XV | Potential

Beginne am Anfang
                                    

"Hindi ka ba kinikilabutan sa pinagsasabi mo?!" Humihingal ako.

"As if you have another choice. I'm sending another one-"

"Ito na! Ito na-" pinigilan ko siya. "G-gagawin ko na yung sinabi mo..." napalunok ako nang pilitin ko ang aking sarili na harapin yung lobo.

Akmang sasakmalin na naman ako nito ngunit nang lumundag ito, naramdaman ko ang mabangis at mailap nitong presensya na umabot sa'kin. Nahirapan akong maghanap ng koneksyon dahil wala sa utak ng mga ganitong hayop ang maging sunud-sunuran pero sa huli, nalaman kong may kahinaan din pala ito, ang emosyon na nagbibigay ng lakas sa katawan ng isang lobo kapag hindi nito nakukuha ang kinasasabikan nitong biktima...

Desperasyon, na may halong galit dahil napupuno na siya sa pang-iiwas na ginagawa ko.

"Nakakaramdam din pala kayo..." umilag ako, pero alam kong panghuli na ito dahil nang malagpasan niya ako habang nasa ere pa siya, madali kong nahawakan ang emosyon kung saan nakakakapit ang bawat galaw niya.

Narinig ko siyang umungot sa sakit pagkatapos lumagapak sa sahig.

Umikot ako para tignan ang lobo na nanghihina at di-agarang nakatayo.

Galit siya sa'kin pero mas galit ako sa kanya, dahil nasabi ko na kahapon, na hindi pa ako handang sumakabilang buhay... at nakapagpasiya na rin ako, na kung sino man ang magbabanta sa buhay ko, ay manliliit muna sa aking harapan.

Tinapat ko ang aking palad sa kanya. Nang makita kong lumiliwanag na yung bato na nasa bracelet ko, daglian kong pinihit ang aking kamay sabay kuyom nito.

Minasdan ko kung paano naglaho ang lobo na nakabaluktot ang leeg at durog ang lalamunan.

Ilang sandali pa'y namulat ako sa ginawa ko. Nakapatay ba talaga ako? Artificial lang naman yung lobo na 'yon, diba? Para sa training lang naman namin 'yon.

"Whatever emotion you felt is the only emotion these creatures have. They do not have a family or anyone they are close to, Cesia. They were made to kill and be killed." paalala ni Trev sa'kin. "They're not real."

Napanatag ang loob ko sa sinabi niya. "So, tapos na ba tayo dito?" Gusto ko ng magpahinga.

"I actually changed my mind." aniya. "Here's a whole pack." Pinindot niya yung remote.

Nanlalaki ang aking mga mata nang lingunin ko ang mga lobo na isa-isang lumabas mula sa pader. "...T-Trev?" Yung totoo, ano bang atraso ko sa kanya?!

• • •

"You're slowing down, demigod." puna niya.

"Kung hindi ka lang kasi pindot nang pindot sa remote na 'yan!" Buong lakas kong tinadyakan ang leeg ng lobo na nasa aking paanan. "Ugh!"

Iniwasan ko yung ilan at sinamantala ang oras para tapusin ang mga lobo na pinakamalapit sa'kin. Nahihirapan akong kontrolin sila nang paisa-isa. Habang tumatagal, sumasakit din yung ulo ko.

"At your right."

"Oompf-" tumama sa kanang balikat ko ang mabigat na katawan ng lobo dahilan na mawalan ako ng balanse. Nakatihaya ako sa sahig nang magsimula ng umikot yung pananaw ko, kasabay nito ang pag-ugong ng aking tenga. Parang inaalog yung utak ko dahil sa matining na tunog. Sinubukan kong i-angat ang aking ulo pero muli akong napabagsak dahil may bigla-bigla nalang pumatong sa'kin.

Pinikit ko ang aking mga mata at kinalma ang sarili ko. Pagdilat ko, bumungad sa'kin ang matatalim na ngipin, na nakahanay sa loob ng nakaunat na bunganga nung lobo. Nabigla ako at tinulak ito mula sa pagkakapatong sa'kin.

Napabalikwas ako nang maramdaman ang matinding sakit sa aking binti. Namamasa ang mga mata ko sa oras na dumapo ang aking tingin sa harapan. "Bitaw!" sinigawan ko ang lobo na kagat-kagat ito. Binitawan naman ako nito saka umatras. Huminto rin yung iba. Walang ni isa sa mga lobong nakapalibot sa'kin ang gumalaw para atakihin ako.

Inilipat ko ang aking bigat sa mga kamay kong itinukod ko sa sahig. Nanatili akong nakaupo sa loob ng ilang segundo para papasukin ang hangin sa aking sistema. Ginalaw ko ang dumudugo kong binti at napagtantong may natira pa akong sapat na lakas para gamitin itong makatayo.

Dahan-dahan kong itiniklop ang aking mga tuhod. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang i-angat ko ang sarili ko mula sa pagkakaupo.

Mahigpit kong hinawakan ang namamaga kong balikat matapos akong makatayo. "Galit ba talaga kayo sa'kin?" napapaos na yung boses ko, "O galit kayo sa isa't-isa?" pero hindi ito naging hadlang sa ability ko.

Isang lobo ang tumalon at kinagat ang likod ng kapwa nito lobo. Sumunod na rin yung iba at inatake ang sarili nitong mga kasamahan.

Bumagsak ang kamay kong nakahawak sa aking balikat. Unti-unting nanlabo ang aking paningin... at namalayan ko nalang ang aking sarili na pumahilig sa hangin.

"I got you..." narinig ko ang ibinulong niya sa'kin pagkatapos kong maramdaman ang kanyang braso sa likod ko.

"...Cesia."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt