Chapter 28: The Bitch is Back!

Start from the beginning
                                    

 

"Waaaaaaaaaah!" Napasigaw na lang ako out of frustration. Napahiga na lang ako sa kama.

Ano bang pwede kong gawin?

Suntukin siya? Malakas akong manuntok.

Sabunutan? Nang makalbo siya.

Sipain ang junior? Nang matauhan sa ginawa niya?

Layasan? Nang matapos na itong pagpapanggap namin.

Maya-maya ay tumunog yung cellphone ko. May tumatawag! Sasagutin ko na sana nang mabasa ko kung sino ang caller. It was Charles! So hindi ko na lang sinagot.

But after a few minutes, tumawag uli kaya in-off ko na yung cellphone ko. Galit ako sa kanya!

Nakaramdam naman ako ng gutom kaya naisipan kong kumain. Tinatamad akong magluto kaya oatmeal na lang kinain ko. Konti na lang siya na nasa pakete kaya inubos ko na.

Nakakagutom pala yung nagagalit ka ng sobra. Kahit walang lasa, kakainin mo na, magkalaman man lamang yung tiyan mo!

Pagkatapos kong kumain, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay. Ano na ba ang dapat kong gawin? Lalo na dun sa BOSS ko?

Para mawala ang init ng ulo ko, naisipan kong manood ng tv kaso biglang nagbrownout.

Kung minamalas ka nga naman.

Ano nang gagawin ko ngayon?

Alam ko na, magpapahangin na lang ako. Pumunta ako sa veranda ng condo para sana magpahangin nang mapansin kong may ilaw dun sa mga kapitbahay namin at sa mga ibang building. Ibig sabihin may kuryente nga? Chineck ko yung switch ng ilaw namin pero wala ditong kuryente.

Baka generator lang? Hindi rin, kasi dapat pati condo ni Charles sakop ng mga generator ng building na ito.

Chineck ko ulit yung ibang building at kapitbahay namin. May kuryente sila. May mga ilaw kasi akong nakikita. Malapit na rin kasi maggabi.

Okay. Confirmed. Dito lang walang kuryente. Malas.

Bumaba ako ng first floor para ireklamo yung problema. May kuryente talaga, sa amin lang ang wala. Pumunta ako dun sa mga staffs at personnel at sinabi ko yung tungkol sa problema.

Chineck naman nila.

"Ma'am, nagfail po yung power sa main switch ng unit niyo. Don't worry inaasikaso na po siya ngayon ng electrician. Sorry About that" Paumanhin ng staff.

"Okay lang po and thank you na rin" At umalis na ako.

Hindi muna ako umakyat. Boring lang dun kasi wala pang kuryente. Inaayos pa lang kasi.

Naglakad lakad na lang muna ako sa first floor. May coffee shop dito at ilang shops. Sosyal diba! Sa almost one month na nakatira ako dito, ngayon ko pa lang siya lilibutin.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now