Chapter One

97 0 1
                                    

Author's Note:
Thank you sa pag-add nyo nito sa library nyo. Enjoy sa pagbasa. Still on going pa siya pero pipilitin kong matapos agad.

He's Acting Like a Real Damn Brother
By: Jheem Sapungan

He's Acting Like a Real Damn BrotherBy: Jheem Sapungan

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Justine's POV

Kanina pa pala ko nakatingin sa may pinto. Tinitingnan ko si Princess kausap ang kuya niya. Nakakatuwa silang tingnan. Parang ang close-close nilang magkapatid.

Masyado atang naging occupied ang isip ko kaya pati pagtabi ni Alizza sa'kin dito sa upuan ko, hindi ko man lang namalayan. Bigla niya kasing sinundot yung tagiliran ko. Alam ko na 'to eh. Siguradong mang-aasar na naman 'to.

Alizza: Jus, huh! May hindi ka sinasabi sa'kin!

Binalik ko na lang yung tingin ko dito sa sinasagutan kong activity namin. Wala akong balak patulan 'tong loka-loka kong pinsan. Pinagpatuloy ko na lang yung ka-busy-han ko kahit na alam kong hindi naman talaga niya ko tatantanan hangga't hindi niya ko naiintriga.

Alizza: Crush mo si Warren nuh? Kung makatitig ka kulang na lang matunaw na si Warren. Haha!

Justine: Ano bang sinasabi mo? Wala akong crush kay Warren nuh! Tumigil ka nga dyan!

Hay. Buti na lang talaga nakaalis na si Warren. Mukhang may inabot lang siya kay Princess.

Justine: Huwag ka ngang maingay dyan. Baka mamaya marinig ka ni Princess, isipin niya pang may gusto talaga ko sa kuya niya.

Alizza: Hindi mo crush? Eh bakit kanina ka pa nakatingin sa kanila? Ahhh.. huwag mo sabihing natitibo ka na ngayon? Yuck! Don't tell me si Princess yung type mo at hindi si Warren?

May sapak na ba talaga sa utak ang pinsan kong 'to? Ngayon naman pinagdududahan niya pa ang kasarian ko.

Justine: Anong natitibo?! Hoy! Hindi ako tomboy nuh! Bakit, masama na bang tumingin ngayon?

Alizza: Oh eh ano nga? Hindi kita ma-gets.

Justine: Wala! Naiinggit lang ako sa kanila. Parang ang close-close kasi ni Princess sa kuya niya.

Alizza: Ahh.. hindi mo naman kasi sinabi agad. Akala ko kung ano na. Akala ko pa naman crush mo na si Warren kaya ganon ka makatitig sa kanila. Sobrang wagas! Hahaha!

Justine: Hay. Wala nga sabi eh. Napansin ko lang naman sila kaya napatitig ako.

Alizza: Bakit maiinggit ka pa eh may kapatid ka rin naman, di ba? May kuya ka naman!

Justine: Parang hindi mo naman kilala si kuya Josh. Sira-ulo yun!

Alizza: Haha! Grabe ka naman sa kuya mo, Jus. Kailan ba kayo nagkasundo nun ni Josh? Para naman kasi kayong aso't pusa nuh!

He's Acting Like A Real Damn BrotherDove le storie prendono vita. Scoprilo ora