Chapter 22: First Tears

3.1K 52 1
                                    

Patrick's POV

"Oo, nandito sa bahay na 'to ang ama nya."

Nanlaki ang mga mata naming tatlong nakapalibot sa kanya nang sabihin nya yun. Kinakabahan ako sa sasabihin nya. Kahit hindi nya sabihin, alam kong may galit din syang nararamdaman kay Trixie. Naiinis na siguro sya dito kaya sasabihin na nya yung totoo. How I really wish na sana wag nyang ituloy.

"Really? Nandito sya? Sino?" Nagpatuloy sa pagtatanong si Trixie kaya lalo lang akong kinabahan. Gusto ko nang hatakin palabas si Trixie pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko, anytime sasabihin na nya kay Trixie ang lahat. And if that happens, I'm dead. Lalo na ang career ko. Imposibleng hindi sabihin ni Trixie sa CEO namin kapag nalaman nya yun kaya hindi nya pwedeng isawalat ang totoo, lalo na sa babaeng 'to. Sinubukan kong hawakan yung kamay nya. Baka sakaling matigilan sya sa binabalak nya. Napatingin sya sakin at pasimple akong umiling sa kanya. Nabaling din ang atensyon ni Trixie sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Sowee. "What's wrong, Patrick? Bakit ba parang takot na takot kang malaman ko?"

"Enough, Trixie!"

"Is it you?" Kabigla-biglang tinanong nya iyon sakin. Paano nya nagawang paghinalaan na ako ang ama?

"What!?"

"Ikaw ba? Para kasing ikaw yung ama kaya ayaw mong malaman ko." Namilog ang mata namin sa sinabi nya. Actually, nasagot na nya yung tanong nya.

"I said enough!" Tumahimik ang lahat nang sumigaw ako. Hindi ko na hihintayin pang sabihin ni Sowee. "Sowee, go to your room."

"Si Renz." Natigilan kaming lahat sa sunod nyang sinabi. Ako, si Renz at si Trixie. Sa una, nagtaka ako sa sinabi nya kaya hinarap ko sya. Nginitian nya lang ako to say that everything is alright. Muli nyang hinarap si Trixie. "Si Renz ang mga ng dinadala ko."

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Gayun na din ang pinsan ko. Hindi namin inaasahan na yun ang sasabihin nya. Dapat nakakahinga na ako ng maluwag ngayon kasi hindi nya sinabi yung totoo. Pero bakit parang mas bumigat pa yung pakiramdam ko? Bakit parang may mali sa ginawa nya? Parang may kumirot na something sa parte ng katawan ko. May hindi ba ako nagustuhan sa sinabi nya?

"Oo tama yun! Ako nga ang ama." Sumunod naman sa agos ng plano si Renz at inakbayan nya si Sowee. Agad akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Ikaw yung Renz?" Takang tanong ni Trixie sa kanya. It looks like she's expecting for some other answer.

"Yeah, ako nga. May problema ba?" Tanong ni Renz.

Walang kaduda-duda sa sinabi ni Sowee. In fact, hindi lahat ng tungkol saming mga artista makikita at mababasa online. Mas lalo't higit ang tungkol sa family background namin. Marahil nakasaad do'n ang pangalan ng mga magulang at kapatid ko, ang malalayong kamag-anak naman ay hindi na nila inuungkat pa. Besides, it doesn't matter to them anyway. Kaya ganun nalang ako katiwala na hindi kilala ni Trixie si Renz. We did not introduce him to her by any chance.

Nang matigilan si Trixie at sandali itong natulala, dun na ako kumuha ng pagkakataon para hatakin sya palabas ng bahay. Hindi na rin ako nakapagpaalam sa kanilang dalawa. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko hanggang sa nakarating kami sa office ng cubic entertainment.

~~

Sowee's POV

Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan nang makaalis sina Trixie. Kamuntik ko nang sabihin yung totoo pero buti nalang nakaisip agad ako ng pwedeng palusot. Nakakagulat man yung ginawa ko, pero kinailangan kong gawin yun. Kundi, masisira ang career ni Patrick dahil sakin.

Habang nanlulumo akong nakatingin sa may pintuan, isang braso ang bigla nalang pumatong sa balikat ko. Si Renz pala. "Ako pala ang ama ha?" Sinimulan nanaman ako nitong asarin gamit yung nakakaloko nyang ngiti. "Bakit mo sinabi yun ha? Crush mo ba ako?"

The Celebrity Dad (Book 1) Where stories live. Discover now