"Talaga? Nasaan siya? Bakit ang sabi ni Jim naaksidente ang kakambal mo?"

"Di ho siya kundi yung ale na tinulungan niya. Iyon ang sinabi niya kaninang mag-usap kami.."

"Pero bakit nakapatay niya ang cellphone niya?" si Jenny.

"Ang sabi niya, nakalimutan niyang i-on. Bumagsak kasi nung magpreno siya ng malakas. Pero hintayin na lang natin ang paliwanag niya ukol sa nangyari.." si Cindy.

"Oh God, akala ko habang-buhay na ko makakaramdam ng guilt.." si Ian.

"Kung gayon, maaari na tayong umuwi. Wala na palang dapat ipag-alala.." si Mang Jose.

"Salamat naman sa Diyos.. O siya, tayo nang umuwi. Sa bahay na lang natin siya hintayin.." yaya ni Mr. Go sa mga kasama.

"Mabuti pa nga."

Ipinaalam muna nila sa hepe na ligtas na si Aya. Nagpasalamat sila at pagkatapos ay nagpaalam na rin.

Sumama ang pamilya ni Ian sa mansyon ng mga Go. Doon nila hihintayin si Aya. Pagdating sa mansyon, pumasok na ang magkasintahang Jim at Jenny kasama ang kapamilya ni Aya. Doon sila nagtipon-tipon sa maluwang na sala habang pumuwesto naman sa veranda sina Ian at Cindy. Pinag-usapan nila si Aya.

"Mabuti naman at ligtas siya. Di ko mapapatawad ang sarili ko sakaling may masamang nangyari.."

Ngumiti si Cindy.

"You really love her, don't you?"

"Mahal na mahal ko siya. More than she could imagine.."

"Mahal na mahal ka rin ng kapatid ko.."

"Alam ko. At sa totoo lang nahihiya ako sa kanya.. At sa sarili ko rin."

Tiningnan ni Cindy ang katabi. Ipinagpatuloy naman ni Ian ang pagsasalita.

"Tingin mo mapapatawad pa niya ako? Initsapuwera ko siya nitong nakaraang araw. Pero God knows how much I missed your sister. Araw-araw nangungulila ako sa boses niya, sa sweetness niya.."

"Mamaya pagdating niya, magkakaayos na rin kayo. Aba, dapat lang para mapagtuunan ko na rin ng pansin ang sarili ko..."

"At ang lovelife."

Natawa ang dalaga.

"Naman! Ang lagay e kayo lang? Siyempre dapat ako rin.."

"Gusto kong makilala ang doktor na iyan. Naintriga talaga ako dahil never kitang nakita na ganyang kasaya tuwing nagkukuwento. Not that na sinusumbatan kita, what I mean is masaya akong makita na masaya ka.."

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant