Chapter 20: Friends

2.8K 53 1
                                    

A/N: This person didn't ask any dedications or to be mention on my story but I really want to dedicate this chapter to her. Thank you CamilleDraggyyyy.

--------------------------------------------------------

Patrick's POV


Bago mag-start ang taping ngayong araw, tinipon muna kami ni Direk for the good news. Sa totoo lang wala akong alam sa good news na yun. No one does. Nakabilog kaming lahat habang naghihintay sa announcement nya. Panay naman ang pagdikit sakin ni Trixie kaya kanina pa ako iritang-irita sa pwesto ko.

"Congratulations guys!" Anunsyo ni Direk. "Hindi pa man naire-release ang movie natin, alam ko nang magblo-blockbuster ito. Padami na nang padami ang nag-aabang sa ating ginagawang pelikula. So kahit maaga palang, gusto ko na kayong i-congratulate. Congrats team!"

Nagsipalakpakan ang lahat, kabilang na ako. Ngayon palang ay nagsasaya na ang lahat. Tila nawala ang pagod namin dahil sa announcement na ito. Hindi namin inexpect ang bagay na yun. After ng lahat ng taping, ilalabas na ang trailer ng movie. Excited na ang lahat, maliban sakin.

"Pero Direk, paano po nangyari yun. Wala pa naman po tayong nare-release kahit anong cuts ng taping or even a teaser." Nagtanong ang isang staff. Nakakapagtaka nga naman at nangyari yun.

"Well," bungad ni Direk at pagkatapos ay tumingin sya sa direksyon namin ni Trixie. "that's all because of the real life couple that we have here." Napatingin ang lahat samin. Nailang naman ako lalo na nang mas lumapit si Trixie sakin at kumapit sa braso ko. "Marami na kayong fans ngayon palang. Lalo pa at on and off screen couple kayo, mas inabangan talaga ang team up nyo sa movie. So congratulations."

Tumango lang ako kahit todo ang pasasalamat samin ni Direk at ng ibang staffs. Panay naman ang you're welcome, that's nothing nitong katabi ko. Binabanas na ako sa ginagawa nya. Lumapit sakin si Via at tinapik yung balikat ko. Nang matapos ang announcement, kanya-kanyang punta na ulit sa tent. In 20 minutes, magsisimula na ang taping para sa panibagong scene. Inabot sakin ni Via yung scripts para mareview ko.

"Congratulations. You two did a great job." Binati ako ni Via. Imbis na matuwa ay nadismaya lang ako.

"Thank you, Via. Unfortunately, I'm not enjoying it." Sambit ko habang binabasa yung script. Via knows what I mean. Alam nyang yung tungkol sa pagpapanggap namin ni Trixie ang tinutukoy ko.

Tumango naman si Via. "Yeah, I know."

"Hi guys!" Napahinto kami sa pag-uusap nang biglang pumasok si Trixie sa tent namin. "Hi baby." Lumapit ito sakin at niyakap ako. Agad naman akong nagpumiglas.

"What are you doing!?" Inis at pabulong na tanong ko.

Nag-pout sya bigla. Yung pout na nang-aasar. "Guys, can you leave us for a moment. Mag-uusap lang kami ng boyfriend ko." Nag-senyasan yung stylist, make up artists at yung manager ko at lumabas na ang mga ito. Sa paglabas nila, nagpatuloy ako sa pagbabasa ko ng scripts for today. "Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan?" Tanong nito.

"At bakit ko naman gagawin yun? I don't see any reason for me to thank you. May ginawa ka bang maganda para sakin?" Masungit kong sinumbat sa kanya yun.

Nagulat ako nang bigla nalang itong umupo sa mesa sa harapan ko. "Well, it's my idea na magpanggap tayo. At dahil sa pagpapanggap na yun, lumalakas nang lumalakas yung upcoming movie natin. Isn't it great?" Ngumiti pa ito nang pagkalapad-lapad na talaga namang nagpapainit ng ulo ko.

"Ikaw lang ang natutuwa dun." Sumbat ko. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya. Palabas na sana ako ng tent nang bigla nya akong pigilan.

"Boyfriend kita ngayon, tandaan mo yan, whether you like it or not. Try to do something na hindi ko magugustuhan, alam mo na ang gagawin ni Papa as the producer of this movie." Bulong nito sakin. "I'm hoping na sooner, totohanin na natin 'tong relasyon natin."

The Celebrity Dad (Book 1) Onde histórias criam vida. Descubra agora