Chapter 47

7.2K 165 2
                                    

Chapter 47

Hindi pa din matanggap ng sistema ko ang mga nagyayari. Paanong? At kailan? Kakauwi lang ni Jade diba?

"Huy!

"Ay butiking buntis! Ano ba Keil!?"

"Lalim ng iniisip mo ah. Mind sharing it?!" nasa malapit na coffeshop kami ngayon. Inilipat na si Kayleigh sa kwarto at binabantayan ni Jade.

"Kailan pa dumating si Jade?"

"Last month ata? Hindi din--" naibuga ko ang iniinum kong kape kay Keil.

"The fuck Chelsea??!"

"L-Last month??! Bait hindi ko alam??!" nagshrugged lang siya. Ang sama. Matagal na pala. Wala man lang may nagsabi sa akin. Huhu.

"Problema mo?"

"Kasi *sob* walang *sob* nagsabi *sob* nakabalik *sob* na pala si *sob* Jade."

"Bakit nanay ka ba niya??! Girlfriend kaba?! Asawa??! Tumigil ka na nga Chelsea. Hahalikan kita." pagkatapos ay binasa niya ang labi niya gamit ang kanyang dila.

Sheyt. Umiinit ako bigla.

"I-Ito na nga oh." tumawa siya.

"You're blushing."

"Im not."

"Yes you are."

"I am not!"

"Kitang-kita oh!"

"Hindi nga!! Kulit eh!" sa inis ko ay padabog akong tumayo na siya namang biglang sulpot ng isang waiter.

"Oh my God!" tili ko. "Kuya okay ka lang ba?"

"Yes maam. Okay lang po ako." kumuha siya ng tissue saka pinunasan ang braso kong natapunan ng kape.

Nagulat na lang ako ng biglang hinablot ni Keil yung lalaki at sinuntok. Pumutok ang labi niya.

"You listen and listen very well young man. No one dares to lay a hand on my girl. Know why? Because I can send them to hell that instant. So if you still want to live, back off!! Understood?!" galit na sabi ni Keil doon sa Lalaki. Tumango naman ito.

"Keil .. Ano ba?" pikit ko siyang inaawat. Maya maya ay biglang dumatin yung manager.

"Im so sorry for the inconvenience Maam and Sir. This wont never happen again." hingi ng tawad nung manager.

"Make sure of that. Kung ayaw mong pasabugin ko tong shop nyo. Lets go chelsea!!" nagmartsa na siya palabas.

"Sorry po ulit sir." nagbow pa ako to emphasize my sorry.

"Chelsea!! I said lets go!!" patakbo akong tinungo ang direction ni Keil.

"Bakit ginawa mo yun?? Nakakahiya Keil!!"

Inakbayan niya ako. "As if I care. Ayoko lang na may humahawak sa yo maiban sa akin. Kuha mo??"

"Oo na lang.."

Pagkatapos naming magkape ay pumunta na kami sa room ni Kayleigh. Pero naabutan naming nag-uusap ang dalawa. Kaya hindi na muna kami pumasok.

"Hayaan muna natin silang dalawa. Madami silang dapat na pag-usapan." sabi ko.

Ngumiti naman si Keil saka inakbayan ako.

"I love you TAM." nakangiting sabi niya.

"TAM? Ano yun?" litong tanong ko. Ano yun pauso niya??

"TAM - taong ayaw mawala. Yun na tawagan natin."

"Tawagan ka diyan. D pa nga tayo eh. D ka pa po kaya nanliligaw."

"Wala ng ligaw ligaw. Hindi ako marunong nun. Ako kasi nililigawan." tawa siya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Totoong tawa.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin saka umupo sa waiting area malapit sa room ni Kayleigh.

"Tse! Manligaw ka muna!!"

Tumabi din siya sa akin saka hinalikan Ko sa pisngi. "I love you TAM."

--

Jade POV

"Kayleigh. Please naman. Kausapin ako." pagmamakaawa ko. Pero nakatalikod lang siya sa akin.

"Kayleigh naman--"

"Jade wala na tayong dapat pag-usapan pa."

"Anong wala? God Kayleigh! Ipapaako mo kay Keil ang dapat sa akin?!" hindi siya kumibo.

"Alam mo kung gaano kasakit sa akin yun??!" hinarap niya ako.

"Jade si Keil ang mahal ko. Hindi ikaw. Sana naman maintindhan mo yun."

"Eh yung nangyari??! Ano yun? Wala lang. Joke lang ba lahat sayo??!"

"Si Chelsea ang mahal mo Jade. Hindi ako." nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Bakit?

"A-akala ko. Akala ko siya ang mahal ko. Pero all along ikaw pala. Ikaw pa rin Kayleigh. Ikaw pa rin."

"J-Jade.." pinunasan ko ang butil ng luhamg tumulo mula sa lanyang mga mata.

"W-wag mo munang madalin.. Uunti-untiin natin Kayleigh. Para sa bata." ngumiti lang si Kayleigh.

Last month pagbalik ko nung nalaman kong ikakasal na si Chelsea kay Sean - kapatid ni Keil ay halos mamatay na ako. Hindi ko kaya. Kaya naman nagpakalasing ako. Nakakapagtaka lang na hindi si Chelsea ang tinawagan ko. Kundi si Kayleigh. Si Kayleigh ang pumunta. Hindi si Chelsea. Si Kayleigh ang nakasama mo hindi si Chelsea. And there it goes. I realized na si Kayleigh talaga ang mahal ko.

Hindi si Chelsea. Nadala lang ako dati. Na mahal niya ako so dapat mahal ko din siya. Pero hindi lang si Chelsea ang niloloko ko. Pati din ang sarili ko.

Pinisil ko ang kamay ni Kayleigh. "Will you give me a chance to prove how much I love you?" tumango lang siya.

"Oo Jade. Susubukan natin. Para sa bata." hinalikan ko siya sa noo. Ang saya ko. Sobrang saya.

*thanks for reading 💕💕

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon