"I missed you na talaga.." si Ian.

"Naku. Antok ka lang. Itulog mo na 'yan.." sagot naman ni Aya.

"Asus, kung di kita kilala isipin ko na di mo gustong ikasal sa akin.. Pero buti na lang, alam ko ang ugali mo.."

Nagtawa sa kabilang linya ang dalaga. Napangiti na rin tuloy ang binata.

"O, tumatawa ka ngayon diyan. Seryoso ako noh.."

"Ewan ko sa'yo. Matulog ka na dahil ayokong magkaroon ng groom na mukhang zombie."

"Saklap naman mhako.. Ako kaya ang pinakaguwapong groom na masisilayan mo.."

"Yabang talaga!"

"Oy, hindi a! Nagsasabi lang ako ng totoo. You know, excited lang ako para bukas.."

"I know."

"Sige na. Kita na lang tayo sa simbahan bukas. Goodnight and sweetdreams." si Aya.

"Goodnight. I love you.."

"Love you too. O, kiss na.."

"Mwuahh. Mwuahh. Mwuahh." si Aya.

Tinapos na nila ang tawagan. Daig pa ni Aya ang nangangarap nang humiga sa kanyang kama. Mayamaya pa, nakatulog na rin ng mahimbing si Aya.

Samantala...

"O, bakit di ka pa natutulog?"

"Dad..."

Umupo ang ama sa upuang kalapit ng sa panganay na anak.

"Dapat natutulog ka na.."

"Di po kasi ako makatulog.."

"Wedding jitters?"

Marahang tango ang itinugon ng dalaga. Napangiti naman si Mr. Go.

"Ang kapatid mo?"

"Sinilip ko kanina, kausap niya po si Ian.."

"Ikakasal na ang mga anak ko bukas.. Parang dati lang, baby pa kayo.. Ikaw, di ka humihiwalay sa amin ng mommy mo.."

Napangiti ang dalaga sa sinabi ng ama.

"Ayoko pa sanang ikasal kayo ng kapatid mo, pakiramdam ko kasi aagawin na kayo sa amin. Buong buhay mo, kami ang umaalalay sa'yo tapos ang kapatid mo naman, nito lang namin nakasama..."

"Dad..."

"Wag na lang kaya kayo sumipot bukas?"

"Dad! Alam n'yo po na imposible yan.."

"I know. Ang hirap naman kasi maaga kayong tinamaan ng sakit ng pagiging inlove.."

"Dad..."

"It's okay. Siguro, ganito lang talaga ang pakiramdam. Pero alam ko naman na magiging maligaya kayo ni Aya.."

"Takot lang nila sa'yo dad.."

"Tama. Wag na wag ko lang makikitang pinaiiyak ang mga prinsesa ko.."

"Dad... Can I hug you?"

"Of course. Halika..."

Nagyakap ang mag-ama. Mayamaya pa, nagpaalam na si Mr. Go sa panganay na anak.

"O, aakyat na ako. Baka magising ang mommy mo at magtaka bakit wala ako.. Ikaw rin, matulog ka na.."

"Opo."

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now