"Hoy? Ano 'yan? Nakilala na kita noon?" I curiously asked.

Tumingin siya sa akin at marahang umiling. "Wala..." aniya. Humakbang siya palayo sa akin. Mabilis ko naman siyang sinundan at hinawakan ang kamay niya.

"Dali na! Makwento ka naman!" pangungulit ko. Huminto naman siya at humarap sa akin. Ginulo niya ang buhok ko.

"Pag-iisipan ko..." ngumisi siya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Naglakad siya palabas ng kwarto ko kaya sumunod ako sa kanya at muli siyang kinulit. Tinawanan niya lang ako habang bumababa kami sa hagdan.

"Jared! Seryoso, dali na mag-kwento ka naman..." pangungulit ko pa rin.

"Ma'am, naayos ko na yung pagkain na binili natin kanina. Nandoon na sa table. Kumain ka na po." sabi ni Mary ng madaan siya sa harap namin ni Jared. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Sige, salamat..." ngumiti ako sa kanya.

Bumaling naman ng tingin si Jared sa akin at ngayon ay magkasalubong na ang kilay niya. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa dining table. Natanaw ko kaagad yung pagkaing binili ko kanina.

"Di ka pa kumakain?" tanong ni Jared.

Umupo ako sa upuan katapat ng pagkain. Mabilis ding umupo sa tabi ko si Jared.

"At lumabas ka? Hindi ka man lang nagpaalam? Tinatawagan kita kanina pero hindi mo ako sinasagot." mariing sabi niya.

Tinignan ko naman siya. "Sorry, dapat kasi dito lang talaga ako sa bahay pero may gusto akong kainin, e. Kaya nagpasama ako kay Mary na bumili sa labas. Di na rin naman ako nagpaalam kasi akala ko sandali lang kami." binalingan ko ng tingin yung pagkain.

"Next time okay? Dapat ay magsabi ka sa akin para ako na lang sana ang bumili o di kaya ako na lang ang sumama sa'yo." aniya.

"Sorry..."

"Ang kulit mo pa rin talaga" tumaas ang gilid ng labi niya at nanunuyang umiling.

Sinimangutan ko na lang siya at nagsimula na akong kumain. Mabilis akong nakaramdam ng pagka-ilang dahil sa pagtitig niya sa akin habang kumakain ako. I stopped and divert my attention to him. Ngumisi naman ito.

"Why?"

"Gutom ka ba? Ikukuha kita ng pagkain kung gusto mo?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "I'm fine. Mas gusto ko pang pagmasdan ka habang kumakain."

"Nakaka-ilang kaya..." mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"I used to do that when we're young..." malamlam niyang sabi.

Mabilis akong napatingin sa kanya. Hindi nga?

"Sobrang close ba nating dalawa noon?" tanong ko.

He smiled meaningfully as he leaned towards me. "Hindi mo nga kayang lumayo sa akin noon. You'll always look for me."

"Seryoso?"

"Hmmm..." tumango siya. "I can tell you a lot if you really want..." bahagya siyang tumawa. "You even told me before that you want to marry me. Sana ako na lang..."

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya. "Di nga?" tumaas ang boses ko.

Gosh, napaisip tuloy ako sa mga pinanggagawa ko noong bata palang ako. Lalo na sa mga panahon na kasama ko si Jared. Baka naman marami akong kahiya-hiyang bagay na nagawa noon. I feel like maybe my young self is betraying me right now!

Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabilang pisngi ko.

Nakakahiya!

He ended up teasing me. Gusto ko na nga siyang palayasin sa bahay namin pero hindi ko rin magawa. Hindi rin naman siya aalis. Mabilis akong pumasok sa banyo sa aking kwarto pagpasok ko para makapaghilamos at makapagpalit ng damit. Bahala siya diyan, matutulog na ako.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon