"Baka umbagin ka niya, kilala ko ang batang 'yon." si Mang Jose.

"Okay 'yang plano n'yo. Bet na bet. Tiyak ko, mainis man siya mas mangingibabaw pa rin kung gaano at hanggang saan ang pagmamahal niya sa'yo." si Shaira.

"Really? Palagay mo?" si Jim.

"Of course. Mas maganda ang plano dahil wala sa eksena si ate Aya. Malabo kang mabuking ng mas maaga." ang dalaga. "One more thing, hopeless romantic pala kayo?"

Nagkatawanan sila. Tama si Shaira. Mas malaki ang chances na maging successful ang plano niya. Di naman sa sinasabi na asungot lang si Aya pero alam niyang na kay Jenny ang loyalty nito!

"Kailan mo gustong gawin? Kailangang paghandaan natin yan gaya ng plano nitong si Ian." si Gino.

"As soon as possible po sana... Para pag isinagawa na ni Ian ang plano niya e di na ako loveless gaya nina Dion at Luis."

Lihim na napasimangot si Shaira pagkarinig sa pangalan ni Luis. Ewan ba niya kung bakit nayayabangan siya rito gayung friendly naman ang binata. Iyon nga lang, palaging siya ang inaasar at laging nakikita!

"Okay, ganito. Sa makalawa na lang Jaime. Kasi next week na ang anniversary ng kumpanya e." si Guarra.

"Okay po. Salamat sa suporta tita, tito, at sa inyong lahat."

"Jim, ako na bahala sa props natin. Ako na rin kakausap kay Doctor Mendrez." si Shaira.

Ang doktor Mendrez na ito ay kaibigan at dating kaklase sa elementarya ng dalaga.

"Sige. Salamat. Hayaan mo at irereto kita kay Luis."

"Eww.. Kadiri!" exaggerated na react ni Shaira.

Nagkatawanan naman sina Ian at ang iba pa. Hanggang sa magpaalam ng uuwi ang magkaibigan ay di na bumaba si Aya. Naroon siya sa silid at nakipag-chat sa pinsang nasa Cebu.
Nagkamustahan lamang sila at pagkatapos ay nag-out na rin siya sa facebook. Tumayo at tinungo ang mini cabinet na naroon sa kanyang silid. Binuksan at kumuha ng damit pantulog.

Dumiretso siya sa banyo at mabilisang nag-shower. Suot na niya ang damit nang lumabas ng banyo.

Umupo siya sa silyang nasa harap ng salamin at kinuha ang suklay. Pinasadahan niya ng suklay ang basa at nangingintab na buhok. Pinatuyo niya ng blower at pagkatapos ay nagtungo na sa kanyang kama. Ilang sandali pa, tuluyan nang nahimbing ang tulog ng dalaga.

Kinabukasan, magkasama na naman sina Aya at Ian pero di na binabanggit ng binata ang tungkol sa inasta niya kagabi. Ayaw na rin naman niya iyong pag-usapan.

Nakasalubong nila si Jenny dala ang medyo may karamihang mga folders. May meeting kasi ang lahat ng department with the executives. At siyempre kasama roon si Ian dahil siya ang CEO at may pinakamalaking controlling shares sa kumpanya.

"Good morning sir, bestfriend.." si Jenny.

"Morning." sabay nilang bati ng nobyo.

"Kumpleto na?"

"Yes. Tayo na lang daw po ang hinihintay."

"Kung gayon, let's get inside."

Si Ian na mismo ang nagbukas ng pinto. Tama nga si Jenny. Naroon na ang iba pang executives at mga head ng bawat department. Binati ito ni Ian saka naupo sa kanyang swivel chair.

Nag-umpisa na ang meeting. Nakikinig lamang si Ian pero kapag may tanong ay agad niyang isinasatinig.

Inabot hanggang oras ng tanghalian ang meeting kaya naman dumiretso na sina Ian sa mansyon ng mga ito. Doon sila manananghalian dahil ayon sa binata ay nagpaluto raw ng masarap na putahe ang mommy nito.

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now