Chapter 28 - Abot kamay

6.8K 194 0
                                    

Chapter 28 - Abot kamay

Akward.

Yan ang nararamdaman ko nagyon. Kakababa lang ni Kayleigh. Nagpahatid siya una kasi medyo inaantok na daw siya.

Ngayon papunta na kami sa unit ko. Halos mabingi ako sa sobrang tahimik. Walang nagsasalita sa amin kaya naglakas loob na ako.

"S-sorry." sabi ko. Nakayuko lang ako habang nilalaro ang mga daliri ko. Abot langit ang kabang nararamdaman ko.

"Keil gusto ko lang magsorry. Alam kong--"

"I dont need your sorry neither your explanation." nasaktan ko nga talaga siguro siya. Pero nasaktan din naman ako.

"K-Keil.. Ano kasi.."

"Chelsea, could you please shut the fuck up?! Ano pa magagawa ng sorry mo? The damage has been done." hindi na lang ako sumagot. Kasalanan ko, I know.

"Thank you Keil sa pag--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang niya pinaharurot yung sasakyan. Kung good terms sana kami makakaya ko siyang sigawan. Pero hindi eh. At hindi ko alam kung magkaka-ayos pa kami. Paglabukas ko ng unit ko sinalubong agad ako ng dalawa kong babay.

"Hey babies!" agad ko silang niyakap.

"Nagpakabait kaba misis?" tumahol siya na para bang naiintindihan niya ako.

"Eh ikaw Mister? Binantayan mo naman ba itong misis mo?" kumahol siya. Mapangiti ako. Kayo na lang ang meron ako ngayon.

KINABUKASAN.

Same scene. Mapang lait nilang tingin at malalakas nilang bulong. Bago ako pumasok ay dumaan muna ako ng clinic para ipalinis yung mga sugat ko. Total maaga pa nman eh. Habang papuntang room rinig na rinig ko angga bulungan nila.

"Ang swerte naman ni Kayleigh. Ikakasal na siya kay Keil."

"Oo nga. Kinikilig ako sa kanilang dalawa."

"Bagay talaga sila no?"

Oo na. Sila na ang bagay. Paghahampasin ko mga mukha nyo eh. Pagdating ko ng room tsako namang pagdating ng prof namin. Hindi na rin kami magkatabi ni Keil. Ako na ang unang umiwas. Mas okay na siguro to. Twing tutorial section ko lang siya nakaka-usap. Tiningnan ko siya. Nakayukyok lang siya sa desk niya. Ano pa ba ang bago?

"Okay who can answer the equation on the board? Anyone? Chelsea?"

"Po!"

"Answer the equations on the board." tumayo na ako at pumunta sa harap.

Sisiw lang sa akin to. Maya maya ay narinig ko ang mga bulong-bulungan nila. Hindi ko na iyon pinansin. Sanay na ako.

"MAY TAGOS SIYA!" narinig kong sigaw ng isa sa mga kalase ko. Napatingin ako sa prof namin.

"Masakit ba ang puson mo hija?"

"Po?" naguguluhang tanong ko.

"I think you must visit the clinic. Ill excuse you for today." Saka ko lang naintindhan yung sinabi ng prof namin nung tiningnan ko 'yung palda ko. Nakita ko namang nag-hi 5 sila Macey at Kayleigh.

So kagagawan nila ang lahat ng ito? Kinuha ko yung bag ko at umiiyak na tumakbo. Pumunta ako dun sa lagi kung pinupuntan. Umupo ako sa lilim ng puno ng talisay. Halos ilang minuto din akong umiyak. Umaasa na sana may isang Jade ang umabot sa akin ng panyo. Pero wala talaga. Napagdisesyunan kong wag munang bunalik dun.

Ayoko muna. Hindi na din ako kumain ng lunch ko. Tiniis ko yung gutom ko para hindi lang sila makita. Nung nagbell na para sa clase this afternoon ay tumayo na ako. Dumaan muna ako ng Cr upang tanggalin ang ketchup na sobrang dumikit sa palda ko. Paglabas ko ng Cr nakaabang anh ilang estudyante. May kung anu ano silang dala.

"Go!" narinig kong sigaw ng isang student. Binuhos nila sa akin yung dala nilang mga tubig.

Hindi pa sila makontento. Pinagbabato pa nila ako ng harina na nakalagay sa sa tela. Yung ilan eraser yung binabato. Iiyak na lang ako? Hinawakan ko ng mahigpit yung bag ko. Hinanda ko ang sarili ko para tumakbo.

"Habulin siya!!" Tumakbo ako ng mabilis. Gusto ko silang iligaw. Ng makita kong wala na masyadong humahabol sa akin ay tumigil muna ako sa pagtakbo. Pagod na pagod ako. Hingal na hingal. Nagulat naman ako ng biglang may bumagasak na paso sa harapan ko. Tumingal ako. Nahuli nila ako.

"Nasa right wing siya."

"Ayun siya!" tatakbo pa sana ako ng biglang may humablot sa akin papasok sa isang kwarto saka tinakpan ang bibig ko.

"Ssshh." nanlaki ang mata nung tumigil sila sa mismong pinto kung nasaan kami.

"Saan na?!"

"Nakita nyo ba?"

"Hindi eh."

"Hanapin nyo dun. Dito kami."

"Sige."

Pagkaalis nila ay binitawan na niya ang bibig ko kaya naman sunod sunod ang aking paghinga.

"Keil??!" himawalan niya ako sa beywang at inilapit sa kanya.

"Keil!! Bitawan mo nga ako. Baka makita yo ni Kayleigh! Ano na lang ang sasabihin niya??!" Binitawan niya ako at tumawa ng mapakla.

"Alam kong mahal mo ako. nararamdaman ko but you dont know how to fight Chelsea. Hindi mo ako kayang ipaglaban. You can't even mark your territory. Hinahayaan mo lang na mawala sayo ang isang bagay na kung tutuusin ay abot kamay mo na." pagkasabi noon ay lumabas na siya ng kwarto.

*HINDI KO KAYANG GAWING COLD SI KEIL EH. ITS MORE ON BAD BOY OR HARSH NA SIYA. AYOKO KASI TUMAHIMIK LANG SIYA EH. GUSTO KONG SUMBATAN NIYA SI CHELSEA. HAHA. HINDI KO SIYA NA-EDIT. KAYO NA BAHAL UMINTINDE.

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon