"Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong niya ulit habang nakatitig sakin
"USO kaya magdoorbell o kaya kumatok manlang! Nakakatakot ka kaya baka mamaya rasis ka eh"
"Rasis?" Hindi Ano ba yung gusto kong sabihin, basta sa r nag-uumpisa yun eh
"Rapist pala!"
"Grabe naman to sakin" knindatan niya lang ako at kinuha ang song book
"Meron pala kayong ganito" habang binubuklat isa-isa yung mga page sa song book
"Binili ni mama yan neto lang para daw iwas boring" tinititigan ko lang siya. Ibang-Ibang si kenneth kapag basta hindi ko maexplain. Napatingin siya sakin
"Oh bakit na naman?"
"H-ha? Wala"
"Wag mo nang pansinin"
"Ang alin?"
"Yung nakalagay sa mata ko" huh? Tinitigan ko yung Mata niya
"Ahh may eyeliner siyaaaa" kaya pala parang ang ganda ng Mata!
"Si mama kase nilagyan Mata ko, ganyan daw para maattract ka"
"Ahhhhhhh kaya pala mukha kang nakadroga" sabi ko at tumingin nanaman siya sakin, shete ang gwapo
"Pakanta ako ha" kinuha niya ang remote at nag enter ng number. Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa pagkakahawak ko sa mike at kinuha niya
"Nakakainis ka!" Pinapakilig mo ko bwiset ka
"Ha? Bakit?"
"Wala joke lang kumanta ka na" ngumiti lang ulit siya sakin.
YOU ARE READING
730 Days with Andrea Santos
Teen FictionDue to public demand (assumera XD) HAHAHA joke lang :) Eto na po yung sequel ng 100 days with my enemy. I hope suportahan niyo pa din ito tulad ng pagsuporta niyo sa part 1 P.S: Hindi na po ako maglalagay ng napakadaming AUTHORS NOTE hahaha prom...
Chapter 4: Best In Me
Start from the beginning