Chapter 27 - I dont mind

6.5K 177 4
                                    

CHAPTER 27 - I dont mind

Hindi ko na alam kung sino pa ang tatakbuhan ko. Wala na talaga. Lahat sila masama ang tingin sa akin. Pagkatapos nung ginawa nila Macey ay 'yung PE uniform nalang muna ipinampalit ko. Sinabihan ko nalang 'yung ibang prof ko na namatsahan 'yung damit ko.

Mag-isa lang akong kumakain ngayon sa Cafeteria. Halos lahat sila nakatingin sa akin at nagbubulungan. Binilisan ko ang pagkain. Ayoko ng ganitong scene of attraction ako.

Patapos na akong kumain ng biglang dumating sila Macey, kasama si Kayleigh. So friends na pala sila.

"Hi Chelsea." Bungad niya agad sa akin. Pero 'yung tingin niya, tingin na parang nandidiri siya sa akin.

"Ayoko ng gulo." Tatayo na sana ako pero bigla akong pina-upo nung isa sa kanila.

Umupo na din sila Macey sa upuang nasa harap ko.

"So, How does it feels na malamang 'yung lalaking pinapantasya mo noon at hanggang ngayon ay ako ang pinili. Look!" itinaas niya ang kanyang kamay. "It's our engagement ring. Beautiful isn't it?"

"Wala akong pakialam sa inyo." Tinigasan ko ang boses ko para hindi nila mahalata na parang iiyak na ako.

"Really? Okay. Sabi mo 'yan ha. Anyways, here's your invitation." At inilapag ang isang sobre sa harapan ko. "Bye-bye."

Hindi parin maalis ang tingin ko sa sobreng nasa harapan ko. Is this really for real? Kung mas maaga ko sanang narealize na si Keil talaga ang gusto ko edi sana ako ngayon ang nasa pwesto ni Kayleigh.

Kinuha ko 'yung sobre at nilagay sa bag ko.

Buti nalang hindi pumasok si Keil ngayong hapon. Hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi pa. Pagkatapos ng clase ay niligpit ko na agad ang mga gamit ko. Napatigil ako ng maalala ang tutorial session namin. I decided na huwag nang pumunta. Para saan pa? para magkasakitan lang kami?

Palabas na ako ng gate ng school ng biglang magvibrate ang cellphone ko. Si Keil. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero ..

"Hell—"

"UNTIL WHEN AM I GOING TO WAIT YOU HERE? BE RESPONSIBLE ENOUGH CHELSEA. WE HAVE A FUCKING TUTORIAL SESSION BUT YOU CHOOSE TO LEAVE ME. YOU STILL CHOOSE TO ABANDON ME. TRY TO BE MORE PROFFESIONAL. THIS ISN'T ABOUT YOU AND ME. WHAT HAPPENED IN PAST IS MERELY A NIGHTMARE. DON 'T MAKE YOUR FREAKING SELF A VERY IMPORTANT PERSON BECAUSE YOU WE'RE NOT!!" Pagkatapos niyang ipamukha sa akin ang lahat ng 'yun ay pinatayan na niya ako

Oo. Tama siya. Napakairresponsible ko. Dati pa naman masakit na siyang magsalita. Pero bakit ngayon naaapektuhan na ako? Bakit parang iba ang epekto niya?

Pagdating ko doon sa dating pwesto namin ay nakita ko agad si Keil na kasama si Kayleigh.

"Oh. Chelsea. There you are! Sinamahan ko lang 'tong future husband ko, if you don't mind?" nakatingin lang sa akin si Keil.

"O-okay lang. S-simulan na n-natin." Binigay niya sa akin 'yung mga notes niya. Inabot ko naman 'to.

"You're shuddering. Why is that?" seryusong sabi niya pero diretsong nakatingin parin sa akin. Yung mga mata niya. Blankong nakatitig lang sa akin which makes me so weak.

"A-aah. W-wala wala."

Nagsimula na akong magturo sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin habang nilalaro ang ballpen niya. Si Kayleigh naman ay nakasandal sa balikat ni Keil habang kinakalikot ang kanyang cellphone. They really look good together. Parang pinanganak sila para sa isat isa.

Lihim akong nasasaktan. Ayoko ipakitang nasasaktan ako. For what? Masaya na sila.

"Pagganito 'yung ginamit mo, magiging gan—"

"Babe, look! Is this maganda ba? I'll buy this online. Ano, you think this will fit me?"

"Yeah."

"What color? This one, this one or this one?"

"That one."

"Oh! I like that too." Pagkatapos ay binalingan niya ako. "Ayy Chelsea sorry ha. May tinanong lang ako kay Keil. Go on na."

"A-ah. Ano. 'yun nga. Pagganito yung ginamit mo magiging—"

"How about this shoes babe? Maganda ba?"

"Maganda."

"Ayy sorry Chelsea. You may continue na."

"Pagganito yung ginamit mo magiging ganito yan. Tapos ito, ganito dapat. Huwag mo nang palitan to para hind maging ganyan."

Tiningnan ko silang dalawa. May sariling mundo. Fine. Basta ako I'm doing my part.

"Ahh. Ano.. mauna na ako ha. Hindi pa kasi nakakain yung mga ASO ko eh."

Napatingin bigla sa akin si Keil. Yes! Aso ko. Akin lang. binigay na niya sakin 'yun.

"Okay. Let's go home. I hope your dogs will not starve."

"Bat naman sila magugutom eh may badget sila for food." Hindi na muling sumagot si Keil which is I admit na hinintay kong sumagot siya. Gusto ko siya makausap ng mahaba pa. Pero sa sitwasyon namin ngayon, wala akong karapatang magdemand.

Pagkatapos ko siyang turuan ay mabilis akong umalis. Hindi ko na kayang makasama pa sila kahit isang minute man. Masyado nang masakit. Sobra.

"CHELSEA!!" narinig kong sigaw ni Kayleigh.

Nilingon ko siya. Nakasunod lang pala sila sa likod ko. Nakapulupot ang mga kamay niya sa braso ni Keil. Habang si Keil ay nakapamulsa lang. Parang walang pakialam sa mundo.

"Sabay ka na sa amin."

"A-Ahh. W-Wag na. Magtataxi na lang ako." Alam ko ginagawa niya lang ito para makita ko silang sweet. Ang masaktan ako.

"You don't mind naman kung sasabay siya sa atin diba babe."

Keil shrugged his shoulder. "I don't mind and I don't care."

Bakit bigla akong nasaktan sa sinabing 'yun ni Keil?

*OH HA??HAHAHA. WHAT CAN YOU SAY??

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon