XII | Field Commotion

Start from the beginning
                                    

Humakbang ako papunta sa pinagmulan ng tunog. Isang anino ang nakita kong nakatago sa likod ng punongkahoy at tila'y nakatingin din sa'kin...

"Cesia!"

Nabaling ang aking atensyon sa boses ni Ria kaya panandalian akong napalingon sa kanya. Pagkaharap ko, nawala na yung anino na kakakita ko pa lang...

Pangalawang beses nang sinigaw ni Ria ang pangalan ko kaya napailing nalang ako at naglakad pabalik sa kanya.

May kinakausap yung boys na lalaking naka-itim na suit. Nakisali naman sa paglilinis ng field sina Art at Kara. Kasama nila ang mga aurai na nakasuot ng gloves at may dalang bin bags.

"Mukhang matatagalan pa sila..." nakapameywang si Ria. "Should we head to the dorm first? Or do you want to stay?"

Pinili ko yung unang choice na binigay niya, kaya nang makarating na kami sa dorm, una kong ginawa ay bumagsak sa sofa.

"Sorry you have to see that..." tumungo si Ria sa kusina.

Pumikit ako habang pinapatatag ang aking sarili. Pagkatapos ko ba namang masaksihan ang nakakapangilabot na eksenang 'yon?

"Alam mo kung anong katapat ng isang bloody warm, and bitter scenario?"

Binuksan ko ang aking mga mata at natagpuan si Ria na nakatayo sa harap ko. Idiniin niya sa aking mukha ang gallon ng ice cream na nasa kanyang kamay. "A taste of the opposite, which is cold and sweet ice cream!"

• • •

Nanonood kami ni Ria ng Powerpuff Girls nang magsidatingan na yung iba. "Oomf-" umayos ako sa pagkakaupo at sinubo ang panghuli kong kutsara ng ice cream. Agaran namang kinuha ni Ria yung remote at inilipat ang channel.

"Pwede bang ribs nalang yung lutuin ko?" tanong ni Art. "Sa ibang araw nalang yung chicken curry. Nawalan na kasi ako ng ganang kumain ng manok ih... o di kaya ibon-ish..."

"Whatever you feel like cooking, Art." sagot ni Dio.

Umupo si Kara sa tabi ko samantalang yung boys naman, dumiretso sa kani-kanilang mga kwarto.

"Kara? Did you gain any information about what happened?" tanong ni Ria sa kanya.

"No." Bakas ang pagkadismaya sa pagsagot niya. "We've already searched the whole place."

"Pati sa forest?" Kusang lumabas ang tanong na 'yon mula sa aking bibig. Naalala ko lang kasi yung nakita ko bago ako tawagin ni Ria...

"Including the forest."

So... namalik-mata lang ba ako n'on?

Kumunot ang noo ni Ria. "Are you saying that they died for no reason at all?"

"What we should be worried about right now is not what happened, Ria." sabi ni Kara. "It should be the goddess Athena." Pinag-ukulan niya kami ng tingin. "Once she discovers that her sacred animals were found brutally murdered within the Academy's territory, there's a big possibility that we will spend the rest of the school year suffering from her wrath."

"Ano namang balak nila d'yan?"

"Fifty owls are on their way from North America. They have one week to be trained and hopefully, replace the ones who died."

Habang pinapakinggan sila, napagtanto ko kung gaano kahalaga ang impresyon ng mga deities sa'min. Walang gustong makatikim ng kanilang galit kaya hangga't maaari, dapat iwasan ang mga pangyayaring hindi nila ikakagusto.

Naisipan kong mag half-bath muna since di pa naman tapos sa pagluluto si Art, kaya dahan-dahan na akong umalis mula sa eksena. Hindi ako pinansin nung dalawa at patuloy lang ang kanilang usapan tungkol sa mga aksyon na gagawin ng Academy para ma-address yung nangyari.

Pumasok ako sa kwarto ko. Nakakapit pa rin ang kamay ko sa doorknob nang pumikit ako sabay sandal ng aking noo sa likod ng nakasaradong pinto.

Pinapaalala ko sa sarili ko na pinili kong manatili sa school na'to. Pinili kong maging estudyante dito, kahit ibig sabihin n'on, makakakita ako ng mga di kaaya-ayang eksena... katulad nung kanina...

Kumalma na yung sistema ko pagkaraan ng isang minuto. Kumuha ako ng tuwalya bago pumasok sa banyo.

• • •

Tinutulak-tulak ko ang kanin sa aking plato gamit ang kutsara. Walang nagsasalita sa'min, at mabuti na siguro 'yon. Para hindi ko ma-visualize ang malubhang ala-ala na pilit kong pinapaalis sa utak ko...

Pugot na mga ulo... duguang balahibo... mga pakpak na nakahiwalay sa katawan-

Binaba ko ang kutsara.

Bakit gano'n? Bakit yung mga ala-ala na gusto nating makalimutan ang tumatatak sa isipan natin? May panahon na naglalaho nga ang mga ito, pero bumabalik din naman.

Tapos magtataka nalang tayo dahil ang bilis nating mahawa sa emosyon na kaugnay ng mga ala-alang 'yon...

Kaya 'eto ako, nakatulala sa hapagkainan dahil nawalan na ng ganang kumain.

"Baka nagkaroon lang ng crisis sa forest?" binasag ni Ria ang katahimikan.

"Oo nga... baka isang kulto pala sila kaya nag mass suicide-" hindi natuloy ni Chase ang kanyang sasabihin dahil nakatanggap siya ng sapak mula kay Ria. "Aray!"

"Do you think... it was a threat?" tanong ni Dio na ikinaseryoso ng lahat.

"Impossible." sagot ni Kara. "No such capable person can get inside the school premises."

Biglang tumayo si Trev at naglakad pabalik sa kwarto niya. Tumayo na rin si Cal at tinulungan si Art na magligpit.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Dio. "I guess we'll talk about it tomorrow." Nagpaalam na din siya bago umalis. Sumabay sa kanyang pag-alis si Chase na nawala na sa kanyang upuan.

Kasunod na umalis sina Ria at Kara. Samantalang ako, hinayaan ko ang aking mga paa na dalhin ako sa balkonahe, ang bagong favorite spot ko sa Olympus Academy.

Dito na talaga ako magtatambay pag gulong-gulo yung utak ko, o kapag ginagawa na naman akong baliw ng mundong 'to...

Nakapangalumbaba lang ako, nakatulala sa tanawin, nang may napansin akong gumalaw sa ibaba. Tinignan ko ito ng maigi at laking gulat ko nalang pagkatapos makita ang isang babaeng nakasuot ng school uniform.

Anong ginagawa niya d'yan? Hindi niya ba alam na delikadong lumabas sa mga oras na'to? Tapos papasok pa siya sa kagubatan?

"Pssst!" sumitsit ako pero hindi niya ako narinig. "Bumalik ka-" Lumabas ang isang ideya sa utak ko.

Hmmm... pwede kaya 'yon?

Humugot ako ng determinasyon habang nakatingin sa kanya. "Tigil." Pinagsikapan kong idirekta sa kanya yung utos ko.

Napasinghap ako nang makaramdam ng kakaibang hatak mula sa kanyang presensya... ibig sabihin, ganito ang pakiramdam kapag ginagamitan ko ng abilities ang isang tao?

Muli akong napatingin sa estudyante na napahinto.

"Naliligaw ka na..." bulong ko. "Kaya bumalik ka sa dinaanan mo."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now