XXVIII | Arcadia

Depuis le début
                                    

Nakakalat ang kanilang nag gagandahang gardens at fountains. Parehong kumikinang ang mga halaman na nakapalibot sa'min, at tubig na nag-uunahan sa pagtakbo sa daluyan nito.

Binuksan ng dalawang Arcadians yung pinto. Pumasok kaming apat at bumungad sa'min ang napakalaking hall, at sa gitna nito, nakahanay nang pakurba ang labindalawang statues ng Olympians.

"Gentlemen." bati sa'min ng babaeng kalalabas mula sa isang sulok. Unang tingin palang sa panlabas niyang anyo, alam na naming siya yung kambal ni Mayethrusa.

Kaso, hindi katulad ng kapatid niyang parati atang sinusumpong ng sama ng loob, hindi mabalasik yung dating niya.

Mapusyaw na asul yung buntot niya samantalang puti naman ang kanyang balat. Mahigpit ang pagkapusod ng berde niyang buhok at wala rin siyang gaanong aksesorya sa katawan maliban nalang sa gintong panali sa kanyang ulo at isang pulseras na gawa sa pinagdugtong-dugtong na mga perlas.

Kanina, habang papunta pa kami rito, naalala kong may ibinigay nga pala kaming isang supot ng gintong barya kay Mayethrusa kaya nakalabas kami ng Terraria. Medyo nabahala ako kasi wala kaming dala ngayon. Kahit yung backpacks namin, ibinilin namin sa inn.

"I am Ariethrusa, the head counselor." Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo sa'min. "May I ask what brought you here?"

"Your twin sister." seryosong sagot ni Trev.

"She did, huh?" Sinenyasan niya kaming sumunod sa kanya. "Come."

Dinala niya kami sa kanyang office. Wala namang kakaiba sa silid, para lang itong ordinaryong office kung tignan. Office na nasa loob ng isang palasyo, na nasa isang lugar na matatagpuan lang sa mitolohiya... at nakapatong pa ito sa mga ulap.

Hmm. Napaka-ordinaryo nga ng opisina niya.

Umupo kami sa mga upuan na katapat nung sa kanya.

"Mayethrusa. What did you do this time, sister?" Narinig namin ang paghihimutok niya saka siya nagpakawala ng malalim na paghinga.

"Ang totoo talaga n'yan, kami yung unang pumunta sa kanya." tugon ko dahilan na mapatingin siya sa'kin.

"We're on a mission." dagdag ni Dio. "One of our students is missing. We consulted the Fates and they sent us to Terraria. We didn't get anything from there except a few injuries, and now we're here because you might know something that can help us."

"My sister..." Naging malungkot ang tono ng boses niya. "I thought she'd side with me."

"Side with you?" ani Dio.

"Terraria was part of Arcadia once but our mother, Echidna, tore the other half and hid it below the ground. She gave us a kingdom to rule because, like what she always reminds us, we are her offsprings, hers' and Typhon's alone... and the Terrarians? Sila yung mga Arcadians na nasama sa lupaing kanyang winasak at inilipat. She even ordered us to make gruesome warriors out of them, at hanggang ngayon, hindi ko pa rin kung alam kung bakit."

Pumasok ang isang katanungan sa isip ko. "Pa'no ka naman napunta dito sa Arcadia kung galing ka naman pala d'on?"

Namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi. "Noon kasi, hindi ako ganito. I was someone immature, sensitive and kind of dumb. And because of my stupidity, hindi ko sinadyang makalabas ng Terraria. But I guess everything happens for a reason dahil pagkalabas ko, sumalubong sa'kin ang mga hiyaw at iyak ng Arcadians dulot ng pagkasira ng kanilang tahanan. It was also curiosity that led me here. I wanted to see what creatures and sceneries were waiting for me on the other side, kaya palihim akong pumunta dito, and that's when I found out that they were innocent and harmless. On that same night, I decided, na dito ako nababagay dahil sa lugar na'to, panatag ang loob ko." mahaba niyang salaysay, habang nakatingin sa malayo. "But eventually, my mother found out what I did. She was so quick to disown me as if I was nothing to her. Mapalad lang ako dahil hindi ako itinakwil ng mga Arcadians. They accepted me, and even made me their counselor."

Binalik niya ang kanyang tingin sa'min. "Nakita ko kung paano unti-unting naging masama ang kapatid ko. Sinubukan ko siyang kumbinsihin na isauli ang Terraria, o kahit ang mga nilalang man lang nito sa Arcadia. Pero sa hindi inaasahan, sinubukan niya akong patayin gamit ang sarili niyang kapangyarihan." Natawa siya nang marahan. "Sinagip ko yung sarili ko kaya't nakalabas ako. Nasa gitna ako ng kagubatan n'on nang matagpuan ako ni Hermes na duguan at nasa bingit ng kamatayan kaya tinulungan niya ako."

Hermes ba kamo?

Pakshet dad! Sabi ko na nga ba. Nagmana talaga ako sa'yo.

"Dinala niya ako dito at kinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari sa'kin. And he did, he did listen to me... but only for a while dahil umalis kaagad siya."

"Ba't naman daw?" tanong ni Dio.

"Don't ask me." ani Ariethrusa. "He just told me he was stressed out. He said his staff was nowhere to be found and at the same time, he was looking for someone else too. I didn't even get to repay him dahil bigla nalang siyang naglaho."

Nanumbalik ang kalmadong vibes na nakapaligid sa'min matapos siyang magkwento. Magaan din sa pakiramdam yung sumunod na ilang segundo ng katahimikan.

"I don't know if I could still help you." tugon niya. "Ang alam ko lang, lumalakas ang boses ng mga nilalang na nagmumula sa ibaba. Something is keeping all of them awake. Kaya mag-ingat kayo sa bawat galaw niyo."

Nagtaka ako kung bakit napunta sa pagbabala yung storytelling niya.

"There is darkness in this realm and it's spreading fast towards the other realms, including yours'."

"Darkness?" Magkasalubong ang kilay ni Trev. "What do you mean?"

Aye-yai-yai. Mukhang nakuha ng usapang 'to ang atensyon ng anak ni Zeus ah.

How exciting.

"I can feel it." sagot naman ni Ariethrusa. "But that's just it. Whatever is happening isn't something we should ignore so be careful."

• • •

Nakatayo ako sa likod ng nakabukas na bintana, nagmamasid sa labas. Eh di naman kagandahan yung view kaya nakatitig lang ako sa sasakyan na nakaparada sa harap ng inn.

Nababagot na ako. Pwede kayang mag-host ng party dito?

Kasunod kong napansin ang isang brown envelope na lumulutang papalapit sa'kin. Kinuha ko ito at pagkatapos makita ang wax stamp ng Academy, ay binuksan ko kaagad ito para basahin yung laman.

'Alphas, as of now, you are being summoned back to school. No extensions will be given. Immediate actions are to be taken upon receiving this message.'

"What's that?" Napatingin si Dio sa papel na nasa kamay ko.

Pababalikin kami ng Academy kahit hindi pa tapos yung misyon namin?

Teka. Mali ata yung tanong ko. Dapat ganito kasi yun...

Ginagago ba nila kami?!

Olympus Academy (Published under PSICOM)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant