"Oh and wait nakalimutan ko, favorite anime character nya si Rurouni Kenshin. Actually parehas kami. And I bet you didn't even know all of that"

Natahimik ulit sya. See? Panalong-panalo ako.

"Makakarating lahat nang to kay Zeila", pananakot nya. Wala na lang syang panangga sa akin eh.

"Good. As if I'm scared. Mali ka nang nakasangga, Nicho. Pero infairness, I can admit that you're brighter than your cousin Agnes", sabi ko saka ako lumabas ng unit nya.

"By the way, salamat sa mansanas!", sigaw ko bago ko sinara yung pinto ng unit nya. Ang gusto ko lang naman sabihin lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Okay na ding matakot sya. Mas matalino ako sa kanya wag syang umangal bwiset sya.

Pero nung sinabi kong di ako natakot sa isusumbong nya ako kay Thania, actually natakot ako. Naiinis ako. Tangina ng Nichong yan! Kung di na lang ako mabait ngayon, baka ako na ang bumugbog sa kanyang walangya sya.

Napatingin ako sa hallway at di ko malaman kung saan ako magtatago nang makita ko si Thania na nakayuko dahil nag-aayos ng relos nya kaya di nya ako nakikita.

Agad akong nagtago sa dulo nung hallway ng floor na yon at tumingin sa kanya. Papasok sya sa unit ni Nicho. Tangina patay na! Magd-doorbell na dapat sya pero bigla nyang tinignan yung phone nya at agad syang umalis ulit. May tumawag sa kanya. Sana di na sya bumalik. Naiinis ako kapag nakikita kong nandito sya sa building na to pero hindi ako pinupuntahan nya, si Nicho. Malapit ko nang mapatay yung walangyang yon dahil sa.... inggit? Selos? Di nyo ako masisisi. Nagbabago na yung pananaw ko sa buhay dahil kay Thania. Tinamaan na ata ako talaga.

Lumabas ako nung hallway na yon at nadaanan ko na naman yung unit ni Nicho. Napansin kong may kung anong kumikislap doon. Agad akong lumuhod at nakita ko yung isang bracelet. Pinulot ko iyon at naalala ko yung sinabi nya sa akin. Yung mga bracelet na nakasuot sa kanya.

"Eto yung galing sa parents nya", sabi ko sa sarili ko kaya agad kong tinago yun sa kamay ko. Umakyat ako sa unit ko at agad akong umisip na naman ng paraan. Sa totoo lang, ang dami ko nang kailangang isoli kay Thania.

~Zeila

Napakamot ako sa ulo ko nang sigawan ako ni Kuya Rhon na umuwi na daw agad ako. Tumakas kasi ako sa kanya, I mean sa kanila kaya bago pa man ako mag-doorbell sa unit ni Nicho eh lumabas na ako.

Kaso may problema, nawawala yung bracelet na bigay nila Mamsie. Lagi na lang kasi kung ano pa yung mahalaga, yun pa yung nawawala. Una yung wallet ko, pangalawa yung bracelet ko. Nakakainis naman. Baket ba kasi hindi ako masinop? Nakakairita talaga tong buhay na to. Binalikan ko doon sa unit ni Nicho pero wala doon, pati na din sa ruta ng dinaanan ko, di ko na nakita. Haish buhay nga naman ng tanga oh! Bat pa ba ako nabuhay?

DALAWANG araw ang nakalipas na balisa ako. Ganto talaga ako kapag nawawalan ng gamit na mahalaga sa akin. Ganon ako magpahalaga. Nakahiga lang ako sa sofa nang biglang may nag-doorbell. Nakita ko ang papaalis na postman sa tapat ng gate namin kaya agad akong tumakbo doon para tignan yung mailbox. Tama nga, may laman na naman. Agad kong binuksan iyon

'Dear Zeila. I'm happy that I saw you even though you are far. I'm happy that I saw you even just a snip of minutes only. Hope to see and talk to you. Lovingly, your secret lover. PS: Wait for the next surprise later'

Teka, next surprise? At saktong may huminto sa harap namin na parang delivery boy.

"Maam Zeila Enrique po?", tanong ng delivery boy.

"Ako nga po", sabi ko at nagulat ako nang iniabot nya sa akin yung box na lalagyanan ng mga letters. Yung maliit lang na box.

Umalis na din naman yung delivery boy at agad kong inalog yung box. Medyo mabigat. Hinanap ko yung letter at binuksan iyon.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now