1

15.2K 242 61
                                    

So here's another day I'll spend away from you
Another night, I'm on another broken avenue
My bag is ripped and worn, but then again now so am I
Take what you wanna, take what you wanna, take what you


Feel na feel ko ang pagkanta at paghe-headbang habang nakaharap sa full-length mirror sa loob ng kwarto. Ginawa kong microphone yung hairbrush ko. Nakapikit pa ako habang kumakanta at sumasayaw.

It’s a Saturday morning kaya mataas ang energy ko! Weekend baby! Oo nga pala, kelan ba hindi mataas ang energy ko?

Solong-solo ko ang dorm ngayon. Umuwi yung landlady namin sa bahay nila sa Cavite. Yung isang roomie ko naman, hindi ko alam kung nasaan. Would you believe na 2 months na ako dito, pero never ko pa siyang nakausap? Nalaman ko nga lang ang pangalan niya nung nabanggit nung landlady namin. Weird right?

Anyway, balik tayo sa Araneta Coliseum levels kong performance.

Take me with you I'd start to miss you
Take me home I don't wanna be alone tonight

And I do want to show you I will run to you
To you till I can't stand on my own anymore
I cross my heart and hope to die
Cross my heart and hope to die
Cross my heart and hope to

 

Habang damang-dama ko ang pagkanta, na-feel kong may tumatawag sakin. Istorbo! Tsss.. I got my phone from my shorts’ pocket and looked at the caller. Okay, si Raj pala.

“Hello!” I answered in a very maarte way.

Tumawa muna siya bago sumagot. “Hoy Dhae! Nasaan ka? Akala ko pupunta ka dito kina Eya?”

Hala! “My gosh! Sandali.. Di pa ako naliligo.. Hihihi!” Sagot ko habang kinukuha yung towel ko. Oo nga pala, nagpromise akong pupuntahan sila ngayon. Sa sobrang tuwa ko sa pagkanta ko, nawala sa isip ko yung lakad ko.

“Naku babae ka! Kung di pa kita tinawagan… Bilisan mo, late ka na!” Bulyaw niya pa sakin. Masasabunutan ko tong beking to mamaya.

“Eto na nga, maliligo na! Sige na, I’ll see you later. Bayiiieee!” Di ko na inantay ang sagot niya. I ended the call immediately. Okay lang, sanay naman yan.

So yung performance ko sa kwarto na na-disturb, tinuloy ko sa banyo habang naliligo, at sa kwarto ulit  habang nagbibihis. Ayan, inabot tuloy ako ng dalawang oras bago makarating sa apartment nila.

“Announcing the arrival of the ever late, Dhae! Palakpakan natin guys!” Sigaw ni Yhin pagpasok ko. Kainis di ba? Dumiretso ako kay Raj at sinabunutan siya. Sabi ko kanina, sasabunutan ko siya di ba? At aba, ang bruha hinila din ang buhok ko!

“Ipagsigawan mo pa!” Asik ko kay Yhin. Tawa lang silang lahat.

“Kaya hindi ka luma-love life ehh. Bagal kumilos!” Asar naman ni Lands sakin.

“Punyemas!!!” Sigaw ko sa kanila, sabay salampak sa foam na nakalatag sa sahig. May mga nakabukas na chips na din, tsaka isang pitsel na coke sa tabi.

We have been friends since college. At ganito na kami talaga eversince. Sa tagal na naming magkakaibigan, sanay na kami sa lahat ng laitan, murahan, at sakitan. Wala na ngang nao-offend samin kahit anong sabihin sa isa’t isa.

Wait! Teka lungs!! Nakakanta at nakasayaw na ako, at kanina pa ako daldal nang daldal dito, I haven’t introduced myself pa pala. Okay… here we go.

Dana Sanae V. Cordero, 24, Makati City. People around call me “Dhae”. Accountant. Friendly, jolly, mabait na bitchy (depende sa kausap at panahon), matalino, talented, at higit sa lahat…

Maganda! pero walang jowa.

Yes, I’m so single. Ugggggh!

Issue sa lahat ang pagiging single ko. Friends, officemates, cousins, titas and titos. Kahit ilang ulit kong sabihing hindi naman ako nagmamadali dahil kusang darating yun, eh ayaw paawat netong mga to sa page-emphasize ng kawalan ko ng love life. Hindi na daw kasi ako bumabata. My gosh! Aba naman, mas hapit pa tong mga to kesa sakin sa pagkakajowa.

“Enebe! Tigilan niyo ako. Kusang darating yan. Mama ko nga di ako pine-pressure eh! Pati kuya ko, cool lang. Tssss!” Sagot ko sa kanila habang ngumunguya ng chips.

Totoo naman ah! Sabi nga ng mama ko masarap maging single. I-enjoy ko lang daw muna. Naniniwala naman ako. I’m enjoying this time with myself pa naman. Kaso minsan, di maiwasang ma-miss din yung feeling ng in a relationship.

Oh wag judgmental! Nagka-boyfriend din ako dati. Three years din kami nun. Kaso ayun, di pa nakuntento sa kagandahan ko at pinagpalit ako. Oh well, kebs! Okay naman na ako, naka-move on na. Two years na din naman kaming hiwalay.

“Hoy iniisip mo na naman ba si Tristan?!” Sigaw ni Ciel sabay bato ng unan sakin. Hindi ko namalayang nag-space out nga ako.

“Don’t say bad words.” Sagot ko nalang sabay subo ulit ng chips.

Tawa nalang sila sa reaction ko. Alam na nila yan. Kahit naman okay na ako, hindi na kasi dapat pinag-uusapan at pinapa-alala yan. Past is past.

So kwentuhan lang kami and stuff. At sa seven hours na magkakasama kami, parang ako na naman ang biktima ng hot seat ng barkada. Mga walang hiyang to, di na nagsawa. Ako lang kasi ang single sa barkada eh. Minsan nakaka-pressure na. But then, I’ll stick to what I believe in. Na kusa yung darating. Na hindi yun pinipilit.

Pero… Naman! Can you like come rushing na?

Someday, One DayWhere stories live. Discover now