Introduction

10K 167 8
                                    

"We love you Patrick!!!!"

Malakas na sigawan ang iyong maririnig sa tuwing akong dumadaan. Tilian sa paligid ang iyong mapapakinggan.


Katatapos lang ng mallshow ko ngayon. Nagkameron din ng ako ng fan signing event para sa mga minamahal kong taga-suporta. Ang bawat perma ay katumbas na katanungan sa aking isipan.


Kaya ko pa ba?


Kaya ko pa kayang mabuhay sa magulong mundong ginagalawan ko?

Minsan marahas kang hihilahin ng kung sinu-sino. Minsan bigla ka nalang yayakapin. At madalas mananakawan ka ng halik. Ganyan ang buhay sa showbiz. Mahirap pero masaya kung iyong gugustuhin.


Kumikita ng malaking halaga. Pero kadalasan ay wala ka nang pahinga.


Kaya ko pa ba?


Tumigil ako. Huminga ng malalim at nagpatuloy sa pag-pirma ng mga sari-saring papel na nilalagay nila sa harapan ko.


Maya-maya pa'y isang kinuyumos na papel ang tumama sa ulo ko. Hindi lang ako ang nakapansin kundi lahat ng taong nakatingin sakin. Nagulat kaming lahat. Sandali akong tumigil sa pagfa-fansign at dinampot ang papel na yun. Binuklat ko yun at nanlaki ang mga mata ko nang basahin ko ang nakasulat dun.



"Hoy lalaki! Buntis ako!!"

The Celebrity Dad (Book 1) Where stories live. Discover now