Chapter 23: Confession

2.9K 61 7
                                    

A/N: Another dedication. Nahihiligan ko na yata ang kade-dedicate. Haha. No, honestly, this is how I thank the readers who keep on supporting my stories. So this chapter is dedicated to another friend of mine na nakilala ko lang sa wattpad. Thank you, EXO-L___ARMY

#WattpadMakesFriends

--------------------------------------------------------

Sowee's POV

Tanging sakit ng katawan at sakit sa dibdib ang nararamdaman ko. Mula sa mga nasilayan ng mata ko hanggang sa panunugod ng ilang mga tao nakapaligid kina Patrick. Pilit nila akong hinihila papalapit sa kanila. May ilang humihigit ng buhok ko at pisikal akong sinasaktan sa ilang parte ng katawan ko. Kahit papaano nagpapasalamat ako at nandyan si Renz para protektahan. Yakap-yakap nya ako habang sinusubukan nyang ilayo ako sa mga taong yun.

Naging aware naman ang lahat. Nakita nila ako. May narinig nalang akong tumawag ng security at may naramdaman pa akong hinawakan ako sa tigkabilang balikat ko at nagsilbing panaklob sa likuran ko dahilan para hindi na ako makatanggap ng kahit na ano pang pananakit mula sa kanila. Si Patrick pala. But it was too late. Sobra-sobrang kahinaan na ang naramdaman ko. Malabo na pati ang tingin ko sa paligid ko. After that, everything went black out.

Pansamantalang itinigil muna ang fan signing event. Nag-decide si Renz na i-uwi na muna ako. Pero delikado na i-diretso ako sa bahay kaya sa condo unit nalang muna ako ni Renz pinagpahinga. Ang hindi ko alam, sumunod pala si Patrick samin.

Nagising nalang ako nang may nagtatalo sa tabi ko habang ako naman ay nakahiga sa malambot na kama. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko hanggang sa naging malinaw na ang tingin ko sa kanila. Nakita ko si Patrick at si Renz. Pero mas nangibabaw sakin yung mukha ni Patrick. Bakas dito ang pinaghalong inis at pag-aalala. Sa tingin palang, alam ko na galit na sya.

"Renz, can you leave us alone for a second?" Seryosong tanong nito habang patuloy na nakatingin sakin.

"Sure." Yun lang ang sinabi nya at lumabas na sya ng kwarto.

Naiwan kaming dalawa dun. Pinilit kong bumangon kahit na nanghihina pa yung katawan ko. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya dahil alam kong galit sya sakin. Nakayukung-nakayuko lang ako habang pinaglalaruan yung kuko sa daliri ko.

"What was that, huh?" Pambungad nito sakin. Tahimik lang ako at hindi umiimik. Wala akong lakas para magpaliwanag sa kanya. Hindi ko nga rin alam kung anong sasabihin ko eh. "Hindi ka man lang ba magpapaliwanag?"

Pinipilit kong tingalain sya pero hindi ko kaya. Ngayon palang naiiyak na ako. Natatakot ako na baka pagtingin ko sa kanya, hindi ko kayanin yung sama ng tingin nya.

Baby... Hang in there ha? Hindi galit si Daddy....

"Ano? Hindi ka man lang ba magsasalita dyan?"

"P-Patrick...."

"What?!"

"S-Sorry.... I'm sorry." I said habang pinipigilan ang luha sa pagpatak galing sa mata ko.

"Sorry? That's it?" Tanong nito. Naiintindihan ko naman eh. Naiintindihan ko yung galit nya. And it's my fault. Kasalanan ko kung bakit ganun nalang sya magalit sakin. Kung bakit nya ako pinapagalitan. Kasi matigas ang ulo ko. Dahil sa katigasan ng ulo ko, napahamak ako. At kamuntik ko nang mapahamak ang sanggol sa loob ng sinapupunan ko dahil sa kagustuhan kong makita sya. "Bakit ka nagpunta dun? Ha?"

"Sorry, akala ko kasi safe dun sa mall dahil maraming tao. Akala ko walang makakapansin sakin-----"

"Bullsh*t!" Napataas sa gulat ang balikat ko nang magmura sya at sumigaw sya. Lalo lang nadagdagan ang takot ko sa kanya. "Akala? Anong excuse yan, Sowee?! Hindi mo man lang ba inisip na mas delikado dahil maraming tao dun na pwedeng makakilala sa'yo? If you think five months is long enough para makalimutan nila yung issue noon, puwes nagkakamali ka. Maraming klase ng tagahanga, Sowee. Isa na dun ang mga mapanganib na fans. Pero bakit hindi ka nag-iingat!?" Hinayaan ko nalang syang umimik nang umimik. Wala na akong masasabi pa. Mahirap magpaliwanag sa taong galit. "Isa lang naman ang hinihingi ko sa'yo eh. Pangalagaan mo ang sarili mo. Pangalagaan mo yung baby mo. Pero bakit hindi mo magawa? Mahirap ba para sa'yong gawin yung simpleng bagay na yun?"

The Celebrity Dad (Book 1) Where stories live. Discover now