Chapter 19 - Hindi ka ba nag-iisip

8.1K 259 13
                                    

Chapter 19 - Hindi ka ba nag-iisip

"Sigurado ka bang kaya mo?" pagkatapos naming magsnack ay hinatid na ako ni Jade sa mini forest kung saan kami magkikita ni Keil.

"Oo. Okay lang ako Jade." Tiningnan ko ang relo ko. 5:30pm na.

Lagot! Siguradong umuusok na naman ilong nun kakahintay. Pagdating namin sa mini forest, hinanap ko agad siya pero mukhang wala pa naman siya. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"So. I'll be going then. Hindi na kita susunduin?" umiling ako.

Sobra kasing nakakahiya na eh. Hinalikan niya ako sa noo lang naman. Haha. Aaw.

Tiningnan ko ang likod niya habang paalis siya. Aww. Ang sweet niya talaga. Gentleman pa. Total package ka na talaga Jade ko—

"Aray..." hinimas himas ko ang likod kong tinamaan ng kung ano mang bagay. Paglingon ko nakita ko agad siya. Nakaupo na sa pwesto namin. Tiningnan ko siya ng masama.

"Ano magpapantasya ka nalang ba diyan? Bilisan mo na! Dalhin mo na din ang bag ko." Peste! Yung bag pala niya 'yung tumama sa likod ko.

"Walang hiya ka talagang halimaw ka!! Panu kung mabalian ako ng buto? Hindi ka talaga nag-iisip. Letche ka!" naglakad na ako papunta sa kanya sa umupo sa harap niya.

"Ikaw ang hindi nag-iisip. Diba sinabi ko ng dito ka sa tabi ko umupo? Hindi ka pwedeng lumayo sa akin. Ipasok mo yan diyan sa makitid mong utak!!"

God! Gusto kong umiyak sa subrang inis. Tulad ng sinabi niya tumabi ako sa kanya. Nagsimula na akong magturo sa kanya.

"Yung ito. Dapat ganito. Tapos ito. Then papalitan mo yung ganito para maging ganyan. Nakukuha mo ba— Ano ba Keil?!! Lumayo ka nga sa akin!" kaya pala parang may hangin sa batok ko. Kala ko minumulto na kami eh. Hininga lang pala niya. Lumayo naman siya. 'yung malayong malayo.

"Ayan malayo na ako. Now tell me, how can you tutor me if I am this far to you?" niyuko ko ang ulo ko due to frustration.

Mas gusto ko pa 'yung malamig pakikitungo niya sa akin kaysa sa ganito. Hindi na talaga kaya ng powers ko.

"Fine! Fine! Lumapit kana di—" peste!

"Sabi ko lapit lang. Hindi isiksik!! God Keil! Hindi ko alam kung bakit pumayag pa ako dito eh."

"Kasi kung hindi ikaw ang babagsak?" arrggh!

"Okay. Gagawan kita seat work. Sagutan mo na lang. " gumawa ako ng questionnaire saka binigay sa kanya.

"Oh ayan. Sagutan mo. Bibili lang ako pagkain. Dapat pagbalik ko tapos nay an ha!" tatayo na sana ako ng bigla niya akong hawakan.

Hindi ko alam pero parang may kuryenting dumaloy sa buong katawan ko kaya bigla kong iwinaksi ang kanyang kamay.

"A-ano ba K-keil?!"

"You can't go alone. I'll go with you."

"Keil ano ba? Kaya ko ang sarili ko. Besides nasa labas lang yung KFC oh. Magtatake-out na lang ako."

"It's not like that. I just want people to know that you're exclusively mine. Mine. Mine. All mine. End of story."

"Mine mayin mo yang mukha mo. Paghindi mo pa tinapos yan, sinasabi ko sayo ha, hindi na kita babalikan dito." Pananakot ko sa kanya.

Letche. Asa namang kaya ko siyang takutin.

"Sige. Umalis ka! Sanay naman na akong iniiwan eh."

"San galing yan hugot mo ha?!" Jusko! Inirapan ako. Bahala ka na nga.

"Aalis na ako." Hinintay ko siyang sumagot pero hindi na ako pinansin.

Nakita ko namang sinimulan na niyang tapusin yung binigay ko sa kanya. Pagkaorder ko ay bumalik na agad ako sa miniforest.

Medyo wala na din masyadong estudyante. Magseseven na din naman na kasi eh. Bumili na ako ng pagkain saka bumalik na.

Pagdating ko dun sa pwesto namin nakita kong nakayukyok si Keil sa mesa.

Natutulog ba siya. Nilapitan ko siya. Bakit ba ang pogi mo? Inayos ko 'yung buhok niyang nakatabing sa kanyang mukha. Bumagay sa kanyang mukha ang matangos niyang ilong. Ang mahaba niyang pilikmata. Ang labi niyang mapang-akit.

Kinuha ko 'yung cp ko saka pikturan siya. Ibebenta ko to kay Macey para tigilan na ako. Hindi ko naman siya pwedeng iblackmail. Tae. Ang pogi niya lang. Pipisilin ko n asana 'ung ilong niya nung bigla siyang dumilat.

Patay!

KEIL'S POV:

Gusto kong pigilan ang tumawa kanina. Does she really believe that I failed? Oh C'mon. Paunti-unti ko siyang aagawin sayo Jade. I won't lose this time. Pagkatapos kong sagutan 'yung sobrang easy na questionaire na binigay ni Chelsea ay natulog muna ako. Wala pa naman siya eh.

Damn! Pagkadilat ko nakatingin siya sa akin. What the heck is happening? Baka naman sinulatan niya 'yung mukha ko.

Hindi siya gumalaw ko. Shock na shock. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. I don't care kung magalit man siya sa akin. I just can't help myself. Hinawakan ko siya sa batok at lalong inilapit ang mukha niya sa akin.

Hindi naman siya nagpumiglas. Unti-unti kong inilapat ang aking labi sa labi niya. Bumaba ang hawak ko sa kanyang beywang. Maya maya pa unti-unti ko nang naramdaman ang labi niya. She's responding! Napangiti ako habang hinahalikan siya. Malapit na Jade. Malapit ko nang maagaw sayo si Chelsea.

*May kinilig po ba? Merun ba? Merun ba? Hahaha .. PLUG KO LANG PO PALA YUNG NEW STORY KO. TITLE: COLD-HEARTED PRINCE – SEAN! PAHINGE PO NG MATINDING CRITIC KUNG ITUTULOY KO PO BA O HINDI?

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon