Napalunok ang dalaga. Handa nga ba siya sa matutuklasan sa pagbalik niya sa pamilya?

Napansin ni Christian ang alinlangan sa mukha ng dalaga.

"Okay, wag na muna nating pag-usapan ito. For the meantime, halika na muna sa komedor para makapaghapunan. Sigurado akong naghihintay na roon si Nelize." si Christian. "Come..."

Inilahad ng binata ang isang palad sa dalaga. Tinanggap naman iyon ni Cindy at kumilos na rin para tumayo. Magkahawak-kamay silang lumabas ng silid na iyon at tumungo sa komedor. Habang naglalakad, kanya-kanyang gumagana ang isip nilang dalawa.

Nakakaalala na siya! Kasakiman man ang naiisip ko sana wala na siyang mabalikang nobyo sa Maynila pag-uwi niya...

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Malungkot ako kahit na malinaw na sa akin ang lahat! Bakit sa halip na maging masaya, parang may pinong kirot na nandito sa puso ko.. I shouldn't feel this! May fiancee ako!

Sana, wag ka na lang umalis... I'm more than willing na gawin ang lahat para ako na lang ang mahalin mo...

Cindy, Cindy, stop this! Mali ito! Hindi tama! Wag mong bigyan ng kulay ang ipinapakitang concern ni Christian sa'yo! He's just nice! Gentleman, kaya please lang wag kang mag-assume na merong something!

Wish I could hold your hand 'til forever. Pero alam ko na may ibang nagmamay-ari sa'yo...

Noon sila sumapit sa komedor. Hinila ni Cindy ang palad niya mula sa pagkakahawak ng binata. Napansin kasi niyang napatingin doon ang pinsang dalaga ng doktor. Nagulat ito pero sandali lang. Pagkatapos ay napangiti na.

Nakaramdam naman ng lungkot ang binata nang di na niya hawak ang kamay ni Cindy. Inalalayan niya ito at ipinaghila ng upuan.

"Salamat." si Cindy.

Marahang tango ang isinagot ng doktor sa pasasalamat na iyon ng dalaga at pagkatapos ay umupo na rin sa kanugnog na silya.

Nagsisimula na silang kumain pero tahimik ang dalawa. Napapansin na iyon ni Nelize at ng mga katulong na nakatayo lamang sa tabi. Pansin niya ang lihim na sulyap na ginagawa ng dalawa para sa isa't isa. Napansin din niya ang katamlayan ng kanyang nakatatandang pinsan. Nagtaka siya. Mayamaya, nagbukas siya ng paksang mapapag-usapan.

"Kumusta ka na Emerald? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?"

Napatingin si Cindy sa nagtanong pero di agad nakasagot.

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ