Chapter 40: Unexpected

3.7K 69 5
                                    

Patrick's POV

Mabilis na lumipas ang araw. Lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang apat at ngayon ay nakabalik na ako ng Pilipinas. Dala ang mabibigat na bagahe at ilang pasalubong na binili ko sa para sa pamilya ko.

"Nice week we have there, baby." At hanggang ngayon nambwi-bwisit parin si Trixie. Pansin ko lang, simula nung pumunta kami sa London, sobrang saya nya. "Sasabay ka na ba samin sa van?"

"No, thanks. Kay Via ako sasabay." Nagmadali akong sumakay sa sasakyan ni Via. I've decided na dun na makisabay in the first place.

Nilagay ko lahat ng mabibigat kong gamit sa likod. Umupo ako sa harap at sya naman ang magmamaneho. Sobrang saya ko dahil sa wakas nakauwi na rin kami. Makikita ko na ulit sya.

Habang nasa biyahe kami, naisipan kong tawagan si Manang para sabihin sa kanya ang magandang balita ko. As usual, mabilis nanaman itong sumagot.

"Hello, Manang. Nandito na po kami."

[Talaga, anak!? Naku mabuti naman. Pupunta ka ba dito sa bahay? Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?] Sunud-sunod na tanong nya. Medyo nakakatuwa lang. Kahit isang linggo nya lang akong hindi nakita, ganun parin sya. Maalaga parin.

"No, Manang. May interview pa po kami mamaya sa isang show. So baka mamaya pa po ako umuwi. " Sambit ko. "Manang, I have something to tell you. But before that, I need your help."

[Kahit ano, anak. Sabihin mo lang.]

"Manang, kailangan ko po ng tulong nyo na papuntahin si Sowee dun sa show namin. I have something to ask her."

[Eh ano naman yun, anak? Alam mo namang hindi na masyadong nakakalabas ng bahay si Sowee dahil sa kondisyon nya.]

"Manang, listen..." I said. Tumahimik naman si Manang. Huminga muna ako nang malalim bago ako tuluyang magsalita. "... I will ask Sowee to marry me."

[Talaga!?] Mala-teenager yung naging reaksyon ni Manang sa sinabi ko. [Naku, anak. Hindi mo alam kung gaano mo mapapasaya si Sowee.]

"Ewan ko nga po, Manang. Parang nung nalayo ako sa kanya, mas lalo ko syang nagustuhan. And now I really love her. So ano Manang? Tutulungan mo ba ako?"

[Walang problema, anak. Basta para sa ikasasaya nyong dalawa.] Mabilis na pumayag si Manang. Sa mga ganitong pagkakataon kasi, alam kong sya lang ang malalapitan ko.

"Manang, surprise 'to, ha? Make sure na pupunta sya dun."

[Sige, anak. Good luck. Masaya ako para sa inyong dalawa.] Hindi ko man kaharap si Manang ngayon, alam kong naiiyak na sya dahil dito sa pinag-uusapan namin.

"Pat, are you really sure about this?" Napalingon ako kay Via at nakita ko ang pag-aalangan sa mukha nito.

"I'm 100% sure, Via."

"Kung hindi mo tatapusin yung kontarata, alam mo naman siguro kung anong mangyayari sa'yo. I know that they will not consider it kahit sikat pa. They will surely file a law suit lalo na kapag isa-isa nang na-cancel ang mga endorserments at projects mo." Paalala nya sakin. Sa totoo lang nakailang paalala na ito. Sya ang una kong pinagsabihan sa plano kong proposal para kay Sowee.

"I know. Alam ko na makukulong ako sa gagawin ko. But I rather be in jail than to lose her." Seryosong sabi ko.

Tiningnan lang ako ni Via nang may pag-aalala. "Can't you just wait for three more years hanggang sa matapos ang kontrata?"

"Via, Hindi ko naman masisiguro na sakin parin sya o kung ako parin ang mahal nya pagkatapos ng tatlong, diba? Hindi natin alam kung may mangyayari ba sa loob ng three years na yun. Three years is was too long. I just want an assurance, Via. Sana maintindihan mo ako. Sorry kung pati ikaw nadadamay sa ginagawa ko."

The Celebrity Dad (Book 1) Where stories live. Discover now