Chapter 9: Preparation for Valentines

Magsimula sa umpisa
                                    


"Maganda yun, tapos iapply na din natin yung mga sinuggest nating lahat" sabi naman ni felix



"Ako na ang bahala sa budget" sabi ni jack samin


"Malamang ikaw may ari neto" biro ni jack. After ng kwentuhan ay napagplanuhan na ang mga gagawin at mga aayusin para sa nalalapit na valentines day. 


"Okay guys pwede na kayong umuwi" sabi samin ni jack. Palabas na ako



"Andrea wait lang" sabi ni jack


"Oh bakit?" bumalik ako sa loob at nauna na sila jaylene at miko, hindi sila sabay maglakad. Hindi ko alam kung bakit, si felix naman nakatingin lang samin ni jack habang naglalakad siya ay actually kay jack nga lang siya nakatingin eh. Ibinalik ko na ulit yung tingin ko kay jack.



"Pwede ba tayong mag-usap?" 



"Huh? Sige tara usap tayo" wala akong masabi, natawa naman siya


"I mean let's go out" sabi niya


"Saan hehe?" 


"Lakad-lakad lang tayo, ay i have an idea. Why don't we walk hanggang sainyo tutal naman malapit lang to sainyo diba"


"Ahh hmm sige, okay lang ba sayo? baka may dadaanan ka pa?" tanung ko sakanya


"Hindi i just want to tell you something" sabi niya tsk nag-e.english si jack!



"Ahhhhhhh okay" yun nalang nasabi ko. Sinarado niya na yung store then nag-umpisa na kaming maglakad. Habang naglalakad kami biglang tumunog yung phone ko.


1 message received


Fr: Felix

 Isusumbong kita kay Kenneth ><



Hala! Baliw tong si felix.



"Sino yung nagteks?" tanong ni jack


"Ah wala si felix" naging klasmeyt din ni felix si jack nung first year kami



"Anong sabi?" tanong niya, nakakacurious? kailangan talagang malaman?


"Hm. isusumbong niya daw ako kay kenneth hehe" sabi ko at natahimik na, papunta na kami sa park, yung nilalakaran ko pauwi nung hinatid ko si mario at nung nagkita kami. Mahaba kase masyado tong park. Buti nga nagka park para hindi boring yung dadaanan.


"Kapatid mo ba si kenneth?" tanong niya sakin, sasabihin ko bang manliigaw ko si kenneth? ay wag na! nagmamaganda naman ako.


"Hindi, Anak siya nung kapartner ni mama sa business"


"Oww" sabi niya habang napangiti, kung ako 'ahh' ang nasasabi pag walang masabi ay si kenneth pala yun. Hala nagagaya ko na si kenneth! Si jack naman 'oww'


"Ay jack, pasensya nga pala ha" nagtaka naman siya


"Para saan?"


"Kase hindi kita kinukuya, wala akong galang" sabi ko, para namang nainis siya nung sinabi ko yung word na kuya



"Okay lang, hindi mo na ako kailangan tawagin na kuya" sabi niya. Natahimik naman kami at naglakad nalang


"Ilang taon na si kenneth?" tanong ni jack


"21"


"Anong work niya?"


"Wala pa, naghahanap palang siya ng trabaho ay actually may nahanap na siyang trabaho. Inaantay nalang niya"


"May girlfriend siya?" anong meron? bakit napunta kay kenneth yung usapan namin.


"Wa-la hehe bakit?" tumigil siya sa paglalakad, napatigil din ako sa paglalakad


"Eh ikaw? may boyfriend ka na ba?" 


"Wala"


"Good" naglakad na ulit siya "Andrea, may gusto akong sabihin sayo"


"Ano yon?"




"ANDREA" napalingon kami sa tumawag, si kenneth papunta samin.

730 Days with Andrea SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon