Chapter 26: Excitement

3K 63 9
                                    

Sowee's POV

"I'm so excited! And I just can't hide it!~~ Nananana~~~"

Ganyan ako kasaya. Yung halos kumanta na ako kahit isang linya lang naman sa lyrics ang kabisado ko. Wala eh, masaya talaga ako ngayong araw na 'to. Bakit? Kasi pumayag na si Patrick na isama ako sa taping nila ngayong araw.

Sinadya ko talagang gumising nang maaga. Although the usual thing is, tanghali talaga ako gumising. Nag-exercise ng konti. Nag-toothbrush, naghilamos at naligo. Kasi nga, excited ako! I can't wait to see how Patrick acts infront of the camera. Kahit sabihin pa nating magaling sya, iba parin yung sa personal mo makikita yung pag-arte. Mas nakadadala.

Pasimple akong bumaba ng hagdan kahit gusto ko nang magtatakbo pababa para mapabilis ako. Dumiretso agad ako sa kusina at nakita ko si Manang. "Hi Manang! Good morning!" Bati ko dito.

"Good morning din, anak. Kay ganda naman ng gising mo." Puna nito. Masyado na yata akong obvious. "Maaari ko bang malaman ang dahilan?"

"Si Manang naman. Mas maganda pa po kayo sa umaga, syempre." Sambit ko at biglang tumawa si Manang. Akala nya siguro nagbibiro ako.

"Binola mo pa ako. Bakit ka nga masaya?"

Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko kay Manang but since isa sya sa mga pinagsasabihan ko ng sikreto, sinabi ko na rin. Gusto ko rin namang ibahagi ang excitement ko sa iba. "Kasi po Manang.....pumayag na po si Patrick na isama ako sa taping nila ngayon."

Isang malawak na ngiti ang kumawala sa labi ni Manang dahil sa sinabi ko. Isa din sya sa mga supporters ng tangang pag-ibig ko kay Patrick eh. Lumapit ito at niyakap ako. "Masaya ako para sa'yo, anak."

"Ako din po." I said then hugged her back.

"Kaya lang, mag-iingat ka dun ha? Balita ko masungit daw yung direktor nila." Binigyan nya ako nang babala.

"Huwag po kayong mag-alala, Manang. Behave lang po ako."

Ngumiti kami sa isa't-isa. Ilang sandali pa ay may dumating at bumungad sa may pinto ng kusina. Who else do I think? Syempre si Patrick. Nagulat ito nang makita ako. Naninibago siguro sya kasi masyado akong maaga. Ganun na ba ako katanghali gumising lagi?

"Good morning!" Binati ko sya with matching pagkaway-kaway pa.

"Gatas mo?" Agad nitong tanong sakin.

"Kagigising ko lang eh. Hindi pa ako nagtitimpla." Naka-pout na sabi ko. Bigla namang kumunot ang noo nito. Nabadtrip nanaman sya. Gatas lang naman yun, diba?

Kumuha si Manang ng baso at kutsarita pero inagaw iyon ni Patrick sa kanya. "Manang, ako na po. Paluto nalang po nito." Inabot nya kay Manang yung plastic bags na dala nya. Namili siguro sya. Sya na rin yung nagtimpla ng gatas ko at pagkatapos ay binigay iyon sakin. "Inumin mo na." Sambit nito. Sinunod ko naman sya. Nang patapos na akong uminom, bigla syang may inabot sakin na paper bag.

"Ano 'to?" Tanong ko. Hindi sya umimik at binigyan nya lang ako ng senyas na buksan ko nalang yung bag. Binuksan ko iyon at laking gulat ko sa nakita ko. "Wow! Cellphone!" Namangha ako nang malaman kong cellphone pala na color pink yung laman nun. "Para sakin 'to?" Tanong ko.

 "Para sakin 'to?" Tanong ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Celebrity Dad (Book 1) Where stories live. Discover now