan ko si Sowee. Naging madali para sakin ang mahulog sa kanya. Kung kaya't ganito nalang ako kung mag-alala sa kanya nang sabihin sakin ni Patrick na nawawala sya. Siguro nga wala na akong pag-asa kay Sowee kasi alam ko kung paano sya tumingin sa pinsan ko. Kasi ganun ako tumingin sa kanya. Ganun ang tingin ng may pagmamahal. I guess I should stop from here bago pa ako tuluyang mahulog sa kanya. Hindi pa ako nasasaktan sa pag-ibig pero ayoko din namang maranasan kaya hangga't maaga, iiwas nalang muna ako.

Bumalik na ako sa kotse ko at nagmaneho pauwi. I need to release this stress.

~~

Sowee's POV

Nababalot ng awkwardness ang dining area ngayon. Bakit? Hindi ko din alam eh. Siguro dahil parin dun sa nangyari kahapon. Oh yeah, kaming dalawa yung taong hindi marunong mag-move on sa mga nangyayari. But the highlighted thing is....yung half inch distance between our faces.

"Anak, buti naman at bumalik ka. Bakit ka ba kasi naglayas? Pinag-alala mo kami ni Patrick." Kumento ni Manang.

Isa pa 'tong si Manang. Hindi din marunong mag-move on. Hello? Kahapon pa kaya yun? Ano bang nangyayari samin?

"Sorry po, Manang." Sagot ko. Hindi na ako nag-abala pang magpaliwanag. Kahapon pa naman ako nag-eexplain eh. Paulit-ulit lang talaga 'tong si Manang.

Pagkatapos nun, nagpatuloy na ulit kami sa pagkain. Natahimik nanaman kami. Minsan nagkakatinginan kami ni Patrick pero umiiwas din ako agad. Awkward talaga...
-____-"

Kinuha ko yung gatas ko sa mesa at ininom nang biglang magtanong si Manang. "Teka nga muna. Napapansin ko lang ha? Kanina pa kayo walang kibo. Ano bang nangyayari sa inyo?" Nagtatakang tanong samin ni Manang. Papalit-palit ang tingin nito sakin at kay Patrick. Pero kami, tumitingin lang sa kung saan-saan at pakunwaring may iniisip. Naningkit bigla ang mga mata nya at itinuon ang mga kamay sa mesa. "May nangyari ba sa inyo kahapon?"

Kamuntik ko nang maibuga yung gatas sa bibig ko dahil sa tanong na yun. "WALA PO!" Sabay pa naming sagot.

"Oh eh, bakit napaka-defensive nyo? Nagtatanong lang naman ako." Nangatuwiran pa sya. Masyado lang talaga kaming pahalata. Iba pa yung tono ng pagkakasabi naman. Para talagang may pagka-defensive.

"Wala po talaga." Ginawa kong mahinahon ang boses ko para maniwala sya. Wala naman talaga diba? Hindi naman kasi natuloy eh.

"Naku, sigurado ako may tampuhan kayo. Ayusin nyo yan. Kung patuloy kayong magiging ganyan, baka hindi ako makakaalis dito." Sambit pa ni Manang. Nabaling ang atensyon naming dalawa sa kanya.

"Bakit Manang? Saan po kayo pupunta?" Tanong ni Patrick.

"Eh magpapaalam nga sana ako sa inyo kasi birthday ng anak ko bukas. Kaya kailangan ko nang umalis mamaya." Paliwanag ni Manang.

"MAMAYA?!" Sabay nanaman kaming nag-react.

"Oo, mamaya. Bakit may problema ba? Ayaw nyo ba akong umalis?"

"No, Manang. I think you should go. Importante yun eh. Okay na po kami dito." Sambit pa ni Patrick.

Sa totoo lang, gusto ko naman talagang sabihin kay Manang na wag na muna syang aalis. Tingin ko hindi ako makakatagal sa ganitong sitwasyon namin. Baka mamatay ako sa katahimikan at pagkailang.

The Celebrity Dad (Book 1) Where stories live. Discover now