ang sakit-sakit na gusto mong yakapin ang taong mahal mo at sanggain yung mga paghihirap na ginagawa nila dito.ang sakit-sakit na makitang umiiyak ito habang sinasambit ang pangalan niya at tinanong kung bakit..kung bakit ko iyon nagawa sa kanya?.

ang sakit-sakit!sobrang sakit na marinig sa bibig niya na sa kabila nang lahat nakukuha niya parin akong mahalin.kahit alam niyang dapat  hindi na ako ang minahal niya.dahil sakin nasira ang buong pagkatao niya.

"naiintindihan kona,salamat sa paalala na hindi kita kailangan mahalin,sa araw na makalaya ako dito at makatakas titiyakin ko sa pagbabalik ko sa buhay mo,hindi na ako ang dating nagmamahal saiyo kundi ako na ang lalaking sisira nang buhay mo."

 

lumakas ang paghikbi niya nang maalala ang huling salitang binitiwan nito sa kanya.wala na ang pagmamahal nito sa kanya dahil ngayon puno nang galit ang puso nito.isang kamay naman ang naramdaman niya sa balikat niya na kinatunghay niya

"masaya kana ba hah?masaya kana ba sa ginawa mo sa buhay ko?"nanggigil na tanong niya sa babaeng kaharap niya ngayon

"umuwi na tayo,"tinangka nitong alalayan siya pero pinigsi niya ang braso niya dito

"masaya kana ba?masaya kana ba ha MAMA?!"una-unahang naglandas ang luha sa mga mata niya habang nanginginig ang mga kalamnan niya sa galit niya dito

"umuwi na tayo anak,lasing kana."pinili parin nitong magpakahinahon sakabila nang pag-sigaw niya dito

"anak?tinatawag mo akong anak pagkatapos mong naging walang kwentang ina sakin!"

"odin,hindi mo ako naiintindihan mabuti pang umuwi na tayo,masyadong delikado dito."tumawa siya yung malakas na pang-asar para dito

"huwag kang mag salita na parang concerned na concerned ka sakin dahil wala ka namang kwentang ina."this time tumingin ito sa kanya nang diretsyo at naiiyak na tinitigan siya

"umuwi na tayo anak,sige na!"pagod na pagod nitong sabi

"umuwi kang mag-isa!hindi ko kayang makasama ka,sinira mo yung buhay ko MA!anak mo ako pero bakit kailangan mokong bulagin sa mga kasinungalin niyo!bakit kailangan kong maging bulag sa katotohanan samantalang nakakakita na ako,.ang sakit-sakit MA!all of people na pwedeng manloko sakin bakit ikaw pa?.bakit ikaw pa.."pinilit nitong hawakan siya pero tinabig niya ito

"odin,anak.."

"bakit ganun?nagkaroon nga ako nang mga mata pero bakit sa ganung paraan?.bakit kailangan pati ako gamitin niyo?."

"anak.."muli siya nitong tinangkang hawakan pero muli niya iyon tinabig

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now