Chapter 24: Blood

3.1K 55 4
                                    

Patrick's POV

[Hello, Pat? Where are you?]

"I'm on my way home." Sagot ko habang nagmamaneho.

[What!? Eh paano yung fan signing event? Your fans are waiting for you. Umalis na din si Trixie.] Sa boses palang alam kong problemado na sya dun. I don't wanna do this but I have to.

"Sorry, Via. I'm not feeling well. Please tell them to re-schedule the event instead."

[Ha? Pero Patrick....]

"Please, Via.... I'm begging you."

[Fine. But make sure na gagawin nyo 'to sa ibang araw nang walang cancelation. Understood?]

"Yes, and thank you."

[Okay, bye. Rest well. Ako na ang bahala dito.]

Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Sobrang gulo na ng utak ko. I've decided na wag nang bumalik sa mall para ituloy ang fan signing event namin. Pagod na ako. Utak at katawan ko ang napagod dahil sa nangyari. I don't hate her. I hate them. I hate those fans for hurting her. Either I can't believe na naalala pa nila yung itsura ni Sowee sa picture na nakuha five months ago.

Mariin kong hinahawakan ang manibela. Dahil narin siguro sa galit ko sa sarili ko. Hinayaan ko ang sarili kong magalit sa kanya nang ganun. Concern lang ako sa kanila ni Baby kaya ko nagawa yun. I can't just let anything bad happened to them na maaaring ikasama nila.

About dun sa sinabi nya kanina. Ano kayang posibleng ibig nyang sabihin?

"I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi 'to.... Pero pumunta sya dun, para lang makita ka."

Tumatak na sa isipan ko yung sinabi ni Renz sakin kanina lang. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung anong pinaparating o ibig sabihin nilang ipahiwatig sakin. Wala akong ideya. Kung bakit ako gustong makita ni Sowee at anong dahilan para masaktan sya sa tuwing magkasama kami ni Trixie. Ano naman sa kanya yun?

I know what it possibly means but it's too early for me to assume.

Papasok na sana ako ng village pero nag-U turn ako. Ibinalik ko yung sasakyan ko palabas at dumiretso sa pinakamalapit na bar. Pumasok ako sa private room mag-isa at umorder ng limang bote ng beer. Sa ganitong paraan baka makapag-isip ako. Wala akong pakialam kung may makakita man sakin. Kung kakalat agad sa media yun, I don't care. I need a peace of mind. Kahit sandali lang, makakalimutan ko 'tong mga iniisip ko.

"Ang gulo mo, Sowee..." I said then take a shot. "Ano ba talagang gusto mong mangyari?"

Nang maubos ko na yung limang bote at alam kong malapit na akong malasing, tumigil na ako. I know my limitations. Hindi ako magpapakalasing nang ganun-ganun lang. Pagkabayad ko nung mga inorder ko, nag-drive na ako pauwi. Gabi na pala... At medyo nakakaramdam ako ng hilo. Dala siguro ng alak na ininom ko.

Agad akong bumusina nang nasa tapat na ng gate yung kotse ko. Lumabas naman si Manang at nagmadaling buksan yung gate. Pagkapark ko ng kotse ko sa garahe, bumaba na ako pumasok sa loob ng bahay. Madilim na. Patay na ang lahat ng ilaw. Maliban sa ilaw na nasa main door ng bahay.

"Anak, bakit ngayon ka lang?" Nag-aalalang tanong nya. Sinusundan nya ako kahit saan ako maglakad. "Amoy alak ka ah. Nakainom ka ba?"

"Konti lang po, Manang." Sa sobrang hilo, napaupo na ako sa may hagdan. Papikit-pikit na yung mata ko sa pagod at antok. "Si Sowee po?"

Nung una natahimik si Manang. "Ayun, nasa kwarto nya. Nagkukulong sa kwarto nya. Hindi nga tumitigil sa kaiiyak. Ano ba talagang nangyari?"

"Bukas ko nalang po iku-kwento, Manang. Magpapahinga po muna ako." Napapahawak na ako sa sintido ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Sa susunod talaga, hindi na ako iinom.

The Celebrity Dad (Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon