Chapter 8 - You're mine

9.5K 275 7
                                    

Chapter 8 - You're mine.

Masaya ako habang tinitingnan si Jade. Kahit papaano ay naging masaya ako kahit sandali. Siya na lang talaga ang nagpapangiti at nagpapagaan ng loob ko.

Si Keil? Hindi ko na lang siguro siya papansinin kapag nagkasalubong na kami. Wala na din naman na eh.

The deal is OVER! The deal is over not until naalala ko ang video ni Charlie. Ayokong mangyari din sa kanya ang nagyayari sa akin. I treasured her so much. Ayoko nahihirapan siya.

"Pinapalitan ko na pala 'yung upuan mong nasira."

Nagulat ako. "Alam mo?" tumango siya. Grabe hindi naman niya ako tinulungan. Hindi ba niya alam na grabing pagpipigil ko na wag lang maiyak?

"If you're going to ask me why I didn't help you, simply because I want you to stand on your own. Gusto kong lumaban ka. Hindi habang buhay dedepende ka na lang sa ibang tao. Hindi sa lahat ng oras nandoon ako para damayan ka. Life is like a game, Chelsea. You must play hard with it dahil kung hindi, matatalo ka. Ayokong nagpapapi ka. Okay?" nakangiting sabi niya.

Tumango lang ako. Tama nga si Jade. Kailangan kong lumaban. Hindi ako inire ng nanay ko para apipihin lang.

"So, gotta go." Bago siya umalis ay ginulo niya muna ang buhok ko. Napapakalma niya ako simpleng gesture niyang iyon.

Pabalik na ako ng room ng marinig ko ang bulong bulungan nila. Heto na naman sila. Hindi ba nila ako titigilan?

"Siya ba yung Chelsea? Hindi naman pala maganda eh."

"Oo nga eh. Pagkatapos niya kay Keil si Jade naman."

"Malandi talaga. Kapal pa ng mukha. Hindi na nahiya. Sa magpinsan pa talaga ah."

Smile lang Chelsea. Smile lang. Naglalakad ako ng biglang may humablot sa kamay ko saka kinaladkal ako. Ano na naman ba?!

"See this? Malandi ka talaga!" si Macey na naman. Namumuro na talaga siya sa akin.

Letche! Marahas niya akong hinila at itinulak sa bulletin board. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Mga pictures. Mga pictures namin nila Keil at Jade.

Yung mga pictures. Stolen. Pinagtatanggal ko ang mga pictures sa bulletin. Mabigat ang paang tinahak ang tambayan ng halimaw na 'yun.

Pagdating ko doon wala akong makitang Keil. Pero hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa makita ko siya sa canteeng nakaupo sa VIP seats nila. Katabi ang malahigad niyang mga babae. Galit kong nilapitan ang halimaw na 'yun. Sinipa ko ang upuan niya.

"Hoy Keil!" bwesit na mga babae to.

"Who are you?" Malanding tanong sa akin ng babaing nasa kaliwa niya.

"Pwede ba? Lumayas muna kayo." Hindi ako pinansin nung dalawang babae. Letche! Hinila ko 'yung buhok nung isa.

"Awww. The hell is your problem?"

"Nakikita mo 'tong sapatos ko? Papakain ko sa inyo to ng buo kapag ka hindi kayo umalis nagyon din!" ngayon lang ako nagalit ng subra. Ngayon lang ako nanginig sa subrang galit.

Nang makaalis na ang mga kalandian niya mabilis ko siyang nilingon. Isinampal ko sa mukha niya yung mga pictures na nakadikit kanina sa bulletin.

Napasinghap silang lahat sa ginawa ko. Oo nga naman. Wala akong karapatan na sampaling NG DYOS NA SINASAMBA NILA.

"Wooaah! That was the first dude." Sabi ni Hiro. Nagtawanan lang sila.

"Ikaw 'yun diba??!! Ikaw may kagagawan ng lahat ng ito diba?!! Ikaw yung ng labas nung recorded tapos ikaw din yung naglagay ng mga pictures sa bulletin!!" halos hindi na ako makahinga sa subrang galit. Kinuyom ko ang aking kamao para pakalmahin ang aking sarili.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa mga pictures na binato ko sa kanya.

"Hey wait miss. Walang kinalaman diyan si Keil. You see, tinapon niya yung cellphone niya kung saan nakasave yung recording diba?" Sabat ni Traver.

"Oo nga. Tinapon niya. So malamang out na si Keil dun." Sulsol naman ni Hiro.

Pero parang wala akong narinig. O baka naman ayoko labg pakinggan. Kasi gusto kong sisihin si Keil sa mga nangyayari ngayon. Gusto kong maramdaman din niya ang nararamdaman ko.

"Ganyan ka ba talaga ha?? You didn't consider other people's feeling. Makasarili ka. Napakasama mo. Gusto mo lahat ng attention nasa sayo! Bakit nagmahal kana ba? Oh well, let me guess. Hindi pa 'cause your one of a hell playboy!!"

Tumayo siya saka lumapit sa akin. Hinawakan niya yung batok ko at pilit nilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Yung subrang lapit. Yung halos ayoko na huminga dahil sa subrang lapit niya!

"Pumunta ka lang ba dito para sabihin sa akin yan?" iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Well, I'll give you my answer."

At mas lalo niyang nilapit pa ang mukha niya sa akin.

His kissing me!

Dilat na dilat ang mata ko habang nakalapat ang mga labi namin. Nang humiwalay na ang labi niya sa akin, tulala pa rin ako. First kiss ko yun!! Kay jake lang 'yun.

"I dont care about those damn recordings or stupid videos. As long as you're mine, mine alone."

-follow me on wattpad @jeeiiy

REPLY BOX POLICY

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon