Chapter 4: His Life

4K 76 0
                                    

Sowee's POV


Kinaumagahan, inatake nanaman ako ng morning sickness ko. Tanging hilo ang nararamdaman ko. Pinilit kong makatayo para pumunta sa banyo. Medyo natagalan lang kasi hinanap ko pa yung banyo. Ang lawak kasi nung kwarto ko eh.

Nang mahanap ko na yung banyo, kinapa ko yung door knob tsaka dumiretso sa inidoro. Sumuka ako nang sumuka hanggang sa maubusan na ng laman yung sikmura ko. Grabe naman, parang ayoko nang magbuntis  kung ganito ang parati kong mararanasan. Sa totoo lang, Hindi naman sya actually araw-araw. Mga twice a week. Pero nakakahilo parin talaga... (@______@)

Nawala na din lang yung antok ko, nag-decide ako na bumaba nalang din. Gutom na pati ako. Pumasok ako ng kusina at tamang-tama yung dating ko. May niluluto ulit si Manang.

"Good morning po." Nakangiti ko syang binati.

"O, good morning din, Sowee." Bati naman sakin ni Manang. Ang bait nya talaga. "Nagugutom ka na ba?"

"Opo. Nailabas ko na po kasi lahat kanina." Napapakamot nalang ako sa batok ko sa kahihiyan.

Napangiti nalang si Manang at nagpatuloy sa pagluluto nya.

"Hija, hindi ka pa ba naglilihi? May gusto ka bang kainin?" Tinanong ako ni Manang.

"Hmmm...." Pinatong ko yung baba ko sa kamay ko at tumingin sa taas. Nag-iisip ako kung anong masarap kainin kaya lang wala akong magustuhan. "....kahit ano na po."

"Mabuti naman at hindi ka pa namimihikan sa mga bagay-bagay." - Manang.

Ganun ba yun? Pag buntis, pihikan? Ayoko namang maging ganun. Baka maging pabigat pa ako sa bahay na 'to pag nagkataon. Baka mapalayas pa ako nang wala sa oras. Paano na kami ni baby kung ganun?

Habang naghihintay ako sa pagkain, nilalaro-laro ko muna yung mga gulay sa mesa. Pero agad akong napatigil nang bigla akong makaamoy ng di kanais-nais na amoy ng kung ano.

"Ang baho...." Pinuna ko iyon kaya napalingon sakin si Manang. Sinusubukan kong hanapin yung pinanggagalingan nung amoy na yun pero hindi ko makita sa kahit saang sulok ng kusina. "Nasaan yun?" Pilit ko iyong hinahagilap. Hindi ko alam kung anong klaseng amoy yun pero hindi ko talaga magustuhan. Gustuhin ko mang takpan yung ilong ko, pero kailangan ko iyong hanapin para mawala na sya. Umabot ako sa cabinet, sa dingding, sa lababo hanggang sa makarating ako sa pinto ng kusina.

"Manang," biglang bumungad sa harapan ko si Patrick na ayos na ayos at mukhang may lakad.

"Ikaw yun!" Sigaw ko habang nakaturo sa kanya.

"Ha?" Nagtaka ito dahil hindi nya alam yung tinutukoy ko. Kararating nya lang kasi. "Anong problema mo?" Masungit na tanong nito. Hindi ko sya pinansin at tiningnan ko ulit kung sya nga talaga yung naaamoy kong mabaho. "Hoy, anong ginagawa mo!?" Iniiwas nito yung sarili nya sakin pero pilit naman akong lumalapit.

"Ikaw yung mabaho." Sambit ko pa at biglang nanlaki ang mata nito.

"Anong mabaho'ng sinasabi mo? Hoy! Naligo ako." Dinipensahan pa nya yung sarili nya. Ang sama ng tingin nya sakin. Mali nga naman na sinabihan ko sya nang mabaho. Eh obvious naman sa kanya na naligo sya. Pero naaamoy ko talaga sa kanya yung mabaho eh. Saan kaya yun? "Manang, yung kape ko po." Lumapit ito kay Manang tapos umupo malapit dito. Sinundan ko sya kahit alam kong masama ang mood nya sakin. Pasimple kong hinahanap yung parte nya na mabaho pero napapansin nya parin ako. "Ano ba!? Hindi nga ako mabaho eh!"

Inamoy ko yung damit nya. Iniwas nya iyon pero buti nalang naamoy ko agad. "Ikaw talaga yun eh." Naiirita na sya sa tuwing lalapit ako sa kanya. Pero dahil makulit ako, hindi ko talaga sya tinitigilan. Kailangan kong alisin sa kanya yung mabaho'ng yun. "Ito atang damit mo. Ang bago talaga."

The Celebrity Dad (Book 1) Where stories live. Discover now