Chapter 36 - Get out of my Way

6.6K 150 7
                                    

Chapter 36 - Get out of my way

Nagising ako kinabukasan na nakayakap kay Sean. Napangiti ako. tiningnan ko ang maamo niyang mukha. Ang mahina niyang paghinga. Hinawi ko ang kaunting buhok niya na nakatabon sa kanyang mukha. Alam mo Sean kung wala lang si Keil. At kung nauna ka lang sana. Sana .. hindi na ako masasaktan.

Maya maya ay bigla na siyang dumilat.

"Good mornig." Oh my! Bedroom voice. Shemayy! Ang yummy. Napalunok ak. Tsk! Si Keil ganito din kaya?? Waaahh!

Tinulak ko siya palayo. "A-ano. G-good morning." Bumangon na ako at pumuntang banyo. Bakit ba laging si Keil ang naiisip ko? Engaged na ako kay Sean. Dapat siya na lang. dapat sa kanya ko na lang ibigay ang pagmamahal na dapat ay kay Keil.

Dumaan ang pasko, ang bagong taon ng hindi ko namamalayan. hindi pa din kami nagkikita ni Keil. Walang text o tawag. Si Sean na din ang tumulong sa akin dun sa research paper sana namin ni Keil. Ayoko din namang bumagsak.

January 2016.

Hind ko namalayang pasukan na naman pala. Makikita ko na ba si Keil? Handa na ba ako? nanginginig ang buong katawan ko habang papunta sa room namin.

Kung dati, hinaharang ako nila Macey, nagyon hindi na. kumalat na din naman kasing engaged ako kay Sean. At lahat sila takot sa kanya.

"Chelsea? You okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sean. Tumango lang ako. ayokong mahalata niyang pati boses ko nanginginig.

Pagpasok namin ng room ay biglang tumahimik 'yung kanina lang ay maingay na paligid. Napatingin ako sa upuan ni Keil at Kayleigh.

Wala parin sila. Nagsimula na 'yung clase. Wala parin silang dalawa. Nagpakasal na kaya sila? Biglang nanikip ang dibdib ko sa isipin 'yon.

"Chelsea. You look pale. Are you really okay?" narinig kong bulong ni Sean sa akin.

"Oo." Mahina kong tugon. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Parang ang boring na ng buhay ko.

LUNCH.

Hindi kami magkasabay na kumain ni Sean. May pinuntahan kasi siya. Kaya eto, mag-isa akong kumakain ngayon. Patayo na sana ako ng Makita ko sila Macey na punta sa direction ko. Kahit hindi ko pa nauubos 'yung pagkain ko ay niligpit ko na ito. Lumapit sila sa akin at pinandilatan ako.

"So.. So. So. Kamuzta Chelsea? Namiss kita. Tagal kung hinintay na umalis si Sean sa tabi mo." Si Macey habang pinaglalaruan yung buhok ko.

"Macey. Ayoko ng gulo." Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad pero hinila niya ako.

"Ano ba??!"

"Wala kang karapatan na talikuran ako." sabi niya saka sinampal ako ng malakas. Napasinghap ang mg tao sa paligid. Sa bigla ay nabitawan ko 'yung tray na hawak ko. Kumalat yung mga pagkain sa sahig.

"Ano tingin mo sa sarili mo dyosa? Heh! Dream on."

"Please. Mecey. Ayoko talaga-"

Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko ng bigla niyang hinawakan ang ulo ko at iningudngod ang mukha ko sa sahig kung saan nagkalat yung mga pagkain.

"Ayan. Linisin mo. Yan ang nararapat sayo. Maglinis. Hahaha. Tara na girls. Hayaan natin yang malandi na yan." Umalis sila na nakatawa.

Umiiyak na naman ako. kung nandito lang sana si Sean. Hindi mangyayari sa akin 'to. Ilang buwan na lang naman gagraduate na ako.

Pinunasan ko 'yung luha ko. Kinuha ko yung panyo ni Jade sa bulsa ko para punasan ang mukha ko. Oo. Panyo ni Jade.

Maya maya nakita ko si Keil! Papasok siya sa pinto. Gusto kong umalis. Gusto kong maglaho na lang para hindi na niya ako nakita. Pero huli na. Nagtama na ang aming mga mata.

Papunta siya sa aking direstion. Nakatitig lang sa akin ang malalamig niya mga mata. Napansin ko din ang kulay pula niyang buhok. Nagpakulay siya? Bakit? Nasa akin pa rin ang mga titig niya.

Tutulungan ba niya ako ?

Pero nagkamali ako. hindi siya huminto. Nilagpasan lang niya ako. na para bang wala siyang nakitang tao. Na parang hindi niya ako nakita. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong hindi makahinga. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

"Keil..." alam kung narinig niya ko dahil huminto siya.

"Get out of my way." Sa sinabi niyang iyon tumulo na naman ang mga luha ko.

Anong nangyari Keil?

*GUSTO MO BANG MAKITA NEW HAIR COLOR NI PAPA KEIL? COMMENT DOWN. :D :D

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon