I smiled. "His jealous? You think so?"

"Hahaha yeah, very much. Kaya sa tingin ko, kung ano man iyang mga balak mong gawin para ma-inlove din siya sa'yo ay gawin mo lang. Susuportahan kita bilang kaibigan mo."

"Aw, such a big guy with a big heart." Sabi ko habang inaayos na ang pinagkainan namin.

"Hahaha, because I'm a guy with a big heart, ako na din ang bahala dito sa kusina at pumunta ka na sa kwarto mo para makapaghanda ka sa mga binabalak mo kay Cyrus para bukas."

"Really?" He nodded. "Thanks! May kailangan pa kasi akong tawagan eh tapos matutulog na din ako. Goodnight, James."

"Yeah, goodnight. Sleeptight and sweet dreams."

Tumatawa akong umakyat sa hagdan kaya sa sobrang saya ko ay sa kwarto ni Cyrus ako dumiretso na sakto namang hindi naka-lock ng pihitin ko ang doorknob. Pero nagbago din ang isip ko at hindi na ako pumasok sa kwarto niya, tutal naman ay may binabalak na ako para bukas na talagang ikakainit ng ulo niya. But for now, I needed to make that call.

Nang nasa kwarto ko na ako ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko para tawagan si Skyblue. Where did I get her number? Ofcourse kay kuya Reid na hindi na nagtanong pa kung bakit ko iyon kailangan.

I called Skyblue's cellphone number na isang taon na ata ang lumipas bago niya iyon sinagot. At nang sagutin naman niya ay.....

"Who the fuck are you and where did you fucking asshole get my number?!"

I was shocked. And speechless. And shaking. And I think my heart stops beating for a second.

"Answer me or I'll slit your throat."

"S-skyb-blue."

"And you damn know me!!! Tell me who you are, son of a bitch!"

"S-si E-erika ito. K-kapatid ni R-reid." Shoot! I'm scared.

"Oh? Hi, Erika. Anong kailangan mo sa akin?" Biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya at hindi na siya sumisigaw. Oh, thank god!

"Ah, kasi....ehem!" Inhale. Exhale. "Ahm, pwede ka bang pumunta dito sa hide-out nila Jagger bukas? Para bantayan sana si James?"

"Busy ako. Lalo na ngayon. Alam mo bang inistorbo mo ang pakikipag-sex ko ngayon? Malapit na kami sa climax eh tapos bigla kang tumawag? Alam mo ba ang pakiramdam ng nabibitin? Gusto mo bang mangyari din sa'yo yon?"

I don't know what to say.

"Ahm....sorry?"

"Ah, okay." Huh? "So bukas kailangan kong pumunta diyan sa hideout nila Jagger para bantayan kung sino man si James. Okay."

Ha? Ganoon nalang yon? Payag agad, pagkatapos magreklamo?

"Iyon lang ba ang sasabihin mo? Dahil bitin na bitin na talaga ako dito eh para matapos na namin ito."

"Yeah, yeah. Thanks anyway and have a mind blowing orgasms." What the hell?

Pagkatapos ng magulo naming pag-uusap ay humiga na ako sa kama ko para magbasa ng tungkol sa pagbubuntis at sa baby. And hours later, I fell asleep with the lights still on and with the book still on my hand.

____________________

"Erika! Wake up!" Narinig kong sabi ng taong gumigising sa akin pero hindi ko iyon pinansin at sa halip ay nilagay ko pa ang kumot sa mukha ko.

"Erika, gumising ka na diyan dahil may kailangan pa tayong pag-usapan!" Galit na sabi pa nito.

"Argh! Ano ba kasi yun?" Sabi ko kasabay ng pag-upo ko sa kama ng nakapikit parin ang mga mata ko. "Hanggang kailan ko ba kailangang ulit-ulitin sa inyo na walang gigising sa akin sa umaga? Inaantok pa ako eh!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang nakapikit parin.

Night Owl Assassin 2जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें