"panong?panong naging si Harley si kaden?"nanga-ngatal niyang tanong sa sarili

 (PAGE7)Hi,Mom,Hi,Dad

malapit na kayong mag-isang taong patay,hanggang ngayon sariwa parin sakin ang lahat,hanggang ngayon masakit padin sakin.i'm sorry kung dahil doon nasigawan ko si Merly.pinipilit niya kasi akong icelebrate ang b-day ko.hindi ko po kasi kayang icelebrate yun,dahil ang araw na iyon ang araw kung san kayo namatay.

(PAGE8)Hi,Mom,Hi,Dad

yung batang babaeng niligtas ko sa school.pinangakuan niya po akong magiging future husband niya balang araw,ayos lang naman po iyon diba?gusto ko rin naman siyang maging-asawa balang araw.nga po pala malapit narin siyang makakita at ako daw ang gusto niyang kauna-unahang makita.at isa pa po,si Merly po kasi may sakit.tulungan niyo po siyang gumaling hah.

(PAGE9)Hi,Mom,Hi,Dad

may sakit parin si Merly hanggang ngayon.hindi ko na po alam ang gagawin ko.nagtanong na po ako nang mga gamot na iinumin niya pero hindi parin mawala yung kaba ko.hindi ko na po kasi kakayanin kung mawawala pa siya sakin.nangulit na naman po pala siyang icelebrate ko ang b-day ko.nung una nagalit ako pero sa tingin ko po siguro kahit ngayon lang Mom,Dad.payagan niyo akong icelebrate yun para sa kanya.

(PAGE10)Hi,Mom,Hi,Dad

halos ilang araw ko nang hindi nakikita yung future wife ko.araw ngayon nang operasyon niya sa mata at ngayon din ang araw nang b-day ko.pupunta kami mamaya sa perya dahil dun niya gustong icelebrate ko ang b-day ko.pakigabayan po si Merly dahil may sinat parin siya,pati narin po yung future wife ko.wag niyo po siyang pabayaan.ok po!

halos maghalo na ang sipon at luha niya sa tindi nang pag-iyak niya.iniimpit niya parin iyon dahil sa takot na maging si Harley sa pag-tulog.bakit ganun?bakit siya?bakit siya pa...

(PAGE11)Hi,Mom,Hi,Dad

Ginawa ko pong lahat,alam niyo po iyan.ginawa kong lahat para sa kanya.pero bakit ganun?bakit kailangan ako yung maiwan.bakit ako lang?ano nang gagawin ko sa buhay ko!bakit pati si Merly kailangan mamatay.bakit?bakit kailangan sa araw nang birthday ko lahat nang mangyari ito!malas po ba ako?pinanganak ba ako para mag suffer nang ganito?.bakit kayo ganyan Mom,bakit kailangan iwanan niyo akong mag-isa dito.please..please..kuwanin niyo na ako,ayoko na!ayoko nang mabuhay...ayoko na!!!!

sinara niya yung black notebook at nanga-ngatog ang tuhod na tumayo mula sa pagkakaupo.ilang hakbang lang at napaupo narin siya.pinag-susuntok niya yung sahig dahil sa naiipong galit at sakit sa dibdib niya,

bakit sila?bakit siya?..bakit kailangan nilang idamay ang isang inosenteng buhay para lang sa walang kwenta nilang rason.bakit siya pa..padapa niyang sinubsob ang mukha sa sahig habang pandalas ang pagbayo sa sahig.

bakit ang kapatid pa ni Harley..bakit siya ang naging donor ko.?nang dahil sakin,nang dahil sakin naging miserable ang buhay ni Harley.nang dahil sakin nawalang lahat nang taong mahahalaga sakanya.

bakit si Harley pa...bakit Hon?bakit kailangan mo pang maging mabait sakin sa kabila nang lahat nang ito.hindi ako karapat-dapat saiyo.hindi ako karapat-dapat..patawarin mo'ko..patawarin mo'ko harley....

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now