"Thanks for the suggestion, bro." Sabi ko at papasok na sana ng bahay nang binangga ako ng bulto ni Xandro.

"Daddy!" Sigaw ni Xandro sabay ngiti. "I will go with Tito Gaizer...and, uhm, dad? Can I sleep in his house too?" Napabalingin ako kay Gaizer at tinapunan siya ng masamang tingin.

Napaangat ang kamay niya sa ere at tumawa. "Hindi ko kasalanan kung bakit mas gusto nila ang bahay ko kompara ng sa iyo." Aniya at inakay na si Xandro patungo sa sasakyan niya.

"Barbeque night later, okay? Dalhin mo na lang ulit si Xandro dito." Bilin ko kay Gaizer na sumaludo sa akin.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob ng bahay.

I can sense her already...nasa kitchen nga siya.

Dala ang pork ribs na binili ko'y nagtuloy-tuloy na ako sa kusina.

I didn't dare talk. Magkakagulo.

Naabutan ko siya roon na naglalagay ng dressing sa salad na ginagawa niya.

"Where will I put this Flor-"

"Selena. It's Selena, Tyrone." Pagtatama niya sa akin.

Shit! Bakit ko ba laging nakakalimutan? Selena, Tyrone. Selena!

"Sabi ko nga. Selena." I put emphasis on her name.

I lost Florrence that day. Namatay talaga si Florrence. Pero nabuhay naman si Selena. My half-vampire, half-werewolf mate.

"What did you do today?" Tanong niya sa akin habang nililigpit ang mga kalat niya.

"I went to Florrence's grave." Sagot ko sa kanyang katanungan na ikinatigil niya.

After she woke up, she changed so much. Yes, she knows that she is my mate. Yes, she recognizes our bond as mates. Pero hindi na iyon tulad nang dati. She is not my Florrence anymore.

"Oh." Pasinghap niyang sagot sa akin.

We don't even share the same room. Doon siya natutulog sa silid ni Xandro. It pains me, pero hindi ako nagrereklamo.

It's enough for me to see her like this. Kahit na wala ng kami, basta nariyan siya palagi para kay Xandro.

"I will also sleep in my cabin tonight after the party." Imporma ko kay Selena at tatalikod na sana nang magsalita siya.

"Minsan ka na lang natutulog sa bahay, Tyrone." Aniya at napabaling ang tingin sa mga kubyertos na huhugasan niya.

"I feel suffocated in here, Selena. It is best for me to stay in the cabin." Tapat kong sagot sa kanya.

"That old me, again? Siya na lang palagi ang naaalala mo." Aniya at pabalibag na tinapon sa lababo ang mga kubyertos. She created a dent on my sink, for goodness sake! Galit nga siya.

"It's the best for us. Isa pa, hindi ako nambababae. You will feel it when I do." Sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.

It fvcking hurts everytime I walk away from her. Ang sarap gibain ng buong bahay!

"Diyan!" Narinig kong sigaw ni Selena. Nakasunod na pala siya sa akin. "Diyan ka magaling! Sa pagwa-walk out mo!"

Napakunot ang noo ko. What's this again? Another round of senseless shouting?

"Look, I don't want to fight with you, Flor-"

"Selena! Fo fvck's sake, Tyrone! I am Selena!"

"Oo na! Oo na! Ikaw na si Selena. Fvck! What's your issue?!" Pasigaw ko na ring tanong kay Selena.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now