"Akala namin wala na kayong balak bumaba..." si Jim.

"Uhhmmn!"

"Aray naman 'heart.."

"Hahahaha! Wala ka na p're, cariño brutal pala yan e.."

"Yan na ang karma mo pare.."

Halos saktan na ng tiyan ang mga kaibigan ni Jim. Kahit nga si Aya at Ian ay di rin napigilan ang mapabulalas ng tawa.

"Heart naman..."

"Ano? May angal ka? Ayusin mo ha, tatamaan ka talaga.."

"Naku, patay ka na diyan.. Di pa kayo kasal n'yan ha? Pa'no pa kaya pag kasal na kayo? Ay!"

"Tatawa-tawa ka riyan, pag ikaw nakahanap ng katapat mo...." si Jim.

"Baka mas malala ka pa sa dalawang ito pag nagkataon.."

"Naku, tatawanan ka rin namin." si Aya.

"Di mangyayari 'yan.." pagmamayabang pa ni Luis.

"Wag kang pakasisiguro. Wag magsalita ng tapos, Luis. Baka dumating yung araw na makita ka naming umiiyak dahil sa babae." si Ian.

"Totoo at pag nangyari yun, pamumukhaan talaga kita!" asar na wika ni Jim.

"Bahala kayo. I know myself very well. alam ko na di mangyayari sa akin ang ganyan.."

"Ladies and gentlemen, may I have your attention please.."

Si Mr. Gino Go ang nagsalitang iyon, ang ama ni Aya.

"Mukhang magsisimula na ang event." sabi ni Luis.

Noon naman lumapit si Shaira sa kanila.

"Andito ka lang pala ate Aya.. Kanina pa kita hinahanap e.."

"Sus, baka naman ako talaga ang hinahanap mo.."

"At bakit kita hahanapin, aber?!"

Agad na tumikwas ang isang kilay ng dalaga.

"Simple lang. Dahil guwapo ako at dahil type na type mo ako.."

"Ang lakas talaga ng hangin rito! May bagyo ba?!"

Ngisi lamang ang itinugon ni Luis sa sinambit ng dalaga. katako-takot na irap naman ang ibinigay ni Shaira rito!

"Naku, tumahimik na nga kayo..." saway ni Jenny.

"Ano ba yan, sa tuwing magkikita kayo nitong kaibigan ko lagi na lang bangayan.."

"Pagsabihan mo kasi yang kaibigan mo. Masyadong hambog!"

"Hambog? E ikaw, tabachoy! Pangit!!"

"Hindi ako pangit, okay?!" iritadong wika ni Shaira.

"Talaga? E kung di ka pangit, bakit walang nanliligaw sa'yo hanggang ngayon? Tell me, tibo ka ba?"

Asar na asar na talaga si Shaira at iyon ang nahalata ni Aya kaya namagitan na siya.

"Sssshhhh... Tama na yan. Magsasalita na si daddy..."

Nakinig naman sina Shaira at Luis. Tumigil na nga sila sa pagbabangayan. Itinuon na nila ang atensyon sa pakikinig sa ama ng dalaga.

"Una po sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong pagpapaunlak sa imbitasyon naming mag-asawa. May tatlong rason po kung bakit tayo narito ngayon at nagdiriwang.." panimula ng ama ni Aya.

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt