Special Chapter # 1

Start from the beginning
                                    

"What? No! Yan ang hinding-hindi ko gagawin sayo. Alam mo kung gaano kita pinapahalagahan at kamahal" I just rolled my eyes to what he said. Psh.

"Aware ako kung gaano ka kabusy but I texted you kanina na umuwi ka ng maaga kahit ngayon lang!" natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya ang may marealize siya.

"Oh shoot! Euphy I'm sorry!" He gave me an apologetic look. "Iforgot sa dami ng ginagawa ko--"

"Sabi na eh. Nakalimutan mo! Thanks for ruining our special day! Happy 4th monthsary!" pumasok ako ng kwarto.

"And oh! Ayoko nang may katabi ngayon sa kama. Diyan ka matulog sa sofa!" and after saying that ay sinara ko ng malakas ang pinto. Ni-lock ko ito para hindi siya makapasok.

Naiinis ako. Nakakabad trip kasi ang asawa ko. Ngayon yung 4th wedding monthsary namin tapos kinalimutan niya lang! Maghapon akong nagpakabusy para lang maluto ang mga paborito niya at nagtext pa ako sa kanya na umuwi ng maaga tapos kakalimutan niya lang!

Plano ko kasing icelebrate namin ang monthsary namin kahit sa simpleng dinner man lang. Gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko kahit in a simple way.

Nakalimutan niya na nga, may ka callmate pa siyang Emily! Isaksak niya sa baga niya yung Emily na yon! May pa see you tomorrow pa siyang nalalaman, obvious naman kasing hindi yun business related! Malakas talaga ang instinct ko lalo na sa asawa ko.

Napahinga na lang ako ng malalim! Itutulog ko na lang itong pagkabadtrip ko dahil ayokong mapuyat!

Nagising na lamang ako na para bang may nakayakap sa akin mula sa likod. Pagmulat ko ay bigla kong nakita ang mga brasong nakayakap sa aking tiyan. Paglingon ko sa likod ay ang nakangiting mukha ni Charles ang nakita ko.

"Good morning wife!" bati niya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"T-teka! Diba linock ko yung pinto anong ginagawa mo dito?" may kinuha siya sa bedside table at pinakita sa akin ang susi. Narealize ko na ang tanga ko pala.

"Ang tagal mong magising. It's almost 9:30 in the morning but it's okay. Let's have our breakfast at may pupuntahan pa tayo" napataas na lang ang kilay ko. Ha! Akala niya! Badtrip pa rin ako sakanya!

"Good morning to our baby too" he touched my tummy and kissed it. Huh? Natameme na lang ako sa ginawa niya.

"T-teka, paano mo nalaman?" tanong ko dito.

"Nakita ko yung PT mo kahapon sa dining table. No doubt, alam kong sa'yo yun. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya nang makita ko iyon" inakbayan niya ako.

"Nakakainis ka eh" pinagpapalo ko siya sa dibdib niya. "Isusurprise sana kita kagabi pero ang tagal mong umuwi. Dahil sayo napuyat ako kagabi. Alam mo bang bawal sa buntis ang mapuyat?!" angil ko dito. Three weeks na akong delay kaya nagduda na ako na baka preggy ako. Nung nag PT ako positive ang lumabas. Hindi lang kasi dapat monthsary ang ise-celebrate namin kagabi, pati itong baby sa tiyan ko! But it's ruined already. Nay naku!

"May meeting yata kayo nung Emily mo. Dun ka na sa kanya" tinulak-tulak ko pa siya ng mahina nang bigla na lang siyang tumawa ng malakas.

"I'm sorry" he cupped my face. "Hindi ko sinasadya na makalimutan ang monthsary natin. May inaasikaso lang akong importanteng bagay at mamaya ay malalaman mo na yun. Ipapakilala din kita kay Emily. ." Nanlaki ang mga mata ko "Promise, hindi ko siya babae" at hinalikan niya ako sa lips ko.

"Eh sino ba talaga siya?"

"You'll know later. Just trust me okay? Hindi rin ako papasok ngayon dahil may pupuntahan tayo" wala akong nagawa kundi ang tumango na lang sa kanya. Kinain namin yung pagkain na supposed to be kakainin namin last night. Mas naging maalaga pa siya sa akin ngayon. Tinanong niya ako kung may pinaglilihian daw ako, sagot ko naman ay wala. Masyado pa yatang maaga dahil hindi rin ako nakakaramdam ng hilo at pagsusuka tuwing umaga. Sa ngayon ang alam ko ay sadyang maantukin pa ako.

After breakfast ay nag-ayang lumabas si Charles. Ayaw niyang sabihin kung saan kami pupunta. Baka ipapacheck-up niya na ako sa OB. Excited na rin kasi ako sa magiging baby namin. Kasalukuyan namang nagda-drive si Charles.

"Euphy, nag set na ako ng appointment sa OB mamayang 4pm" bigla niyang sabi sa akin.

"4pm? Eh 11am pa lang. Saan tayo pupunta?"

"Secret" and he gave a mysterious smile. Nabuhay na naman tuloy yung inis ko sa kanya. Para kasing ang dami niya nang hindi sinasabi sa akin.

Hindi naman nagtagal ay pumasok ang kotse sa parang isang exclusive subdivision. Maya-maya'y pumasok kami sa isang gate at tumigil kami sa tapat ng isang magandang bahay. Malaki siya actually pero ang ganda ng pagkakagawa. Inalalayan naman ako ni Charles na bumaba.

"Wow. Ang ganda nung bahay. Anong ginagawa natin dito? Kaninong bahay iyan?" napabuntong hininga ang asawa ko at maya-maya'y hinalikan ako sa noo.

"Ngayon kapa ba magiging slow?"

"Huh? Di ko gets"

"Euphy, that house.." tinuro niya iyong bahay sa harap namin "is ours"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"You mean...our house? Bahay natin?"tumango siya.

"Dito natin bubuuhin ang pangarap nating pamilya at dito natin palalakihin ang mga anak natin. You like it?"

"Oo naman!" pumasok kami sa loob at nakita namin ang isang babaeng nasa 40's. Pinakilala siya sa akin ni Charles bilang Emily. So siya si Emily. Ayon kay Charles ay si Emily daw ang interior designer ng pinagawa niyang bahay namin. Ito rin yung reason kung bakit late minsan umuwi si Charles dahil minomonitor niya ang pag-ayos nung aming bahay. Yung lahat ng inis ko sa kanya ay nawala.

Nag-sorry din sakin si Charles dahil nakalimutan niya talagang umuwi kagabi ng maaga dahil kagabi yung final na pag-aayos nung bahay dahil ngayon na kami lilipat!

"Charles, this is too much but I love it" sabi ko sa asawa ko.

"I know. Hindi ko naman kasi hahayaang sa condo lang tayo kasama ng magiging mga anak natin. And this will be our home from now on"

"Thanks Charles! I love you sooo much!" and I kissed him on the lips. I really love this man.


******************

A/N:

In a few days ipopost ko na ang prologue nung story nung anak nila. 

PS. Saan po ba magandang gumawa ng cover? Alam niyo ba?


ǪǪQwmuh&h 

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now