XXIV | Hesperides

Start from the beginning
                                    

"Ano kasi..." nag-aalinlangang sabi ni Art. "Hindi ko alam kung nasa'n talaga yung super duper exact location ih... nakalimutan ko kasi. Pasensya na talaga..."

"No, it's okay." Nanlambot ang tinig ni Kara. "You already did your part. Let us do ours'." aniya saka may hinugot sa kanyang bulsa.

Isang compass.

"Yan ba yung nakaka-detect ng makapal na mist?" tanong ni Ria na tinanguan naman ni Kara. 

"It is." sagot nito sa kanya. "It points to the direction where the mist is thickest."

Nagtaka ako saglit kung bakit hindi namin ito nagamit sa syudad para hanapin yung Raglem street... kaso naalala ko, na sadyang makapal ang mist sa mga mataong lugar kaya hindi magiging mabisa yung compass.

Umikot-ikot muna yung arrow sa loob ng ilang segundo bago tumigil sa paggalaw. Napa 'ooh' ako nang ituro nito yung direksyon ko kaya napalingon ako sa aking likuran kung saan natatanaw ko na ngayon ang mababang burol na may gubat bilang paanan.

"Let's go." Pinangunahan kami ni Kara.

Palinga-linga ako habang naglalakad kasi nararamdaman kong may mga matang nakasunod sa'min. Lumamig din yung ihip ng hangin pero ako lang ata ang nakakapansin.

Napahinto ako nang masulyapan ko ang isang anino na nakatayo sa malayo, nagmamasid.

Gusto ko itong lapitan pero bigla nalang sumakit yung ulo ko... na para bang may sarili itong malay at pinigilan ako nitong gawin ang balak ko.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

• • •

"Ria... kapag ba makapal yung mist, nagha-hallucinate ka rin ba?" tanong ko nang makapasok na kami sa gubat.

"Honestly, I don't know." sagot niya. "Ba't mo naman naitanong 'yan?"

Natawa ako nang marahan. "Pakiramdam ko kasi nababaliw na ako eh. Baka pagkagising ko bukas, panaginip lang pala lahat ng 'to." Hanggang ngayon, may bahagi pa rin sa'kin na hindi naniniwala sa mga pangyayari simula pa nung araw na natagpuan ko si Auntie na may binabasang sulat sa sala.

Kaya hindi mapapawi ang kutob ko na maaaring nasa panaginip lang ako... isang mahabang panaginip.

At kung tama nga ako, ayoko nang magising pa.

"Hmm. Gusto mo sampalin kita para magising ka?" suhestyon niya. "Just don't blame me kung magkasira-sira 'yang panga mo."

Agad kong binawi yung sinabi ko. "A-ano ka ba Ria. Nagbibiro lang ako."

Namuo ang isang ngiti sa kanyang labi. "Ako rin naman ah."

"Wuy Ria! Binibiktima mo na naman 'tong si Cesia ih!" biglang singit ni Art. "Hindi ka pa ba nakuntento nung tinakot mo siya sa first day niya? Huh?!"

Huminto si Kara dahilan na mapahinto rin kaming mga nakasunod sa kanya. "We have to scatter and inspect the whole area."

"Wokie!" Nawala na sa paningin ko si Art at mayamaya'y sina Kara at Ria din.

Kakahuyan... damo... mga bulaklak.... Paulit-ulit lang ang mga nakikita ko.

Malay ko ba kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Sarili ko lang ang pinakikialaman ko nang makarinig ako ng matitinis na boses ng mga babaeng tumatawa.

Isang paru-paro ang lumipad sa harap ko. Paikot-ikot lang ito at hindi lumalayo sa pwesto. Tinitigan ko ang mga pakpak nitong nakakaaliw pagmasdan. "Ang ganda..." Kumikinang kasi ang mga ito at parang yari sa pilak.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now