Chapter 1 - Dream Night

24.7K 402 27
                                    

Chapter 1 - Dream Night (EDITED VERSION)

Chelsea's POV

"Jade!"

Halos malunok ko ang dila ko ng isigaw ko ang pangalan niya. Dahan dahan naman niya akong nilingon na hawak hawak an strap ng kanyang bag.

Ilang taon din akong nag-hintay para sa moment na ito. Ang makaharap si Jade. Face to Face. Ang masolo siya. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang kaba.

This is it na talaga. Nilingon ko si Charlie na nakatago sa halaman. Hindi ko kakayaning mag-isa kaya sinama ko siya-my one and only bestfriend. Nagthumbs up siya sa akin saka nagmouth ng "go".

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"J-Jade.. uhm. Ano kasi.."

"Yes?" Nakangiti siya sa akin dahilan kung bakit halos mawala na ang kanyang mga mata. Damn! I need air. I really need air. Nauubusan na ako ng oxygen.

"A-Ano.. uhm. I'm C-Chelsea by the way.." mahigpit ang hawak ko sa nanlalamig kong kamay.

"Yes? What can I do for you Chelsea?"

Pwede munang himatayin? Pwede na akong mamatay. Binanggit niya ang pangalan ko. Ang sarap pakinggan. It's like- OMG!! Focus lang, Chelsea.

"Chelsea?"

"Uh- yeah!" Nagitlag ako ng marinig kong binanggit niya ulit ang pangalan ko.

"Something wrong?" Halata sa mukha niya ang pagtataka.

Kailangan ko nang sabihin kay Jade 'to. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.

"Jade, I love you. Sana mahal mo din ako." ilang minute bago pa siya nakasagot.

Nagcross fingers ako. Lord, pinapaubaya ko sayo ang lahat. Please po. Dinilat ko ang mga mata ko at halos wala na akong marinig sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng magtama ang aming mga mata.

"Uhm. Excuse me?" Kumunot ang makinis na noo ni Jade sa sinabi ko.

"A-Ano. Uhm. Ano kasi.." it's now or never! Kailangan kong sabihin to sa kanya.

"I love you Jade." buong kaluluwa kong sigaw sa kanya.

Hinintay kong sumagot si Jade. "Sorry Chelsea. I don't like nor love you. I have a girl--."

Mou daijoubu shinpai nai to
nakisou na watashi no soba de
itsumo kawaranai egao de sasayaite kureta

Waaahhhh!! Ahhhh— pesteng panaginip!

Antok na antok kong kinapa ang cellphone kong nagriring with matching vibrate pa na nakapatong sa side table ko.

Urgh! Bwesit. Binangungot na naman ako. The more na kinakalimutan ko, the more na mas naaalala ko. It's been like 5 or 6 months na ata. Tsk!

Dis-oras na ng gabi. Sino na namang pugita ang--

Halos ibato ko ang hawak kong cellphone ng makita ko ang pangalan niya sa screen. Bwesit! Ano na naman ba kailangan ng halimaw na 'to?! Isang linggo na akong alipin ng kumag na 'to. Nakakapagod na!

"Hel-–"

"Bakit ang tagal mong sagutin? Kanina pa ako tumatawag! You should be flattered kasi ang poging 'to tinatawagan ka! Ano pa ba pinaggawa mo ha?! Dapat wala kana ginagawa kasi gabi na!" Inilayo ko ng kaunti ang cellphone sa tenga ko. Mahirap na. Baka masira pa ang ear drums ko. Kung makasigaw naman talaga. Tsk!

"Letche ka! Ano na naman bang kailangan mo ha?! Hindi ba uso sayo ang matulog?! Ala-una na po ng madaling araw so malamang sa malamang tulog ako!! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" nakakabwesit! Ang sarap –sarap ng tulog eh.

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon