Chapter 1. Positive

7.8K 120 6
                                    

[This is Patrick Romero

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


[This is Patrick Romero. A teen star. A celebrity.]

-------------------------------------------------------------

"NO!!!!"

Isang bangungot nanaman ang nagmistulang alarm clock para magising ako. Isang napakasamang panaginip na paulit-ulit nang nagpapakita sakin magmula nang magtanggap ko ang chain letter na yun.

"Patrick, anak? Okay ka lang?" Narinig ko ang nag-aalalang si manang na kumakatok sa pintuan ko. Napalakas siguro yung sigaw ko.

"Okay lang po ako, Manang." Sigaw ko naman. Nang marinig ko syang bumaba ng hagdan, bumangon na ako inayos ang sarili ko.

May schedule kami ng taping para sa movie namin na pinagbibidahan ko. Pumasok na ako ng banyo para mag-shower pero hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari nung fan signing. Sino naman kaya ang magbabato sakin ng papel at nagbalak na takutin ako? Nilibot ko yung tingin ko nang mga oras na yun pero wala akong nakitang kahit sino na pwede kong paghinalaan na gumawa nun.

"Who the hell is she?" Inis kong sinabunutan ang sarili ko. Tila isang misteryosong babae ang parating nagpapakita sa panaginip ko. Malabo ang kanyang mukha kaya malamang hindi ko talaga ito magagawang kilalanin.

Paglabas ko ng banyo, nag-ayos na ako ng sarili ko pati ng mga gamit na gagamitin ko para mamaya. Pagkatapos nun ay bumaba na ako ng hagdan para kumain ng almusal.

"Patrick, okay ka lang ba talaga?" Eto nanaman si manang at panay sa pag-aalala sakin. "Para kasing may sakit ka eh."

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay. Sya na din ang tumayong pangalawa kong ina simula nang mamatay dahil sa aksidente ang parents ko. "Manang, okay lang po talaga ako. Wag na po kayong mag-alala sakin."

"Binata ka na talaga." Biglang sambit ni Manang. Actually, 19 years old palang ako. Turning 20 next month.

"Mag-aasawa na po ako, Manang." Biniro ko sya at naramdaman ko nalang na pinalo nya ako sa braso ko.

"Yan ang wag na wag mo munang gawin. Magagalit sa'yo ang ate mo." Siguro nga. At siguro isa din si Manang sa magagalit sakin. Wala pa naman yun sa plano ko.

Hoy lalaki! Buntis ako!

Muli nanaman iyong pumasok sa isip ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil dun. Paano nga kaya kung totoo yun? Anong sasabihin nila sakin? Paano na ang career ko? Pero imposible. I never had that thing to anyone. Matino pa ako para gawin yun. At isa pa, hindi pa ako handa. Kaya baka nga isa lang masamang panaginip yun.

Nang matapos akong kumain, kinuha ko na yung gamit ko at dumiretso sa garahe para kunin yung kotse ko.

"Manang, aalis na po ako. Kayo na po ang bahala sa bahay." Nagpaalam ako kay Manang pero bakas parin sa mukha nito ang pag-aalala. Hindi ko nalang ito pinansin at baka lalo lang sya sang mag-alala. Hindi nanaman ako makakapasok sa trabaho kapag nangyari yun.

The Celebrity Dad (Book 1) Where stories live. Discover now