Sobrang init ngayon! Grabe kakaiba talaga yung init. Tapos kapag matutulog kana ang init pa din! Naramdaman kong pipunasan ni kenneth yung mukha ko


"Pawis na pawis ka be, haggard ka na girl"


"haha! landi mo hahaha" 


Nakauwi na kami sa bahay at nakita ko si mama at tita na nagkikwentuhan dun sa sofa.


"Oh kamusta interview?" masayang tanong ni mama


"Hindi nanaman po tumuloy tita" sagot ni kenneth, nagulat naman sila mama at tita



"Bakit? Hindi ka nanaman tumuloy andrea?"



"Eh kase , kumukulo na naman yung tiyan ko eh. May LBM ata ako"



"Ayan kase hindi tinitigilan yung mga ice candy na ginawa ni kuya kenneth" singit naman neto ni mario habang nakikipag habulan kay cyrus. Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha nalang ng dalawang ice candy sa freezer at binigay yung isa kay kenneth.


"Oh" inabot ko sakanya yung ice candy at umupo sa tabi niya, ngumiti lang siya sakin at kinuha na yung ice candy.


"Sa pagkakaalam ko 100 yung ginawa kong ice candy, grabe andrea malapit nang mangalahati" pang-aasar niya


"Eh anong magagawa ko? Ang sarap ng ice candy ng boyfriend ko eh" sabi ko sakanya sabay sandal sa balikat niya.


"Kadiri ka!"


"Ha? Anong kadiri dun?" umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sakanya



"Wala hehe" 


"AYYYYYYY si kenneth! hahaha ang libog mo nanam--" hindi ko natuloy yung sinabi ko kase bigla niyang tinakpan yung bibig ko


"SHH. Wag ka ngang maingay, baka kung ano pang isipin nila tita"


"Haha grabe kase haha-" napatigil ako sa pagtawa at napahawak sa tiyan ko


"Ayos ka lang?"


"Iyo nalang yung ice candy ko, kumukulo na naman yung tiyan ko" inabot ko sakanya yung ice candy at tumakbo na sa taas. Narinig ko pa yung tawa niya.


Neto kaseng nakakaraan, wala akong ginawa kundi kumain ng kumain ng ginawa ni kenneth na ice candy, ginawa niya yun nung nanliligaw pa siya. Nakakapanghina sa feeling yung pabalik-balik ka sa c.r! May nilagay atang pampatae yun si kenneth sa ice candy -.-


Ngayon na yung mga tawagan ng mga pinag-apply.an ko ng trabaho kaya dapat na talaga akong makapunta at makasagot sa interview nila kaso nga lang, wrong timing naman tong LBM ko. Kaya isang linggo akong ganito. Nakakadehydrate kaya tapos ang init pa diba kaya kahit nasa c.r ka lang tagaktak na ang pawis mo. Nakakapanghina.




After one week..


Lahat ng opportunity para makakuha ako ng trabaho ay nawala na dahil sa LBM ko. Kaya ngayon? tinigilan ko na muna ang pagkain ng ice candy. Nakaupo lang ako ngayon dito sa kama ko habang nakatapat ang mukha ko sa electric fan. Si mama nasa trabaho, samantalang si mario naman? nandun sa bahay ng mga kaibigan niya, nakikipaglaro. Si Kenneth? Nandun sa trabaho niya, meron na siyang trabaho. Isa siya dun sa nagluluto sa isang restaurant ng isang hotel. Ang galing nga nun eh, nakapasok siya.


Samantalang ako, nandito pa din sa bahay. Hm, Ay alam ko na. Ikikwento ko nalang kung paano naging kami ni kenneth.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now