Chapter 16 - Ako naman, please

7.6K 209 8
                                    

Chapter 16 - Ako naman , Please

Pagkatapos ng insedenting iyon ay hindi na ako pumasok sa panghapon kong clase. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Halos gapangin ko na pauwi. Uminom muna ako ng gamot bago natulog.

Paggising ko halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko sa subrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam umiikot ang lahat. Sinubukan kong tumayo pero natumba din ako. Pilit kong inabot ang cellphone ko na nakalagay sa side table ko. Halos gapangin ko na sa sobrang bigat ng katawan ko. Nasagi ko pa yung baso kaya nabasag ito. Ang tunog nun ay lalong nagpatindi ng sakit ng ulo ko.

Dinial ko ang number ni Jake. Nakailang ring pa bago niya ito sagutin.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya.

"Jake... J-jake. Ang sakit.. Hindi ko na kaya.. T-Tulong." yun lang ang huling natatandaan ko bago sakupin ng dilim ang paningin ko.

KEIL'S POV

I feel awkward. Hindi ko alam kung bakit napapayag ako ni Kayleigh na sumama sa welcome party ng ate niya. Oo, galit ako sa kanya. Pero naisip ko na bigyan siya ng pagkakataon. We're childhood friends after all. Kahit na alam kong matagal nang may gusto ang magaling kong pinsan sa kanya. I guess bumabawi na nga siya ngayon. But I cant love her back..again. Mas nangingibabaw pa din ang nararamdaman ko para kay Chelsea.

"Are you having fun?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya kinibo.

Am I having fun? How can I? Kasama ko ngayon ang lalaking kinamumuhian ko sa buong mundo.

"Oh c'mon guys. Hindi ko alam kung ano ang pinag-aawayan nyo pero pwede ba? Mag bati na kayo. Magpinsan pa naman kayo."

"Shut up Kayleigh. Wala kang alam." napatingin ako kay Jade. Yeah. Wala ngang alam si Kayleigh. At wala rin akong alam kung among nangyari sa kanila sa ibang bansa. Masayng masaya pa noon si Jade nang sundan niya si Kayleigh pero nag-iba na siya pagbalik.

"CR lang ako." padabog na umalis si Jade. Tsk! This is not a good idea.

"Ay ewan ko sa inyong dalawa. Kukuha lang ako pagkain."

Ininum ko na lang ang natitirang alak sa baso ko.

Tatayo na sana ako ng biglang magring ang cp ni Jade. Wala naman akong paki kung sino ang tumatawag pero nung nakita kong..

Chelsea

Calling...

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba? Ganito na ba sila kaclose ni Jade? Sakin ni minsan hindi siya tumawag.

Kinuha ko ang cp ni Jade saka sinagot. Pero hindi ako nagsalita. I will let her think na si Jade ako.

"Jake... J-jake. Ang sakit.. Hindi ko na kaya.. Tulong." hindi ko na hinintay na ibaba ni Chelsea yung tawag.

Tumakbo na ako palabas ng bahay nila Kayleih. Wala akon pakialam kung hanapin man nila ako o masira man ang pagkakaibigan namin. Importante sa akin ngayon ang mapuntahan si Chelsea.

Pagdating ko sa unit niya nakita ko siyang nakahandusay sa sa sahig. Nasa kamay parin niya ung cellphone niya.

Nakita ko ding dumudugo yung bandang siko niya. Baka dahil to sa bubog ng nabasag na baso. Aish! Bakit ba kasi may mga bubog dito?!

"Chelsea? Fuck! Ang init mo!" tinapik tapik ko yung pisnge niya.

"Chelsea.. You okay? Gising."

"Hmmm.."

"You hear me, Chelsea?" Panay lang ang tapik ko sa mainit niyang pisngi.

"Uhm.. J-Jade.." yeah right. Si Jade nga naman pala ang iniexpect niya. Hindi ako. Hindi si Keil.

Pero sapat na yung response niya para malaman kung consious siya. Binuhat ko siya pabalik ng kama niya. Mabilis ang kanyang paghinga. Namumula na din ang kayang pisnge dahil na din siguro sa subrang init niya.

"Uhmm. J-Jade.."

"Ahh. Teka! Kukunin ko lang yung kit mo para magamot na yang sugat mo." pinagwalang bahala ko na lang ang sinabi niya kahit subrang sakit na. Ganito pala ang pakiramdam na mabalewala. 'Yung nandito na sa harap niya naghahanap pa ng iba.

Pagkakuha ko ng kit niya ay sinimulan ko nang linisin ang sugat niya. Nilinis ko na din yung nabasag na baso.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Chelsea. Ako to. Si Keil. Sana man lang kahit sa panaginip mo masabi mo ang pangalan ko. Puro na lang si Jade. Sana ako naman. Sana ako na lang." hinalikan ko siya noo at inayos ang kumot niya.

Pumunta ako sa kusina niya para pagluto siya ng lugaw para paggising niya makainum na din siya ng gamot.

Napangiti ako when I remember the last time I was here. Halos masunog ko na nga ang buong kusina. Haha. But I swear this time hindi na ako papalpak.

Perfect.

Pagkaluto ko ay pumunta agad ako sa kwarto ni Chelsea. Gigisingin ko na sana siya ng biglang..

"J-jade.. J-Jade.."

Fine! I had enough!

Inilapag ko na lang yung lugaw sa side table niya kasama yung gamot.

"Ayan ang pagkaing pinaghirapan ko. Hindi ng Jade mo. See this?! Nagkandasugat sugat din ako sa paglilinis ng bubog. Hindi ang Jade mo. I cleaned your wounds. Ako ang naglagay ng band aid diyan, hindi yang Jade mo. Ako ang naandito. Hindi ang Jade mo. Grabe. Ganyan ka na ba talaga kamanhid ha Chelsea? Lahat na ginawa ko para sayo pero puro ka pa rin Jade Jade Jade Jade. Nasan siya ngayon? Nandun!! Nagpapakasaya!!"

Nakakabading man pero hindi ko mapigilan ang mga luhang pilit kumakawala sa mga mata ko.

Bago pa ako umalis ng unit niya nilingon ko muna siya.

"Pwde bang ako naman ang piliin mo ngayon??"

A/N

*So? Grabe. Ramdam na randam ko si Fafa Keil..

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon